Prologue

285 Words
"Tama na Grey! Tama na please!" Ilang beses na akong nagmakaawa ngunit parang wala siyang naririnig. Tila kinunsumo na siya ng galit. Kung saan-saang parte tumatama ang kamao niya at hindi man lang alintana ang aking daing. "Did you feel it? Did you feel how much I hate you? Did you feel the pain?" Bakas sa boses niya ang matinding galit sa akin. Nakakapaso rin ang nagaapoy niyang titig. "Grey..." Hinihingal na saad ko kasabay ng walang tigil na pagbagsak ng aking luha. "'Yan! Diyan ka magaling. Ang umiyak ng umiyak at magmakaawa. Bakit? No'ng nagmakaawa ako sayo na hindi ituloy ang kasal naawa ka ba sa'kin ha?!" Ang mga nag-aapoy niyang mata sa akin ay isa lamang rason para malaman kung gaano niya ako kinasusuklaman. "Mahal..l-lang kita Grey...." Sambit ko sa mahinang boses. Wala na akong lakas para malakasan pa ang boses ko. Namamaos narin ako sa sobrang pagiyak at sobrang pagmamakaawa. "Love?Mahal mo ko?" Humalaklak siya bago sinakop ng malaki niyang kamay ang aking baba at mahigpit na kinapitan. Pinilit niyang iangat ang mukha ko at tingnan siya. Siya na puno ng galit ng mata at pagkamuhi sakin. "You choose to love me so face the hell bitch." Marahas niyang tinanggal ang kamay niya sa aking baba na siyang nag-ani ng malakas na impact at nagpatabingi sa aking mukha. Narinig ko ang malakas na pagsara ng pinto at isang pahiwatig na wala na ang demonyo. Doon ko nilabas lahat. Ang mga sakit sa pamamagitan ng paghagulgol. All I want is to have him and I think marriage is the answer to my problem. Nagmahal lang naman ako. Bakit pinaparusahan ako? Masama bang magmahal? Ako si Cathy Xyra Garcia - Sanford THE BATTERED WIFE
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD