MsCS: 3

1188 Words
Chapter Three: Men’s Club NAKARATING si Elena sa Men’s Club at sobrang daming tao roon. Mapa-lalaki man o babae ay nandoon ang mga ito para magsaya. Pumasok siya at hindi naman ganoon ka crowded dahil malaki ang lugar. May masayang tugtog ng live ban at may mga waiter na dumadaan lang para ihatid ang alak ng costumer patin na rin pagkain. “Hello Ma’am welcome to Men’s Club,” bati ng isang waiter sa kanya. Ngiting-ngiti ito ngunit kitang-kita ang pagod sa mukha. Mukhang kanina pa yata ito nagta-trabaho. “May table kayo na good for one?” tanong niya. Hangga’t maaari ay ayaw niyang makikihalubilo sa ibang tao. Siyempre kailangan niya paring isipan ang kanyang kaligtasan dahil walang ibang mananagot kung mayroong mangyayari sa kanyang kapahamakan. Alangan naman sisisihin iyong taxi driver na? “Ako na ang bahala sa kanya.” May biglang lumapit na gwapong lalaki sa kanila. Tumango lang ang waiter at umalis na ito palaya sa kanila. Hindi gaanong naaaninag ni Elena ang mukha nito dahil sa lighting. Masiyadong madilim dahil nakatalikod ito kung saan nanggagaling ang ilaw. Dagdagan pa na matangkad ang lalaki. “Follow me Miss,” ani nito at naunang lumakad. Sumunod lang si Elena. Mukhang mabait naman ang lalaki nakakasiguro siyang isa ito sa may-ari ng club. Sa pangangatawan palang nito ay hindi mo masasabi na isa lang itong ordinaryong waiter. Matangkad at may maganda itong bulto. “Ano ang gusto mong inumin?” tanong ng lalaki. “Iyong moderate lang. Ayoko ng hard.” “Ano ang gusto mong compliment? Chips, crackers, grilled meat or fried meat?” Sandaling nag-isip si Elena. Hindi niya alam na may paganito pala sa club na ito. “Kailangan pa ba niyan?” Umiling ang lalaki. “Not really pero kung mahina kayo sa alcohol tolerance ay mas mabuting samahan ninyo ng pagkain. Para magiging masama ang ang tama ng alak saiyo.” “Ganoon ba ‘yon? Sige sasamahan ko nalang ng chips para mas sosyal. Medyo over kung grilled meat ang io-order ko.” “Pwede naman grilled, rich in fats ang mga meat namin rito kaya mabisa iyong panlaban sa alcohol. Kung gusto ninyo ng rice ay mayroon din kami.” “Naku, ayokong tumaba. Kaya iyon nalang ang akin.” Ang sarap din mag sales talk ng muklo. Convince na convince siya sa pagkaing sinasabi nito. “Sige po Ma’am, moderate drinks for women at chips,” ani nito at umalis na. “Infairness ang bango niya,” wika niya nang siya nalang mag-isa sa table. Ipinasyal niya ang kanyang mga mata at hindi pa rin nababawasan ang mga tao sa loob. May iba ay sobrang lasing na ngunit sige pa rin ang mga ito sa pag-inom. Napansin ni Elena ang grupo ng mga babae at isa sa mga ito ay umiiyak. Natawa siya bigla. Ganito ba talaga kapag nalalasing? Tila kumakapal ang mukha ng mga ito. Nagi-enjoy si Elena sa kanyang mga nakikita. Talagang iba ang atmosphere kapag nasa club ka. Masaya lang at nakakalimutan mong isipin ang iyong mga problema. Dumating ang kanyang order ay nauna ang kanyang drinks. Dalawang shots lang iyon. Iba na ang naghatid ng pagkain at hindi iyong mabangong lalaki. Ganoon paman ay maskulado din ito at mayaman na mayamang tingnan. Sayang lang at hindi niya naaaninag ang  mukha ng mga ito dahil sa ilaw. “Thank you,” aniya. “May gusto pa po ba kayong order Ma’am?” tanong nito sa baritunong boses. “Teka,” tinikaman muna ni Elena ang drinks at napataas ang kanyang dalawang kilay dahil ang sarap niyon. Kung hindi siya nagkakamali ay fruity iyon. “Mukhang hindi naman siguro ako matatamaan nito masiyado. Bigyan mo ako ng limang shots. At ‘yong chips naman ay dagdagan pa.” “Copy that,” ani nito at umalis na. “Infairness ang ganda ng accent.” Tinungga na ni Elena ang isa pa kaya naubos niya kaagad. Sobra siyang nabibitin. Nagpapasalamat siya at mabilis lang ang drinks. Kaya mabilis niya rin itong naubos lahat kahit wala pa ang chips. Pagdating ng chips ay medyo nagulat ang nahatid. Ito iyong lalaki na ang bango ng pabango. Mukhang hindi ito makapaniwala na naubos niya kaagad ang pitong shot glass. “Gusto ko pa, ang sarap parang juice lang pero gusto ko ang spike ng alak,” aniya. “Sigurado po kayo Ma’am?” nag-aalala nitong tanong. “May kasama po ba kayo?” Umiling si Elena, “ako lang mag-isa at tumakas lang ako sa amin. Kaya ko pa naman kaya bigyan mo ako ng lima pang shots.” “Si-sige,” hindi ito nakatanggi. Matapos ilapag ang chips ay tumalikod na ito sa kanyang table. Kaagad na ring nilantakan ni Elena ang chips na sobrang sarap din. Eksaktong pagdating ng order niya namang alak ay paubos na ang kanyang chips. “Order pa ako ng chips. Pakidamihan please,” aniya. “Ma’am, paalala ko lang po sainyo na hindi juice o tubig ang inyo iniinom. Alak po ang iniinom ninyo.” “Huwag mo akong aalahanin. Wala pang epekto sa akin ang alak, ano ka ba.” Pagkalatag ng drinks at ubos iyon kaagad. Hanggang sa hindi na namamalayan ni Elena panay na ang kanyang order at pagkalipas ng ilang sandali at bumigat na ang kanyang ulo. Tila para siyang lumulutang. “Kaya pa Ma’am?” “Oo kaya pa, sige pa,” aniya. “Sigurado po ba kayo na wala kayong ibang kasama? Baka may mangyaring masama sainyo sa daan?” “Kung alam mo lang ay tumakas lang ako sa amin. Alam mo, umakyat pa ako sa puno ng mangga para lang makatakas at makapunta sa club ninyo. Iyon ang pinagdaanan ko.” “Paano ka makakauwi niyan?” “May taxi driver akong kinausap. Tatawag na lamang ako sa kanya kapag uuwi ako.” “s**t,” napamurang wika ng lalaki. Rinig na rinig iyon ni Elena kaya napatawa nalang siya. Nanlalabo na ang kanyang mga mata at halos wala na siyang makita. “Okay lang ba siya?” May isang hindi pamilyar na boses ang lumapit sa kanila. Pinilit itong tingnan ni Elena ngunit malabo na ang kanyang mga mata. Sinubukan niyang tumayo ngunit mas mabigat pa yata ang kanyang ulo kaysa sa ibabang katawan. “Lasing lasing na e.” “Miss, saan ka nakatira?” tanong nito. “Ha? Hindi ninyo ako kilala?” tanong niya. Lasing na lasing na talaga si Elena at hindi na niya alam kung ano ang kanyang pinagsasabi. “Ako ang nag-iisang anak ni Carlos Saavedra.” “Carlos Saavedra? Alam ko kung saan ang bahay nila. Samahan mo ako para ihatid ito.” “What?” nagulat siya bigla ngunit nakapikit na ang kanyang mga mata. “Tumakas lang siya, e.” “Kahit na, hindi basta-basta ang pamilya nito. Ayaw nating malagay sa alanganin itong club hindi ba?” “Sige.” Naramdaman ni Elena na may bumuhat sa kanya. Sinubukan niyang magpumiglas ngunit hindi na niya kaya. Lasing na lasing na siya kaya nakatulugan niya na lamang ang ginawang pagbuhat ng hindi pamilyar na lalaki.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD