Chapter 8: Non-stop fight with him

972 Words
SUMIKSIK talaga si Mari sa upuan ng eroplano kung saan siya nakaupo, hindi siya umupo malapit sa bintana dahil natatakot siya, malayo siya sa iba niyang kasama kahit pinilit siya kanina ni Mikael na umupo sa tabi nito. Tumanggi siya ‘di niya makakayang makasama pa ito na sila lang, kaya lumayo siya rito, hindi niya alam kung maawa siya kay Tyeron nakatingin sa kanila kanina ni Mikael ng mag away na naman sila, hindi niya ugali makipagtalo lalo na sa mga lalaki pero pagdating kay Mikael ‘di niya alam pero umiinit ulo niya, nagagawa niya ipagtangol ang sarili sa lalaki. Buti na lang at lumayo ito sa kanya at natahimik na pero mamaya pa nakita niyang lumapit ito kay Tyeron at may sinabi ‘di niya narinig napatitig siya sa lalaki ng marinig niya ang pag banggit nito sa pangalan niya ‘di niya maiwasang mapatayo. "Why me? I have nothing to do with this, I’m just helping my friend because your friend hurt her, mga ‘di kasi kayo makokontento eh!" angil niya. Habang tahimik lang si Tyeron. "Shut up or I will do it by myself," seryosong saway ni Mikael ng bumuka bibig niya para dagdagan ang sasabihin. Pinaikot na lamang niya ang kanyang mga mata at tinalikuran ang lalaki. Papagurin niya lang sarili kung makiki pag usap pa siya rito mas mabuti pa kung umiglip na lamang siya. *** PAGKAGISING niya nasa loob na siya ng isang van, nilibot niya ang tingin si doc. Cyrex ang nag dridrive habang na sa front seat si Shyra habang siya na tabi ang makulit na lalaking pangalan ay Mikael. Tumingin siya sa katabi na nakasandal ngayon sa balikat niya nakapikit ang mata nito, huminga siya ng malalim nang maramdamng bumibilis ang t***k ng puso niya, heto na naman inaatake na naman siya, hindi niya maiwasang gumalaw kaya gising ang lalaki at tumingin ito sa kanya. "Sorry nakatulog ako,” hingi nito ng paumanhin at umayos ng upo. Magsasalita na sana siya ng may kinuha ito sa bulsa, napa taas kilay niya ng makitang maliit na salamin iyon, inayos nito ang buhok at may nilagay sa pisngi nito. ‘Di niya maiwasang napangiwi, mas maarte pa ito kaysa sa kanya napa bumuntong hininga siya. "Pwede ba kong mga on ng music?" malumanay na tanong ni Shyra kay doc Cyrex. Napatingin siya lalaki, akmang bubuka ang labi nito nang… "Salamat, miloves ang bait mo talaga," ngiti-ngiting sabi ni shyra at kinulikot na ang music player. Napailing na lamang ang doktor habang siya napa angat ang gilid ng labi, believe na talaga siya sa babae, sana gano’n din siya, confident at out spoken pero kasi iba siya rito ‘di niya maiwasang napabuntong hininga. Napa angat siya ang tingin ng mag play na ang music. ~Music played~ Ano'ng magagawa, laging natutulala T'wing lumalapit ka, t'wing lumalapit ka Ako ay natutuwa kahit 'di sinasadya Napa taas kilay siya ng sumabay si Shyra sa kanta habang kinagalaw galaw ang balikat nito at tinuturo turo si doc Cyrex na seryosong nakatingin sa daan. Natawa siya ng sumayaw si shyra na tila kinilig talaga habang nakatitig kay doc. Cyrex, baliw talaga pero she loves her humor. Iangat pa nito ang kamay at ng sign stop at umaaktong nahihiya, pumalakpak siya pwede na talaga ito maging actress, tumingin sa kanya ang babae at nag thums up. Binalik na nito kaagad ang tingin kay doc Cyrex, at sumabay sa kanta ulit. Sumasway sway ang katawan nito habang ang mga kamay ay nakaturo sa doctor na ‘di napapasulyap din rito, napailing na lamang siya ng mabasa niya sa mata ng doctor ang pag kaaliw at alam niya pinigilan lang nito mapangiti. Napabalik ang tingin niya sa babae na ngayon may hawak nang suklay at sumayaw na parang baliw feel na feel talaga nito ang kanta. Lumingon ito sa kanya at pinalagay sa harap niya ang suklay na nag silbing micropono, ngitian siya nito. "Ikaw naman." Nahihiyang tumingin siya sa paligid. "Go Mari, go Mari, go Mari," cheer nina Heckson, Mikael pati na din si Tyeron. "Pero kasi..." alinlangang aniya. "Kaya mo iyan," ngitian siya ni mikael at hinawakan ang kamay niya. "Isipin mo na lang nasa c.r ka at walang tao kung gusto mo pumikit ka," dagdag pa ng lalaki. Hindi niya alam pero gumaam ang pakiramdam niya at ‘di niya namalayang napapikit na pala siya at sumabay na sa kanta. MEANWHILE hindi maalis ang mata ni mikael kay mari na ngayon ay kumakanta sa harap niya, feel na feel rin nito ang bawat linya ng kanta, ‘di niya maiwasang pumalakpak ng matapos na nito ang kanta, napatingin siya sa mga kasama nila, pumalakpak din ang mga ito. Minulat ng babae ang mga mata nito, ngumiti ito. "Owshie, ang galeng mo pala kumanta, Mari," puri ni Shyra. Nagbaba ng tingin ang babae. "Mas magaling ka," tugon nito at marahang ngumiti. "Sus nambola pa pero totoo may talent ka...kaya best friend tayo eh! Magandan na, may talento pa," nakangiting untag ni shyra. "Oo nga, thank you ah!" Napatitig siya sa babae, lumabas kasi dimple nito pagkangiti nito ng malapad kay Shyra. Biglang bumilis ang t***k ng puso niya ng tumingin ito sa kanya. "Thank you." Napalunok siya at umiwas ng tingin. "Huwag ka na kumanta ulit ‘di bagay sayo," pag sisinungaling niya. Pagkaangat niya ng tingin nakita niyang dumaan ang sakit sa mga mata ng babae, nakonsensya tuloy siya parang gusto niya suntukin ang sarili. "Ba’t mo sinabi iyon? Halata naman gusto mo din ang pagkanta niya ah!" bulong ni Heckson sa kanya. Napabuntong hinga na lamang siya. "Ang tanga ko," ‘di niyang maiwasang sabihin. "Oo nga, ang tanga mo at ako naman ang gwapo ko," nakangising ika ni Heckson. "Kapal mo," supalpal niya. "Aba't—” react nito na deadma niya lang. … Binibining mary
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD