"It's been a while, anak. Ano ba ang plano mo?" tanong ni Clyde sa nag-iisang anak na lalaki. Mahigit isang buwan na ang nakalipas simula naudlot ang church wedding sana ng mga ito. Hindi lamang iyon, nawala rin ang kambal sa sinapupunan ng manugang. Ngunit ang masaklap ay nagbago rin ang anak niya. Ang masaya at sutil na si Duncan ay naging tahimik na. Hindi na ito halos makausap ng maayos. Subalit ang masaklap ay nakalimutan na yata nito ang obligasyon sa asawang under recovery. "Plano? Magpatuloy sa buhay, Daddy. Nawala na ang kambal ngunit buhay na buhay ako, ang taong-bayan. Libo-libong tao ang nakasalalay sa 4C," kibit-balikat nitong tugon. "Alam ko iyan, anak. Ang ibig kong sabihin ay sa buhay ninyong mag-asawa. Halos dalawang buwan na ang nakalipas ngunit hindi mo pa yata dinala