Chapter 4: Meeting his friends

1290 Words
PAGTIGIL ng sasakyan sa isang malaking bahay agad siyang kinabahan, hindi niya alam pero parang pamilyar sa kanya ang lugar. "Let's go." Napakurap kurap siya ng marinig ang tinig ng lalaki nasa gilid na niya ito ngayon, inalis na nito ang takip sa bibig niya, akmang sisinghalan niya ito ng... "Hep, hep, don't you dare to think about it, kung ayaw mo lagyan ko uli ng tape 'yang nakakaakit mong labi," saway nito na may pagbabanta at inalis ang posas pero sa isang kamay niya lang, nanlaki mata niya ng inilagay nito sa isang kamay nito ang isang posas. "There, tingnan lang natin kung makakawala ka pa, nakatali ka na ngayon sa akin," nakangising turan nito. Sisipain niya sana ang lalaki sa binti pero mabilis na hinuli nito ang paa niya dahilan para samaan niya ng tingin ang lalaki. "Opss, too slow," nakangising asar nito sa kanya. Sumingot siya sa pang-aasar ng lalaki, ewan ba niya pero ang bilis uminit ang ulo niya pag ito ang kanyang kaharap. "Ahh ganun ah!" Dahil malapit ito sa kanya, wala pagdadalawang isip na binunggo niya ang ulo sa noo nito dahilan para mapaatras ito. "What the!! Ouch!!" Hinawakan nito ang noo kung saan niya binunggo ang kanyang ulo. Tinignan siya nito na para bang 'di makapaniwala na magagawa niya 'yon. Tinaasan niya lang ito ng kilay pero nanlaki ang mata niya ng bigla siyang hinapit ng lalaki sa bewang na halos magkadikit na ang mga labi nila sa lapit ng mga mukha nila. "I wanted to punished you right here, right now so badly—" bulong nito sa tenga niya na naputol dahil may tumikhim. "Aherm!!" Lumayo ito sa kanya, nagbaba siya ng tingin pakiramdam niya kasi umiinit buong mukha niya sa kahihiyan na nadarama. "Bud..." Ngumiti sa kanya ang isang gwapo lalaki sa pagkakaalam niya Heckson ang pangalan nito, lumipat ang tingin nito sa kaibigan. "Sabi ko tatanungin mo lang si Doc. 'di ko sinabing kidnapin mo," natatawang turan nito. Napakamot sa batok si Mikael. "Eh? Parang ayaw kasi niya akong kausap kaya dinala ko na lang," katwiran nito. "Whatever you say, bud," natatawang sabi na lang ni heckson. Hinawakan siya ni Mikael sa bewang at walang sabi-sabing binuhat siya nito napakapit naman kaagad siya sa leeg ng lalaki. "What are you doing? I can walk by myself, put me down, Mr.!" Angil niya. Subalit parang bingi ang lalaki pinababa lang siya nito ng nasa harap na sila ng pintuan ng bahay. "Why did you bring me here??" tanong niya nang nasa loob na sila. Umupo si Mikael at dahil naka posas ang kamay nila dalawa wala siyang magagawa kundi umupo sa tabi nito. "May itatanong lang kami sa iyo–papa-clarify pala, pasensya ka na kay Mikael kinidnap ka pa, sabi ko tatanungin ka lang niya—" "Cut that drama, bud, ask her already." Putol ni Mikael sa pag paliwanag ni Heckson, imbis na mainis natawa lamang ang lalaki. "Okay, okay," nakataas ang dalawang kamay na sabi ni Heckson. "So, ano iyong itatanong niyo sa akin at kailangan pa ako kidnapin ng lalaking ito?" seryosong tanong niya. Nakita niyang umangat ang gilid ng labi ni Heckson tila ba gustong nitong tumawa pero pinigilan lang nito dahil masama ang tingin ni Mikael rito pero mukhang 'di talaga nito na kayanan, malakas na tawa ang kumawala sa labi nito. Napahawak pa ito sa tiyan at may pahampas-hampas pa sa mesa na nasa harap nila. "Hahahahahahahaha, sorry—hahahahahaha—wait—hahahaha," putol-putol na sabi ng lalaki na tila mauubusan na sa hangin sa pagtawa nito. Habang sila dalawa ni Mikael ay nakatingin lang sa lalaki, mamaya pa ay tumigil na ito na pinagsalamat niya ng palihim. "So, what is it?" tanong niya uli. Imbis na si Heckson ang sumagot si Mikael ang sumingit. "Well, Heckson found out, you buy a ticket, a plane tickets going to philippines, is it yours? Or for Lhalhaine?" seryosong tanong nito. Napaayos siya ng umupo, oo bumili siya ng ticket para sa babae, dahil gusto daw nito umuwi sa pilipinas dahil sa nakita, magkasama sila noon sa mall at nakita nitong may kasamang babae si Tyeron doon, well 'di na din lingid sa kaalaman niyang ikakasal si Tyeron sa ibang babae and that's made Lhalhaine hurt so much pero swerte pa din ang kaibigan dahil my Throne ito, at pwedeng-pwede itong lumayo at piliin ang sarili hindi gaya niya. Napakurap siya ng biglang may lumapat na kamay sa kanyang mga pisngi, bumungad sa kanya ang nag alalang mukha ni Mikael. "Why are you crying? May masakit ba sa iyo?" masuyong tanong nito. Natigilan siya at wala sariling napahawak sa kanyang pisngi basa nga iyon, umiwas siya ng tingin. "Don't mind it, for your question, yes i did buy tickets," malumanay na tugon niya na 'di tumitingin sa lalaki. "For whom?" mabilis na tanong nito. "Can I know first? The reason why you two need to know about this?" balik tanong niya. Napaayos ng umupo si mikael ganon din si Heckson. "Well, we're trying to help a friend, I can't explain the whole story to you because we don't have so much time, so tell me if it's for you or for Lhalhaine, the ticket you buy?" Si Mikael ang sumagot gamit ang seryosong tinig. Napatingin siya sa orasan nasa dingding. "Her flight is today," sabi niya habang nakatingin sa orasan. "f**k!! I need to call Tyeron, he needs to know about this," bulalas ni Heckson at mabilis na tumayo at kinuha ang cellphone. Habang seryosong nakatitig sa kanya si Mikael kaya na pababa siya nang tingin hindi siya sanay sa pagiging seryoso ng lalaki. "Why did you buy her ticket?" seryosong tanong nito. At tumingin ng diretso sa kanyang mga mata na tila ba pati kaluluwa niya ay sinusuri nito. Tumititig din siya rito, minasdan niya ng mabuti ang mukha ng lalaki. "Well, I can't tell you why," malumanay na tugon niya. Nakita niyang tumaas kilay nito, malapit sila sa isa't isa dahil magkatabi sila at nakaposas pa din ang mga kamay nila. "Why?" seryosong tanong nito. Bumuntonghininga siya. "It's not my story to tell, just ask her," tugon niya. Bumuntonghininga ang lalaki, kinuha nito ang laptop nasa gilid lang nito at may kinulikot dun habang siya 'di mapakali. "Hey, Mr. Can I go home now?" tanong niya. "No," sagot nito habang ang mga mata ay nasa laptop. "And why is that?? I already told you right? I need to go back in the hospital, my patient is waiting for me, I don't have time with this, nasabi ko na ang gusto niyo malaman, so let me go already," nauubusan ng pasensya na sabi niya. 'Di siya nito pinansin kaya mas lalo kumulo dugo niya, tumayo siya at dahil magkaposas pa din ang kamay nila napaangat din ang kamay ng lalaki kaya napatingin ito sa kanya. "What?? Alisin mo na ‘tong posas at uuwi na ako," seryosong turan niya. Binalik uli nito ang tingin sa laptop na tila ba ‘di siya narinig kaya mas lalo siya nainis na hindi niya naman nararamdaman sa iba ngayon lang, sa lalaki lang ito. "MIKAEL!!!!!" tili niya. Tumingin ito sa kanya tapos umungat ang gilid ng labi nito na tila natutuwa pa sa pagtili niya. Nagbaba siya ng tingin ng napansing nakatingin sa kanila si Heckson nakatayo sa gilid at may kinakausap sa cellphone. "Aalisin mo na ito at nag maka-uwi naku," mahinang sabi niya at bumalik sa pagkaupo. "Hindi ka pa pwede umalis," tugon nito. "And why is that??" nauubusan ng pasensya na tanong niya. "Just do what I say and stop asking," seryosong turan nito at tumingin sa kanya. Bago pa man siya maka-angal may 'di inaasahang panauhin ang dumating. ... Binibining mary ✍️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD