"Sigurado ka na ba diyan sa desisyon mong iyan anak?" tanong ni Merced sa anak na dalaga.
"Opo, Mommy. Mahal ko po si Albert." Tumango ang dalaga sa ina bilang pagsang-ayon.
"Kung iyan ang gusto mo ay wala na kaming magagawa ng Papa mo. Pero nasabi mo na ba sa Kuya mo ang balak n'yo ni Albert?" muli ay tanong ng Ginang.
Pero bago pa man makasagot ang dalaga ay naunahan na siya ng isa pang anak na babae.
"At bakit kailangan pa niyang magpaalam kay Kuya? Gusto na niyang mag-asawa 'di sumama na lang siya sa lalaking papakasalan niya." Aryana smirked.
"Aryana! Huwag kang ganyan sa kapatid mo! Bakit may narinig ka ba noong nag-asawa ka kahit hindi ka pa tapos sa pag-aaral mo? Wala kaming tutol sa lahat ng ninanais ninyo dahil ayaw namin ng Papa ninyo na magrebelde ang isipan n'yo kaya kahit ayaw namin ay sumasang-ayon kami. Kaya huwag kang bastos at palalo sa kapatid mo, Aryana!" hindi napigilan ng Ginang ang pagtaas ng boses dahil sa inasal ng anak.
Sa pag-aalalang baka mag-away ang kapatid at ina ay agad pumagitna si Isadora.
"Huwag ka na pong magalit, Mommy. Hayaan mo po at kakausapin ko si Kuya. And besides sabi naman ni Albert uuwi daw kami sa kanila pagtapos ng kasal namin. Doon na raw kami maninirahan." Hinawakan niya ang palad ng ina upang kalmahin ito. Ayaw niyang may nag-aaway dahil sa kaniya.
"Okay lang, Ate. Sana kapag nasa lugar na kami ni Albert ay alagaan mo sila Mommy at Papa although hindi naman sila imbalido." Binalingan niya ang kapatid saka ito kinausap ng maayos.
"Tsk! Kahit hindi mo sabihin iyan ay alam ko na iyan." Umirap pa ito sa kaniya.
Alam naman niyang hindi nito matanggap-tanggap na nasermunan dahil sa kaniya. Kahit alam niyang kasalanan nito. Pero hindi na niya ito pinatulan bagkus ay hinarap at hinagkan niya sa noo ang ina bago ito iniwan sa sala. Nang nakalayo na siya sa sala kung saan naroon ang kapatid at ina ay saka pa lamang niya pinakawalan ang malalim na paghinga.
"Diyos, ko sana gabayan at bigyan mo pa ako ng mas mahabang pasensiya at pang-unawa." Taimtim niyang dasal bago pumasok sa sariling kuwarto.
Hindi naman sila mayaman, pero hindi rin mahirap. They belong to the middle class family. May kaunting kabuhayan ang pamilya nila kaya kahit papaano ay nabubuhay sila ng maayos. Ang Papa nila ay isang company manager, samantalang ang Mommy nila ay isang Indiana na nakilala raw ng kanilang ama noong pinadala ito sa India ng kumpanyang pinagtatrabahuan para sa meeting. Isa itong mananahi sa tailoring shop.
Ang kapatid niyang lalaki ay nasa Maynila na kagaya ng Papa nila na nagtratrabaho, ang kapatid niyang si Aryana ay maagang nag-asawa. At siya fresh graduate sa college ng nakilala si Albert, kaibigan ng Kuya Jun-Jun niya.
Samantala sa tahanan ng mga Espina nalaman ng mag-asawang Noy at Adela ang tungkol sa planong pagpapakasal ng anak at ang nobya nito.
"Anong plano mo ngayon, anak?" tanong ng Ginang sa nag-iisang anak.
"What do you mean, Mommy?" balik-tanong ni Albert dahil wala naman siyang kaalam-alam kung ano ang nais tukuyin ng ina.
"Anak, hindi naman kami tututol kung mag-aasawa ka na. Ang sa amin lang ng Mommy mo ay bakit sa iba pa namin ito nalalaman?" sa boses pa lamang ay halatang nagdaramdam na ito.
Dahil dito ay pumasok sa isipan ni Albert ang tungkol sa plano nila ng nobya. Wala naman siyang intensiyong ilihim ito sa mga magulang, ang nais lang naman niya ay ang mapasagot muna si Isadora na magpakasal na sila.
"Sorry naman po, Mommy, Daddy. Hindi ko naman intensiyon na ilihim ito sa inyo. Ang nais ko kasi ay okay na ang lahat bago ko ipagtatapat sa inyo. Totoo po iyan, Mommy, Daddy. Napapayag ko na po ang nobya ko na magpakasal sa akin." Nakangiti niyang inamin sa mga magulang ang tungkol dito.
"Wala namang problema, anak. Nauunawaan ka namin, ang tanging hiling lang namin sa iyo ng Daddy mo ay pakamahalin mo sana ang nobya mo or should I say ang future bride mo. Hopefully and I'm praying na wala sanang maghahabol dito sa bahay and you know what I mean, Iho." aniyang muli ng Ginang.
Napangiti naman si Albert sa narinig. Kahit hindi sabihin ng kaniyang ina ang nasa isipan ay alam na niya ang ibig nitong tukuyin. Hindi lang isa o dalawa ang naghabol sa kaniya kundi lima pero wala siyang pinanindigan sa limang humabol. Dinaan ng mga magulang niya sa pera ang lahat kaya walang lumabas na isyu.
"Yes, Mommy. Don't worry, I love my Isadora kaya huwag po kayong mag-alala ni Daddy. Nakatakda na po ang pamamanhikan natin sa kanila kaya maghanda-handa na po tayo." Pumagitna siya sa mga magulang saka umakbay sa kanila.
Hindi naman niya ipinagkakailang hindi lang si Isadora ang naging partner niya. Pero ang dalaga ang bukod tanging hindi pumayag na magsiping muna sila bago ang kasal, at higit sa lahat ang natatanging hindi nagpakita ng motibo. Sa madaling salita, sa lahat ng nakarelasyon niya ay si Isadora lamang ang hindi niya naikama.
"Umaasa kami, anak, na sa pagkakataong ito ay matutupad mo na iyang salita mo. Hangad namin ng Mommy mo ang iyong kaligayahan. At ang tungkol sa pamamanhikan ay walang problema dahil nakatakda na ito. Kung anong petsa ang itinakda ninyo ni Isadora ay masusunod para mapag-usapan na rin natin ang kasal n'yo." Tinapik naman siya ng ama sa balikat bilang pagsang-ayun.
"Thank you, Daddy," tugon na lamang niya.
Napagkasunduan nila na luluwas silang lahat sa itinakdang araw para sa pamamanhikan at pag-uusapan ang kasal.
Sa kabilang banda, sa Manila kung saan nagtratrabaho si Jun-Jun.
"Mukhang naka-jackpot ka ngayon ah," pamumuna ng isa sa mga kaibigan niya
"Sinuwerte lang, Pare. Heto pang-inom ninyo at mauna na ako sa inyo." Tumigil siya sa harapan nito saka nakangiting bumunot ng pera sa bulsa.
"Aba'y hindi mo ba kami sasamahan, Pare? Salamat pala dito aba'y malaking halaga na rin ito," masayang wika ng lalaking inabutan niya ng pera.
"Inaantok na kasi ako, Pare. Gusto ko munang magpahinga dahil may pasok pa ako sa trabaho mamayang hapon, kaya nais ko ring matulog. Huwag kayong mag-alala dahil sa susunod sasamahan ko na kayo, kilala n'yo naman ako pagdating sa bagay na iyan ay may isa akong salita. Sige na mga Pare, mauna na ako."
Tumalikod na siya. Hindi na niya hinintay na makasagot sila. Malaki-laking halaga din kasi ang napanalunan niya sa sugal kaya malaki rin ang naibigay niya sa mga ito. Alam naman niyang kaya lang nagiging mabait ang mga ito sa kaniya dahil alam nilang may makukuha sila.
"Mga mukhang pera!" Lihim siyang napangitngit dahil na rin sa naisip.
Hindi na rin niya nilingon ang mga ito pagkatalikod niya dahil naiinis lang siya sa kaisipang pera lang niya ang habol nila sa kaniya.
Nang nawala naman ang binata sa paningin nila ay saka pa nagsalita ang ilan sa mga ito.
"Mukhang masuwerte ngayon ang gagong ito ah," wika ng isa.
"Masuwerte nga mayabang naman aba'y nanalo lang hindi na raw mag-iinum? Naku, huwag kayong maniwala riyan dahil siguradong may iinumin siya sa bahay niya at ayaw ipaalam sa atin." Umismid pa ang isa.
"Tsk! Tsk! Huwag nga kayong maingay, aba'y ayaw n'yo ba iyon may tagabigay ng pang-inom natin." Nakangiting pagpapatahimik ng lalaking inabutan ng pera ni Jun-Jun.
Dahil dito ay hindi na nila sinalungat ang tinuran ng isa. Totoo naman kasing hindi madamot sa pera si Jun-Jun lalo kapag may suwerte ito sa sugal.
As the days goes on, dahil sa planong pagpapakasal nina Isadora at Albert, tinupad nga ng huli ang pangakong pamamanhikan at naitakda ang kasal.
"Ang nais sana namin anak dito sa atin ang kasal ninyo. Ikaw ang babae kaya sana naman ah dito naisasagawa ang kasal," wika ni Aling Merced.
"Wala pong problema, Mommy. Kung iyan po ang nais n'yo ay dito po isasagawa ang kasal ganyan ko po kamahal si Isadora." Inakbayan naman ni Albert ang kasintahan.
"Tama naman ang anak namin, balae. Dapat lang na gaganapin ang kasal dito. Kung iniisip ninyong baka walang makakadalo mula sa angkan namin ay walang problema ang mahalaga ay mabigyang basbas ang pagsasama nila," pahayag naman ni Aling Adela na agad sinegundahan ng asawa.
"Totoo iyan mga balae at huwag n'yo silang isipin ang mahalaga ay nabubuhay ang mga bata ng marangal. Kung dito ang kasalan walang problema dahil kami ang bibiyahe para lang masaksihan ang kasal," anito.
"Maraming salamat sa pang-unawa at makakaasa kayo na magiging maayos ang kahihinatnan ng lahat." Nakangiting pasasalamat ni Mang Jun.
Hindi na rin napigilan ni Isadora ang hindi sumabad, hindi lang naman iyon ang o pagkakataong nakaharap niya ang mga magiging biyanan niya. Wala siyang masabi dahil nakikita at nararamdaman naman niyang mababait sila.
"Maraming-maraming salamat po, Mommy, Daddy dahil sa pang-unawa ninyo sa amin. Tatanawin ko po itong utang na loob," masaya niyang sabi. In her mind, sana ay huwag magbago kung ano ang nakikita niya ngayon sa mga ito.
"Alam mo naman, Honey. Wala akong hindi maibibigay sa iyo. Ganyan kita kamahal. At kung sino man ang mahal ko ay mahal na rin ng mga magulang ko and you're not other from them anymore." Inabot naman ni Albert ang palad ng kasintahan saka ito pinisil. Nais lang naman niyang iparamdam dito na senssro siya sa pagmamahal niya rito.
"Totoo iyan Isadora, anak. Kaya wala kang dapat ipagpasalamat dahil ngayon pa lamang ay welcome ka na sa aming pamilya," wika naman ng Ginang.
Dahil sa wala ng masabi ang dalaga ay yumakap na lamang siya sa Ginang bilang tugon.
"At dahil nag-iisa naming anak si Albert, Hija. We want the best wedding for you. Kung gastos ang iniisip ninyo huwag n'yo sanang masamain dahil kami na ang bahala sa lahat lalo at sa amin ang lalaki. Just be ready here and we will do the rest. At kung ano man ang kailangan dito ay huwag sana kayong magdalawang-isip na magsabi sa amin." Tumango-tango rin ang Ginoo.
"Salamat po, Daddy. Okay na po ang may pinaghahawakan akong mag-asawa kami. Hindi naman po kailangan ang bonggang kasalan," muling sinubukan ni Isadora na salungatin ang bonggang kasal.
Pero hindi pumayag ang pamilya ni Albert sa gusto ng niya. They said they want the best wedding for their one and only child. Kaya sa huli wala na ring nagawa ang pamilya ni Isadora kundi ang sumang-ayun.
Pero sa isang sulok ng kanilang bahay, nandoon si Aryana na nakaupo, nakasilip sa kinaroroonan ng dalawang pamilya na nag-uusap para sa kasal nina Albert at Isadora.
"Buwisit ka talagang babae ka! Paepal ka! Mamatay ka na lang sanang hayop ka!" She's cursing. She's praying that her sister will banish. She hate her to the bones.
How she hate her sister at all!
"Sisiguraduhin kong hindi ka magiging masaya, Isadora! Kung hindi magiging akin ang lalaking pinapangarap ko ay mas mabuting magdusa ka rin dahil sa pagsulot mo sa kanya. How I wish that you will gone! Buwesit kang babae ka!" She cursed more.
She is cursing her sister, wishing to be vanished and never be seen after all.
Few months later...
"So paano na iyan, Pare? May tali ka na, ibig sabihin ay hindi ka na puweding gumala-gala kagaya namin." Nakangising panunukso ng isa sa katrabaho ni Albert na dumalo sa kasal.
"Hindi naman mahigpit si Misis, Pare. Kung sa social life natin puwedi pa pero kung ibang usapan na iyan aba'y natural lay low muna tayo, Pare," nakatawa rin siyang sagot.
They are on their wedding reception kaya maraming nakarinig sa biruan ng dalawa.
"Okay lang naman iyon, Honey. Mga katrabaho mo sila at tama ka kailangan mo ring makipag-social life lalo at business ang pinag-uusapan," ani Isadora. Kailangan niyang suportahan ang asawa.
"See? I tell you, Pare. Hindi mahigpit ang Misis ko kaya huwag kayong mag-alala dahil tuloy ang kasiyahan natin. But for now let's enjoy my day, my wedding day." Hinarap namang muli si Albert sa mga kaopisina.
"And besides huwag munang social life ang iniisip ninyo mga Pare, kailangang makabuo muna sila ng replica nila kaya hayaan n'yo muna silang magpulot-gata."
Pangangantiyaw pa ng isa sa mga abay kaya naman nagkatawanan silang magkakaibigan pati na rin ang mga nasa malapit na lamesa.
But again, in the other table out there, may isang nilalang na nagngingitngit habang nakatanaw sa mga bagong kasal.
"Sige magpakasaya kayo ngayon pero sisiguraduhin kong balang-araw ay magiging impeyerno ang buhay ninyong dalawa," the lady silently saying those words as she cursed and praying for the misfortune of the newlyweds.
Then the wedding goes on successfully.