Chapter 7

2585 Words

Emma "Emma, matagal ka pa ba? Nandiyan na ang sundo ko, mauna na lang ako sa'yo kung matagal ka pa diyan," sigaw ni Ella mula sa labas ng banyo. Napatigil ako sa pag sasabon ng aking katawan dahil sa ginawa niyang pag sigaw. Dahil na rin sa ingay ng tubig na nagmumula sa shower ay hindi naging maliwanag sa pandinig ko ang mga sinabi niya. Kinailangan ko pang buksan ang pintuan at sinilip siya. "Anong sabi mo?" tanong ko habang nakasilip ang ulo sa nakaawang na pintuan. "Mauna na ako, nandiyan na kasi ang sundo ko. Pasensiya na, Emma. Hindi na kita mahihintay," saad pa ni Ella. Napatingin ako sa kanya magmula pababa hanggang pataas ng kanyang katawan at nakita ko ang bag na nakasabit sa balikat nito, maging ang ayos niya ay handang-handa na rin. Napipilitan man ay tumango pa rin ako.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD