Para sa taong may pera, mabilis lang ang pag-uwi ng isang Duncan Clyde De Luna mula Bicol hanggang Baguio kung saan naroon ang pamilya. Bicol to Manila and Manila to Laoag kung saan niya iniwan ang sasakyan ay eroplano ang sinakyan ng binata. Laoag to Baguio ay joy ride na with his car. "What a long trip at all. Pero okay lang, successful naman ang lahat," wala sa loob na sambit ni Duncan nang nasa garahe na siya. Nang tuluyan na siyang nakalabas mula sa loob ng sasakyan ay sinigurado niyang maayos ang lahat. Buong akala niya ay tulog na ang mga tao. Kaya nga hindi na siya nambubulabog pa. Tuloy ay nagulat siya nang may nagsalita. "Welcome home, Duncan Clyde De Luna." Masayang bati ni Isadora sa taong kumopkop sa kanya mahigit limang taon na ang nakakaraan. Ang kuwartong inuukupa ni I