MADILIM na sa loob ng kubo at malakas pa rin ang ulan sa labas na may kasamang kidlat. Nag-uumpisa na siyang kabahan, takot siya sa ulan at kidlat mula pa noong bata siya pero nagagawa niya namang kontrolin iyon, gaya ngayon pero nang biglang kumidlat ng malakas na patalon siya sa gulat buti na lamang ay sinalo siya ni Mikael, yumakap siya sa leeg nito at pumikit ng mariin sa sobrang kabang nadarama niya ng mga sandaling iyon. "Shhh, it's okay, don't be afraid, I’m here," masuyong bulong nito at hinagod-hagod ang likod niya na parang sa pamamagitan nun ay mabawi ang takot na nadarama niya. Medyo kumalma naman siya, ilang saglit pa’y napagtanto niya ang ginawa, mabilis na kumalas siya at bumaba mula sa pagkabuhat ni Mikael sa kanya, umatras din siya at yumuko, hindi na niya kaya tumingin