"Tama ang desisyon n'yong iyan mga anak. Total kasal na kayo at basbas na lamang ang inyong kailangan," masayang saad ni Clyde nang ipinahayag nina Duncan at Isadora ang planong kasal sa simbahan. Ngunit sila-sila na lamang. Simple at sagrado ang isasagawang kasal. "Opo, Daddy. Dahil ayaw ko nang muling maulit ang nakaraan. Ang mahalaga ay makamit namin ang matagal na naming minimithing church wedding." Nakangiting pagsang-ayon ng una. "At ako na ang nagsasabing lawakan mo ang pang-unawa mo, brother. Aba'y oras na uulitin ang ginawa mo noong isang taon ay ikaw na talaga ang gawin kong aerial bomb ng American Airlines." Nakangisi pang biro ni Crystal Angela habang kalong-kalong ang sanggol. "Tsk! Tsk! Kung hindi ka lang bagong panganak ay iisipin kong buntis ka na naman. Aba'y ako na nam
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books