Chapter 35

2526 Words

Isang linggo ulit ang lumipas sa bago niyang apartment. Ngunit kakaiba iyon sa mga naunang araw niya sa kanyang tirahan. Napaka-mesirable niyon kumpara sa lahat ng araw niya. Sa loob ng isang linggo pagkatapos ng pag punta nila sa rest house ni Xander ay hindi na ulit umuwi sa kanya ang binata. Sa unang araw niyon ay naiintindihan pa niya. Inisip na lamang ng dalaga na abala ito sa dami ng kanyang trabaho kung kaya ay hindi siya nagkakaroon ng oras para sa dalaga. Ngunit walang segundo na hindi niya hinintay ang pagdating ni Xander. Naghintay siya sa mga sumunod na gabi ngunit walang Xander na dumating. Hanggang sa umabot ng isang linggo ang paghihintay niya ngunit wala pa rin ang binatang hinihintay niya. Unti-unti nang nanghihina ang pag-asang mayro'n siya. Sumagi na sa isip niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD