FREYA was grinning from ear to ear. Hawak niya ang sariling cellphone habang binabasa niya ang ipinadalang mensahe ng kaibigang si Jade. Hindi maiwasan ni Freya ang mapangisi dahil sa mensahe ng kaibigan. Ayon kasi sa mensahe nito ay akitin daw niya si Ylac para daw mahulog ang damdamin nito sa kanya. Binigyan pa siya ng kaibigan ng payo kung paano niya aakitin ang binata. Napangiting iiling na lang si Freya sa kahibangan ni Jade. Mayamaya ay napaangat siya ng tingin ng makarinig siya ng pagtikhim. Nawala ang ngiting nakapaskil sa labi ni Freya nang makita niya si Ylac na nakakunot ang noo habang nakatingin sa kanya. Lalong kumunot ang noo nito ng mapadako ang tingin nito sa hawak niyang cellphone. "Anong oras na?" kunot pa rin ang noo ng binata ng tanungin nito ang oras sa kanya. Sinuly