Chapter 2

1482 Words
"Sharamdaram...shamdaram~" kanta ko habang nagluluto ng adobo ngayong hapunan. Hawak ko ang sandok na siyang nagsilbing mike ko habang kumakanta. Ito ang ginagawa ko kapag wala na si Grey sa bahay. Nagluluto ako para na rin maibsan ang sakit at sumaya kahit papaano. Tuwing nasa kusina talaga ako, sumasaya ako. Bata pa lang ako, hobby ko na ang magluto. Tuwing nagluluto si mama, lagi akong nanonood kaya marunong akong magluto. At isa iyong qualities na maipagmamalaki ko kay Grey. A way to a man's heart is through his stomach ika nga. Pero kahit ano atang kain ni Grey sa luto ko, sa stomach lang napupunta lahat. Hindi pa rin ako makapasok sa puso niya. Habang hinihintay na maluto ang niluluto kong adobo, pasaglit akong tumingin sa aking cellphone. Pagbukas palang, sa wallper na agad tumama ang tingin ko. Napangiti ako habang pinagmamasdan iyon. Si Grey kasi ang wallpaper ko. He was sleeping peacefully at the picture. His red wet lips were apart and his hair is messy that makes him more attractive in my eyes. I left out a sexy chuckle while staring at my husband picture. Sobrang hot. Feeling ko tuloy ang init ang init. Tumingin muna ako sa oras. 7:00 pm na pala. Agad kong hinanap ang number ni Grey sa mga contacts ko. To: My love of my life <3 Anong oras ka uuwi? Nagluto ako ng adobo. And a hit send. Alam kong useless ang magtext sa kaniya pero ginagawa ko parin. It is part of my routine. Pagkatapos maluto ay agad din akong kumain. Dinamihan ko pa ang pagkain dahil ito ang way ko para kahit papaano ay magkaroon ng energy. Nakakapaos at nakakagutom ang pag-iyak kaya kailangan bumawi ng lakas. Pagkatapos ko kumain ay naghugas ako ng pinggan at pumunta ng teresa dahil doon ko balak hintayin ang pinakamamahal kong asawa. Alam kong late ang dating no'n pero lagi ko pa ring hinihintay. I want to see him before I sleep. Alam niyo ba kung gaano ako katakot na baka isang araw 'di na siya uuwi? Kaya hindi ako napapanatag hanggang wala pa siya sa bahay. Ang swerte ko pa sa lagay na ito. Kahit gaano siya kagalit, sa akin parin siya umuuwi. While waiting my husband, I spend my time reading books. Iyon ang ginawa kong pampalipas oras hanggang maramdaman ko ang pananakit ng mata sa tagal ko ng nagbabasa. Tiningnan ko ang gate pero wala pa ring sasakyan na naandon. Sinipat ko ang oras. Alas dose na ng umaga. Humahamog na din kaya naisipan ko na lang maghintay sa loob. Kumuha ako ng blanket at unan. Humiga ako sa sofa habang hinihintay si Grey. Ramdam ko na babagsak na ang talukap ko pero pinigilan ko iyon dahil balak ko pang hintayin ang asawa ko. Napabangon ako nang marinig ang makina ng kotse sa garahe. Pagkasipat ko ng oras, lampas ala una na pala. "Grey bakit ka nagdrive ng lasing?!" Gulat ako napalapit sa kaniya dahil gumegewang itong pumasok. Amoy na amoy ko ang alak at halong suka sa kaniyang katawan. Aalalay na sana ako kaso mabilis niya akong hinawi. "Don't touch me" masungit niyang sabi. Ngunit nagpumilit ako. Lumapit muli ako para alalayan siya "Pero lasing na lasing ka. Tutulungan---" 'di pa ko natatapos ay mahigpit niyang kinapitan ang mga braso ko na dahilan para mapadaing ako sa sakit. Ang mga kamay kasi niya ay kumakapit sa parte kung saan ako may pasa. "Aray ko!" Daing ko. "Bitawan—aray!" Mas lalo niya pang hinigpitan ang kapit kaya halos mapaiyak ako sa sakit. Hinawakan niya ang ng mahigpit ang baba ko at tiningnan ako ng matindi. "This is all your fault! Everything is ruined because of you" Isang malaking kamay ang tumama sa pisngi ko. I suddenly felt the sting on my cheek. Namamanhid ito sa sobrang sakit. Nag-init ang mga mata ko at nasimula ng manlabo ang aking paningin dahil sa luha na walang tigil sa pag-agos. "Grey nasasaktan ako. Tama na. Bitawan mo na ako" mahina na daing ko at humagulgol sa sakit. "Dapat lang na masaktan ka! 'Yan naman ang nararapat sayo. This is all your damn fault." Itinulak niya ako palayo sa kaniya at dahil medyo may kalakasan ang kaniyang tulak ay napasalampak ako sa pinto. Tumama ang aking likod sa mismong doorknob kaya namilipit ako sa sakit. "Ugh!" Daing ko sa sakit. Hindi ako nakahinga saglit. Napabaluktot pa ako sa sobrang sakit. Naramdaman ko ang paa niya sa aking balikat ngunit wala akong masabi. Nawalan ako bigla ng boses dahil sa pamimilipit. "Dahil sayo nasira buhay ko. Nawala si Vanessa, ang babaeng pinakamamahal ko. Nasira ang relasyon namin dahil sayo. Dahil sayo, naging impyerno na ang buhay ko kaya magsisisi ka habangbuhay. Akala mo sasaya buhay mo dahil pumayag akong magpakasal sayo? Nagkakamali ka! Kailan man ay hindi ka magiging masaya!" Idiniin niya saglit ang paa niya sa aking katawan bago ako iwan para umakyat. Tanging hagulgol lang ang narinig ko sa loob at hinintay na maghilom ang kirot sa katawan. Kinaya ko paring tumayo kahit sobrang sakit ng buo kong katawan. Sinundan ko pa rin siya hanggang kwarto dahil ako lang naman ang mag-aasikaso sa kaniya at kasalanan ko rin kung bakit siya naglalasing. Nakasalampak na siya sa kama nang madatnan ko. Tinuyo ko ang luha bago lumapit para ayusin ang pagkakahiga niya sa kama. "I hate you Cathy...." he murmured while sleeping. Pinilit kong hindi pakinggan 'yon habang inaayos siya sa kama. He really hate me to the point na sinasaktan na niya ako. Medyo mabigat siya ngunit nakaya ko naman siyang hilahin sa abot ng maakaya ko. Kahit masakit ang buong katawan ko, nagpainit ako ng tubig. Habang nagpapainit ng tubig ay tinanggal ko ang kaniyang damit. Naging pahirapan pa dahil may malay pa rin siya at minsan hinahawi ako pero 'di naman na masakit. Tinanggal ko ang ang suot niyang leather jacket at t-shirt. Sinunod ko na ang kaniyang jeans at sapatos. I take a look at his body. My eyes darted on his six pack abs down to his boxer. I swallowed hard when I see the bump inside his boxer. And now I wonder how big his..buddy? Kaagad kong sinampal ang sarili. NO CATHY! Ang landi mo! Naginit ang pisngi ko sa naiisip ko. s**t! Parang 'di ka niya sinaktan kanina ah? Ang problema kasi sa akin, kahit sinasaktan niya ako, hindi ko magawang magalit. Kahit sinasaktan niya ako, nagagawa ko pa siyang pinagmamasdan siya at pagnasaan. Kumuha ako ng maligamgam na tubig at towel. Pinunasan ko ang kaniyang katawan at pinaltan ng damit. Inayos ko ang kaniyang higa at binalutan ko na ng comforter. Malalim na ang paghinga niya kaya naman alam kong tulog na siya. Pansamantala kong kinuha ang opportunity na ito. Ang pagkakataong mahawakan at matitigan siya. Lumapit ako sa kaniya at tumabi ng higa. Ipinikit ko ang mata bago ko siya niyakap. Nilasap ko ang init ng kaniyang katawan hanggang sa unti-unting nagsilaglagan ang aking mga luha. "Yes, I made a mistake but I hope someday you will love me back. I hope that someday you'll see my worth.I wish you learn how to love me" Muli kong minulat ang mata. Inangat ko ng kaunti ang aking ulo para haplusin ang kaniyang pisngi at ngumiti ng mapait. "Maghihintay ako Grey. Maghihintay ako na mahalin mo rin ako hanggang sa kaya ko pa. Alam kong mahirap magstay sa set-up natin pero pagbigyan mo na ako. Sana magbukas ang puso mo para sa akin" Hinalikan ko ang kaniyang noo bago muling ipinahinga ang ulo sa kaniyang braso at mas lalong sumiksik sa kaniya. Natigilan ako nang bigla siyang gumalaw. Mas lalo akong kinabahan nang maramdaman ko ang mga braso niyang pumulupot sa bewang ko. Naging kapos ang hininga ko at nagsimula na ring manginig ang katawan ko sa takot. I waited for a second until I heard his snore. Nakahinga ako ng maluwag nang maramdaman ko ang malalim parin ang paghinga niya. Akala ko hanggang doon lang ang kaba ko pero napasinghap ako nang idantay pa niya ang mga binti sa aking paa at lalo pang inilapit sa kaniyang katawan. "Vanessa..." he murmured as he hugged me tightly. Unting unti sinaksak ang puso ko sa narinig. Mas lalo akong humagulgol. Hanggang ngayon ay sambit parin niya ang babaeng kaniyang tanging mahal kahit na sa pagtulog. I'm tired hearing that name over and over again. Wala na siya dito pero heto at nasasaktan pa rin ako. Mahirap ba talaga akong mahalin? Ano bang kulang sa akin? Pinunasan ko ang luha at mas lalong isiniksik ang sarili ko sa kanya. Hindi na baleng ibang babae ang nasa isip niya habang yakap ako basta ang importante ako ang naandito. Hindi bale ng saktan niya ako basta makatabi ko siya matulog. Ipinikit ko na ang mata at ilang segundo lang ay nakatulog na ako. Sana lang talaga hindi sya maunang magising bukas dahil patay ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD