CHAPTER FIVE - HER HUSBAND'S MISTRESS IS HER SISTER

2551 Words
"Mamamatay tao ka, Albert! Pinatay mo ang magiging anak mo! Kriminal ka! Kriminal!" galit na sigaw ni Mang Noy. Kahit may sakit silang mag-asawa subalit hindi naging sagabal iyon nang narinig nila ang sigaw ng kanilang manugang. Pinilit nilang maka-akyat sa kuwarto ng mag-asawa kahit wala sana silang balak makialam lalo at usapang mag-asawa. Iyon nga lang ay halatang boses nang naghihingalo ang boses nito. Nadatnan nila ang walang-hiya nilang anak na nagbihihis samantalang walang malay si Isadora. Halatang wasak ang kasuutan at naliligo sa sariling dugo o mula sa kaselan dulot ng pagdurugo nito. "Anong malay ko riyan, Daddy. Kinuha ko lang naman ang bahagi ko ah. At saka malay ko ba kung anak ko iyan eh may lalaki naman siya. Nadatnan ko nga silang magka-usap diyan sa bintana. Diyan na kayo late na ako sa lakad ko." Kibit-balikat ni Albert. Without hesitation, pinalagapak ni Aling Adela ang palad sa pisngi ng anak. Sa unang pagkakataon ay nasaktan niya ang anak. Ngunit wala siyang pinagsisisihan dahil talagang naging palalo na ito. Kung tutuusin ay puwedi na itong idemanda ng manugang nila. Raped at murder. Sa hitsura a lamang nito ay halatang wala na ang nasa sinapupunan at siguradong puwersahan lang itong ginalaw ng sira-ulo nilang anak. "Ano ba! Bakit ka nanampal?" galit na sigaw ni Albert sa ina. "Bukod sa bastos kang tao! Pabaya ka pa! Ikaw na nga ang may ginagawang kababalaghan laban sa asawa mo ay ikaw pa ang may ganang mamintang! See what you have done to your wife? She's almost lifeless! You took her against her will. You killed the baby inside her womb!" ganting sigaw ni Aling Adela saka muling pinalagapak ang isa pang palad sa pisngi ng anak. Pero ang demonyo ay walang pinipili. Pagkadapo ng isa pang sampal sa pisngi ay walang babalang sinakal ang ina. Animo'y isa lamang itong babaeng pagala-gala. "Ikaw ang bastos, Mommy! Bakit mas pinaniniwalaan ninyo ang malanding iyan kaysa sa akin na anak ninyo?" Halos lumuwa ang mata sa galit ni Albert. "Bi-ta-bitawan mo ako. N-nasasaktan ako," pautal-utal na sambit ng Ginang. "Talagang masasaktan ka, Mommy, kapag hindi ka pa umayos!" Pabagsak na binitawan ni Albert ang ina bago binalingan ang amang halatang nahintatakutan sa ginawa. "At ikaw naman, Daddy, naglalandi na nga ang manugang ninyo pero hinahayaan n'yo pa rin. Ayan eh 'di nawala na rin ang bunga nang pakikipaglandi niya! Diyan na nga kayong lahat! Buwesit!" Lumabas si Albert sa silid nilang mag-asawa. Wala siyang pakialam kung mamatay ang malandi at makati niyang asawa. Kaya nga niya napagbalingan ang kapatid nito dahil mas malayong maalaga sa sarili samantalang losyang na ito. Wala pang kabuhay-buhay pagdating sa s*x. Maniac na kung maniac pero iyon ang gusto niya sa kabit niya. Hot and wild. At dahil sa pinaghalong emosyon ay basta na lamang siyang umalis. Hindi na niya naisip na nasa bingit mg kamatayan ang asawa. Mabait ang langit para sa mga naiwan. Dahil nakatawag pa si Mang Noy at humingi ng tulong bago siya mapagbalingan ng anak. Iyon nga lang ay naka-alis na ang salarin nang dumating ang mga kapitbahay upang sumaklolo. "Diyos ko! Mang Noy, duguan po ang manugang ninyo," wika ng isang kapitbahay. "Parang awa n'yo na pakibuhat si Isadora para madala sa pagamutan. Kung maari pakitakpan ang katawan niya." Nahihirapan man si Aling Adela dulot ng pananakal ng anak ay nagawa pa rin niyang nakiusap sa mga kapitbahay nilang sumaklolo. "Opo, Nana. Kami na po ang bahala. Kawawa naman siya napakabait na tao," tugon ng isa. Sa tulong ng ilang sumaklulong kapitbahay ay nadala sa pinakamalapit na pagamutan ang halos wala ng buhay na si Isadora. Dahil kilala rin naman sa bayan ng Bicol ang pamilya nila Mang Noy ay agad nabigyang pansin ang pasyente. Abot-abot hanggang langit ang panalangin nila para sa kaligtasan nito. Dahil sa ikli ng panahon na nasa piling nila ito ay masasabi nilang mabait na tao. Walang nakaaway o knakasagutan. Palangiti rin ito na animo'y hindi marunong magalit. After sometimes, the female doctor who's in complete uniform came out from the emergency room. "Who's the family of the patient? We need an emergency blood transfusion before she will totally loss her life," anito. "Doc, kami ang pamilya niya. Anong type ba ang kailangan niyang dugo?" sagot at balik-tanong ni Aling Adela. Nahihiwagaan man ang doktora kung bakit tinatanong pa ng Ginang ang dugong kailangan ng anak ay hindi na rin niya ito binigyang halaga. "We are in need of blood type AB but the blood bank is out of stock. May kadugo po ba siya sa inyo?" Sagot ng manggagamot. Nagkatinginan ang mag-asawa dahil kahit isa man lang sana sa kanila ang katugma ng dugo mi Isadora pero wala. "Please be quickly, Sir, Madam. We are running of time." Pinaglipat-lipat ng doktora ang paningin sa mag-asawang parang pinagsukluban ng langit at lupa. Out of nowhere, a stranger showed up! "Doc, I don't know who are they but I'll present myself to donate what you want. Don't worry I'm so much sure that I'm very healthy person. Now let's do the blood transfusion without any p*****t. If my blood will be the saviour of your patient, it's my pleasure to donate," walang pag-aalinlangang wika ng stranger. Aangal pa sana ang mag-asawang Noy at Adela pero wala na silang nagawa dahil nasa bingit na rin ng kamatayan ang kanilang manugang. Inside the operating room, they've prepared everything. "Sir, are you ready?" tanong ng doctor na para bang sinasaulo ang bawat anggulo ng stranger. In her mind, hindi pa rin siya makapaniwala na may isang tao na tulad nito na isasapalaran ang sariling dugo para sa hindi kakilala. Ayaw lang niyang pangunahan ito pero pamilyar sa kanya ang nasa badge nito. Isa itong opisyal sa military department. "Yes, Doc. Just do it or else she will die and your conscience will chase you." Pangungunsensiya ng stranghero. Kaya naman ay hindi na nagdalawang-isip ang manggagamot. Kasama ang dalawang nurse ay isinagawa na nila ang blood transfusion. Tama naman ito, siya ang hahabulin ng konsensiya niya kapag mamatay ang pasyente samantalang may paraan naman upang maisalba ito. Sa labas ng emergency room, pinauna na ng mag-asawang Noy at Adela ang mga tumulong sa kanila matapos pasalamatan. "Ipapatawag ko kayo ulit kapag makauwi na kami para makapag-usap-usap tayong lahat. Sa ngayon wala pa akong maibigay kahit pang meryenda n'yo. Napakabilis ng pangyayari kaya pasensiya na muna kayo mga kaibigan. Babawi na lang kami ng asawa ko pag-uwi namin. Please help us to pray for our daughter in-law," pahayag ni Mang Noy. "Wala naman pong problema roon, Mang Noy. Napakabait n'yong mag-asawa sa amin at saka tumulong po kami ng walang hinihintay na kapalit. Ang maging ligtas ang manugang ninyo ay okay na iyon sa aming lahat. Sige po mauna na kami at huwag na po kayo masyado mag-alala dahil may awa ang Diyos." Tumango-tango ang isa sa tumulong bilang pagsang-ayon sa pahayag ng Ginoo. Nang nakaalis na ang mga ito ay labis-labis ang pananalangin ng mag-asawa. "Kapag okay na ang lahat asawa ko kakausapin ko si Isadora. Kailangan natin siya dahil siya na ang tumayong anak natin, siya ang gumanap sa dapat ay tungkulin ng demonyo nating anak pero ayaw ko ang ganito. She deserves to be happy, asawa ko. Subalit puro kalungkutan ang dinaranas sa piling ni Albert and this is the worst part. Oo, mag-asawa sila pero dahil sa kababuyan ng hayop na iyon ay nawala ang buhay sa sinapupunan niya. Hindi lamang iyon, kulang na lamang ay mamatay siya. Ipinapangako ko Adela asawa ko masakit mawalan ng isang tulad niya dahil maalalahanin at mapagmahal pero ayaw kong lagi siyang ganyan. Ako na mismo ang magtutulak sa kaniya upang hiwalayan ang anak natin." Kuyom ang kamaong ni Mang Noy sa pagkakaalala sa mga pasakit ng manugang nila dulot ng walang-hiya nilang anak. "Tama ka asawa ko at kung ano man ang desisyon ni Isadora ay igagalang na lang natin. Siya nga pala sana malaman din natin ang pangalan ng lalaking nagbigay ng dugo para mapasalamatan natin," malungkot na saad ni Aling Adela. "May awa ang Diyos, Adela. Lahat ay may hangganan kaya alam kong magwawakas din ang paghihirap ng manugang natin. At ang may magandang puso na lalaki ay mukhang alagad siya ng batas. Subalit hindi ko napansin ang nasa name plate niya sa kaniyang badge," sagot ng Ginoo. Ang hindi alam ng mag-asawa, kung sila ay nalulungkot at nahahabag sa kinahinatnan ng manugang nila ay may isang tao sa hindi kalayuan sa kanila na natutuwa at lihim na nagbubunyi sa nangyari. "Sana nga matuluyan ka ng babae ka! Kami ni Albert at ang mga anak namin ang dapat magsama hindi kayong dalawa. Mas marunong akong magpaligaya sa kaniya kaya kami ang mas nanabagay. Sana mamatay ka na ng tuluyan. Sana ay kunin ka na ni Satanas hayop ka!" pipi nitong sambit habang nakatingin sa emergency room that adjoined to the operating room. Ang hindi alam ni Albert ay sumunod din sa kaniya ang hipag at kalaguyo kaya nalaman nito ang nangyari sa kapatid. Pero kung isip ng demonyo ay wala sa huwisyo ay hahamakin ang lahat para mapasakamay ang minimithi. Few days later.... "Lola Merced! Lola Merced!" malakas at hingal na tawag ng isang binatilyo kay Aling Merced. "Anong nangyayari sa iyo, Alan? Bakit ka sumisigaw? May problema ba?" agad ding tanong ng Ginang lalo at kitang-kita ang hitsura ng binatilyo na para bang may kinatatakutan. "Si Lolo... si Lolo..." hindi pa rin masabi-sabi ng binatilyo ang nais sabihin pero dahil sa binanggit na lolo ay nagkaroon ng idea ang Ginang. "Ang Lolo Jun mo ba, Alan? Anong nangyari sa Lolo mo?" kabadong tanong ni Aling Merced. Dahil dito ay napahinga ng malalim si Alan. Animo'y doon kumuha ng lakas upang sabihin ang nais iparating. "Opo, Lola. Si Lolo Jun po. Naaksidente po siya, Lola. Nandoon pa nga po sa pinangyarihan ng krimen. Nasa kabilang kalsada po." Sa wakas ay nasabi nito ang ipinaparating nang nag-utos. "Ano?! Hintayin mo ako, apo. Dalhin mo ako roon sa kinaroroonan ng Lolo Jun mo." Dali-daling isinara ng Ginang ang pintuan pero ng naalala ang mga apo ay agad siyang bumalik. "Huwag kayong aalis dito mga apo. Hintayin n'yo ang Lola rito ha." Bilin niya sa magkapatid na basta na kanang iniwan ng walang kuwenta nilang ina. "Opo, Lola. Saan po ikaw pupunta?" balik-tanong ng maliit. "May pupuntahan lang ako apo ko. Basta huwag kayong lalabas hanggat hindi ako dumarating," muli ay sabi ng Ginang saka hinarap ang binatilyo. "Tara na, Alan. Bilisan mo, kailangan nating makarating agad doon," aniya rito. Hindi na sumagot ang binatilyo bagkus ay nauna na itong lumakad pabalik sa pinangyarihan ng krimen. But.... "Asawa ko!" sigaw ni Aling Merced nang nakita ang asawa na halatang wala ng buhay. Maraming bubog ng salamin ang kumitil sa buhay ni Mang Jun. May nakabaon pa sa leeg nito na salamin, ang masakit ay mayroon ding sugat sa mismong ulo nito. "Gumising ka riyan asawa ko! Parang awa mo na, Jun gising! Huwag mo akong iwan!" parang baliw na sigaw at pagwawala ni Aling Merced. Pero kahit ano pa ang pagwawala niya ay wala ng saysay. Dahil patay na ang asawa niya at hindi na ito babalik pang muli. Dalawang sasakyang nagbanggaan sa crossing. Subalit ayon sa mga nakakita, ang minamanehong sasakyan ni Mang Jun ay binagga ng isang nagmamadaling driver na halatang may tama. Ngunit dahil hindi nito napaghandaan ang lahat, parang bato na nagpagulong-gulong ang sasakyan minamaneho nito dulot ng malakas na impact. Dead on the crime scene ang biktima at agaw-buhay ang suspect. "Misis, kung maari po ay dalhin na natin sa punerarya ang asawa mo para mabigyan ng maayos na kasuutan bago natin maibalik sa bahay ninyo," wika ng isang umipormadong rescuers. Pero hindi agad sumagot si Aling Merced. Blangko ang isipan niya. Bigla siyang nawala sa tamang huwesyo. Sino ba ang mag-akalang ang masaya nilang pagsasama ng mahal niyang asawa ay pinutol ng isang malagim na aksidente? Ang napakabait na tao ay ito pang dinali ng trahedya. "Paano na ako ngayon asawa ko? Kami ng mga apo natin, ano na ang mangyayari sa amin ngayong wala ka na?" Iyak ni Aling Merced habang yakap-yakap ang asawa na naliligo sa sariling dugo. Sino na ngayon ang kasama niyang magpapalaki sa dalawang apo niya? May Nanay naman sila subalit tuluyan na itong umalis kasama ang isang anak at ang pinagbubuntis nito sa kasalukuyan. Ang panganay nilang anak na nasa Maynila nga pero nagumon sa sugal kaya't wala na rin silang maasahan dito. Ang bunso naman nilang anak na si Isadora ay hindi nila maaring asahan dahil may sariling pamilya pero wala ding trabaho. "Hmm, Misis, pasensiya na po kung pansamantalang ihihiwalay namin sa iyo ang asawa mo. Subalit kailangan na po nating dalhin sa punerarya ang bangkay. Maari naman po kayong sumama Misis kung gusto mo." Tinig na nagpalingon sa Ginang. Labag man sa kalooban niya ang sundin ito ay wala na rin siyang nagawa kundi ang pansamantalang lumayo para mabigyan na ng maayos na burol ang asawa. Sa kabilang banda, mula ng ginahasa siya ng sariling asawa na dahilan nang pagkawala nang dinadala niya ay naging tahimik na siya. Hindi na kagaya ng dati na kahit wala sa bahay ang asawa ay nakikihalubilo pa rin siya sa mga biyanan. Kinakausap niya ang mga ito kung may tinatanong pero kung hindi ay tahimik na rin siya. Hindi na nga niya nalaman ang tungkol sa nag-donate ng libreng dugo. Isang araw, mula sa kanyang pananahimik tumunog ang kaniyang cellphone at nang nakitang ang kanyang ina ang caller ay agad niya itong sinagot pero bago noon ay pinasigla muna niya ang boses. "Hello, Mama, kumusta po?" masigla niyang pangungumusta. "Wala na ang Papa ninyo." Halatang galing sa pag-iiyak ang nasa kabilang linya. "Po? Hindi po totoo iyan, Mama. Sabihin mong nagbibiro ka lang parang-awa mo na Mama," aniya saka pinipilit maging masaya sa tuwing kausap ang ina. Ngunit bakit ganoon? Una ang anak niya, ngayon naman ang butihin nilang ama. "Hindi, anak. Hindi nagbibiro si Mama. Nandito na sa bahay ang bangkay niya. Ikaw anak makakauwi ka ba?" patanong at sisinok-sinok na sagot ng kaniyang ina sa kabilang linya. "Sige po, Mama. Uuwi po ako." Mabilis niyang pinatay ang linya upang makapaghanda. Sa isipan niya ay iyon na ang pagkakataon niya upang maka-alis sa piling ng demonyo niyang asawa. Alam niyang ang pinagbuklod ng simbahan ay hindi maaring paghiwalayin ng mga tao. Subalit sa mahigit isang taon nilang pagsasama ni Albert at puro pasakit ang naranasan niya ay ipagkumpisal na lamang niyang patawarin siya ng Diyos. Tao lamang siya at may pusong maaring masaktan. "Siguro nga ay daan na ito ng Diyos upang matauhan ako sa pinaggagawa ni Albert sa akin. Kailangan ko na ring magising sa katangahan ko sa kaniya. Okay lang sanang gamitin niya ako hanggat gusto niya subalit ang gahasain at babuyin ng paulit-ulit, pinatay niya ang anak ko, pagbintangan ng hindi ko gawain ay hindi ko na kaya pa," bulong niya habang pabalik sa silid nilang mag-asawa. Pero... Pagbalik niya sa kuwarto nilang mag-asawa upang kunin sana ang mga mahahalaga niyang gamit. Subalit napatda siya sa kaniyang nadatnan. Ang kanyang asawa ay may ibang kaulayaw sa mismong higaan nilang mag-asawa! Pero hindi lang iyon! Dahil ang kaulayaw ng asawa niyang demonyo ay walang iba kundi ang kapatid niyang si Aryana!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD