"Share your blessing naman diyan, parekoy." "Hi, Miss beautiful. Baka naman maaring makipagkilala sa iyo?" "Oh, napipi na ba ang dakilang sugarol at lasenggo? Tsk! Tsk! Maghihirap ka lang, Miss beautiful, kung ang sugarol na iyan ang pipiliin mo. Pero kung si Bossing ang paniwalaan mo ay magbuhay prinsesa ka pa." Mga ilan lamang sa pahayag ng mga manyakis at humarang kina Glaiza at Jun-jun. Masaya pa naman silang namamasyal. Mabisyo na kung mabisyo! Tama naman sila, walang patutunguhan ang buhay ng taong magmamahal sa kaniya pero that was before! Noong nasa sistema pa niya ang alak at sugal. Maari nilang bastusin ang katauhan niya pero ang idamay ang babaeng nagpabago sa katauhan niya ay hindi na siya makakapayag na mangyari iyon. "Dito ka lang, Glai," pabulong niyang sabi sa dalaga