PAGKADATING nila sa labas, nakayuko lang siya pilit na linalabanan ang kabang nararamdaman, oo ganito talaga siya pag napapalibutan siya ng mga lalaking, ‘di ganun ka close sa kanya at kapag bumabyahe siya sa isang lugar na ‘di pa pamilyar sa kanya, napa-atras siya ng bigla siyang hawakan ni Mikael sa kamay.
"What's wrong? Are you alright?" nag-alalang tanong nito ng makita ang reaction niya.
Binawi niya ang kamay sa lalaki at umatras sabay tango at ‘di tumingin rito pero makulit ito, kinuha nito uli kamay niya at hinapit siya palapit rito.
"Hindi kita bibitiwan hangga't di mo sinasabi sa akin ang totoo, okay ka lang ba talaga? Ba’t ang tahimik mo?" sunod-sunod na tanong nito at akmang hahawakan ang mukha niya.
Kinuha niya ang kamay mula rito at yumuko pero ‘di talaga siya binitiwan ng lalaki.
"Tell me first, ano nangyayari sa iyo??" pamimilit nito.
Napabuntonghininga siya, kailang beses ba ito ipinanganak ba’t ang kulit nito? Hindi ba pwedeng hayaan na lamang siya nito tulad na lamang ng kanyang ama at asawa na walang pakialam sa opinion at pakiramdam niya, bakit ba siya nito kinukulit? Ano ba ang kailangan nito sa kanya?
"Hey, Mari? " tawag nito sa atensyun niya at hinawakan siya sa balikat.
"Ba’t natulala ka na naman? Nagtatampo ka ba? May masakit ba sa iyo?" sunod-sunod na tanong nito.
Heto na naman, nakakaramdam naman siya ng pamilyar na kaba at takot at ‘di mapaliwanag na pag-alala, umatras siya.
"A-ayos lang ako," mahinang usal niya.
"Hey, pasok na kayo ano ginagawa niyo diyang dalawa, mamaya na kayo mag-moment, kailangan pa natin maabutan si Lhalhaine," seryosong turan ni Shyra.
Napatingin naman siya roon, napabitin din ang kamay ni Mikael sa eri, bumuka-sara ang bibig nito na tila ba may gustong sabihin pero nagbago ang isip nito. Linagpasan niya ito, oo inalis na nito ang posas sa kamay niya.
"Sa sasakyan na lang tayo ni miloves ko mas malaki ‘yun eh!" biglang sabi ni Shyra na patingin naman lahat sa babae.
Sumeryoso ang mukha ng doctor, nap tikhim naman si Mikael habang ngumisi naman si Heckson.
"Aba, sana all may miloves, kinikilig ka, Doc.? Tumahimik ka eh, kinilig na ‘yan," pambubuska ni Heckson sa kaibigan.
Lumapit si Shyra kay Doc at sinundot-sundot nito ang pisngi ng Doctor. "Yieee namumula ka, kinilig ka ba miloves ko, gusto mo ba? ‘Yan na lang tawag ko sa iyo, miloves ko–ay!" pangungulit ng babae na naputol dahil tinulak ito ng Doctor.
"Tumigil ka na kung ayaw mo iwan ka namin rito," seryosong giit nito at tinalikuran sila.
Napasipol naman ang dalawang lalaki, habang napanguso na lamang si Shyra, medyo nawala ‘yong hiyang nararamdaman niya at pangamba napalitan iyun ng saya at kunting excitement, well ito ‘yong unang pagkakataong babyahe siya kasama ang kaibigan, oo masyado siyang pinagkaitan ng kalayaan, ngumiti siya ng mapait.
"Dito na lang ako sa front seat, Doc. para katabi kita, sige na pumayag ka na please, payag na ‘yan, payag na ‘yan—" pangungulit na naman ni Shyra sa doctor na poker face lang ang mukha.
"Baba," madiing utos ng doctor kay Shyra.
Umiiling ang babae sabay nguso. "Ayaw," pagmamatigas nito.
Habang siya ‘di alam ang gagawin nasa harap siya ng front seat, napahawak siya sa kanyang damit, eto na naman kinakabahan na naman siya, hindi talaga kasi siya comfortableng sa ganito, masyado siyang nasanay mag isa–napa angat siya ng tingin ng may humawak sa kamay niya.
"Pasok ka na," malumanay na sabi ni Mikael.
"Huh? Oo, sige," wala sa sariling tugon niya at pumasok na.
Sumiksik siya sa gilid ng umupo si Mikael sa tabi niya, huminga siya ng malalim at pilit kinakinakalma ang sarili—
"Ito naman, isang beses lang ‘to eh, pumayag ka na ma-l-late na tayo, Doc. At saka puno sa likod, diba guys, diba?" nakangusong sabi ni Shyra.
Napatingin siya sa babae, hindi niya maiwasang mainggit rito, para kasing lagi ito masaya, para kasing malayang-malaya ito, hindi katulad niya maraming isyu sa buhay, pero isa din ito sa mga dahilan kung bakit masaya siya, napangiti na lamang siya ng marinig niyang napabuntonghinga ang doktor.
"Oo nga, bud, hayaan muna si Shyra, para maka alis na tayo," pa-cool na singit ni Heckson.
Tumingin rito ang doktor ng masama kaya napatikom ang bibig nito.
"Mas bagay sa iyo ang ganyan."
Napa-angat siya ng tingin ng marinig ang malambing na tinig na iyon.
"Ang alin?" ‘di niya maiwasang itanong.
Sumilay ang ngiti sa mga labi nito. "’Yan, ‘yong ngumingiti ka mas maganda kang tignan, mas bagay sa iyo pag masaya ka," mahabang paliwanag nito.
Napatahimik siya, ito ang kauna-unahang pagkataong may pumansin sa kanya, lalo na kapag sa lalaki, malaki talaga isyu niya sa mga lalaki, sa totoo lang takot siya sa mga ito, pakiramdam kasi niya lahat ng lalaki sasaktan siya, lahat ng lalaki ayaw sa kanya, kaya hangga't maari lumalayo siya mula sa mga ito—
"Hey…here you go again, tulala ka na naman, may problema ba?" nag-alalang tanong nito.
Napakurap-kurap siya, dahan-dahan niyang inangat ang tingin mula sa katawan ng lalaki, sa leeg, labi hanggang umabot siya sa mga mata nito. Sinalubong siya ng nag-alalang mga mata nito, magkasalubong ang makapal na kilay, hindi niya maiwasang mapatitig rito, tumitig din ito sa kanya, ito lang ang lalaki kinaya niyang makipag titigan, well madalas kasi hindi siya tumitingin sa mga mata ng tao lalo na mga lalaki.
"Your eyes is very beautiful pero parang may mali..." bulong nito.
Napakurap siya at napaiwas ng tingin nang marinig niya ang sinabi ng lalaki.
"Aherm! Parang out of place naku ah, puro na kayo may mga ka-moment, respeto naman sa katulad kong walang partner," angil bigla ni Heckson nasa likuran ito nakaupo.
"Tumigil ka nga diyan, ang drama mo," napailing na sabi ni Mikael.
"Hmpp, inaway muna ako ngayon kasi may Mari ka na, ‘di mo na ako love," parang batang pagmamaktol ni Heckson at napanguso pa talaga ito sabay lagay ng dalawang braso sa dibdib nito.
‘Di niya maisawang mapangiti sa kalokohan ng dalawang lalaki, lalo na ang mga mukha ng mga ito na animo’y mga bata.
"Tsk, parang baliw ito, simpre love kita ano ka ba!" boses baklang tugon ni Mikael at nilingon si Heckson.
"Yuck!" react ni Shyra.
Natawa lamang siya ng mahina habang tahimik na nagdri-drive si Doc Cyrex. Lagi talaga nagiging mas exciting ang araw niya kapag kasama niya ang mga ito, she did learn new experience again, masarap pa sa piling ma-belong sa isang grupo, mula kasi pagkabata hindi niya naranasan na magkaroon ng kaibigan dahil nga kinulong siya nga ama siya. Kaya ngayon she willing to take risk para tulungan si Lhalhaine, sa kasiyahan nito dahil ito naging silbing tulay niya para mahanap ang mga kaibigang ‘di niya inaasahang darating sa buhay niya.
…
Binibining mary ✍️