"Wake up, baby boy. Late ka na sa pagpasok ng school." Isang boses ang gumising sa natutulog kong diwa. I know it's Mama's voice. Siya lang naman iyong tumatawag ng ganoon sa akin. "You're not going to school, Hanziel?" Muli kong narinig ang kanyang tinig ngunit hindi pa rin ako nagmulat ng paningin. Gusto ko pang matulog. Napuyat ako kagabi dahil sa kakaisip ko kay Fionah buong magdamag. Dito ko naisipang matulog kagabi. I know mabubuwang lang ako kakaisip kay Fionah kapag doon ako sa aking condo nagpalipas ng gabi. Maaalala ko lang iyong mga pinagsaluhan naming sandali at naiinis lang ako kapag naisip ko na may kasama siyang ibang lalaki sa mga oras na 'yon. "May problema ka ba anak?" tanong ni Mama sa 'kin nang magtama ang aming paningin. Nandito pa pala s'ya. I thought she went out