"WELCOME home mga anak. Aba'y mukhang mag-unahan pa kayo ni Isadora na magdagdag sa mga pamangkin ninyo kay bunso ah. Pasok kayong mag-asawa." Masayang salubong ni Clyde sa mga bagong dating. "The more the merrier, Daddy. Kaso sina kambal at hipag ang araw-araw mong nakakasama rito," tugon ng isa pang buntis na si Claudette matapos nakapagbigay-galang. "Tama po ang asawa ko, Daddy. Kung hindi ako nagkakamali ay anim na buwan na rin ang tiyan ni Isadora at tatlo naman sa asawa ko," saad ni Adolfo. Ngunit hindi agad sumagot si Clyde dahil iginaya niya sa loob ng kabahayan ang mga bagong dating. Tama naman ang mag-asawa, tatlong buwan na lamang ay isisilang na ng manugang niya ang kambal. Samantalang ang anak niya ay anim na buwan pa. "Oh, siya nga pala, Daddy. Aba'y mukhang nagsilayas na