"Ano ka ba naman, Aryana! Hindi ka na ba titigil sa pagbubunganga mo? Nakakairita ka na ah!" inis na sabi ni Albert sa asawa este sa kinakasama. Ang kapatid ng asawa niyang biglang naglaho ilang taon na ang nakalipas. Walang nakakaalam kung buhay pa ba ito o patay na. Ngunit wala naman sanang kaso iyon sa kaniya dahil ginusto rin naman niya. Kaso ang kasama niya sa kasalukuyan ay masyadong demanding at selosa. Masyado pa itong mapanghinala bagay na kinaiinisan niya. "Hanggat hindi ka magtitino, Albert! Hinding-hindi ako titigil! Mukhang nakalimutan mo na yatang may pamilya kang tao? Oh, baka naman talagang gusto mong magpakabinata?" Aryana said in very suspicious way of talking. "Ikaw kaya ang tumigil diyan, Aryana! Nakakasawa na ang bunganga mo ah! Imbes na makapahinga ang tao ay hindi