PART 1:: THE MATRIX DANCERS
Nagha-hum si Hazen Mellet D. Nipay habang abala siya sa pag-aayos sa sarili sa may harapan ng salamin ng banyong kinaroroonan. Sinasabayan niya ang paborito niyang kanta na naririnig niya mula sa earphone niya. Nag-he-headbang pa siya paminsan-minsan dahil ang kanta ng paborito niyang K-pop ang pinaparinggan. Muntik-muntikan din siyang napapasayaw.
"Tapos na ako. Let's go." At kung hindi pa siya kinalabit ni Mieko ay hindi niya namamalayang tapos na sa pag-ihi ang sinamahan niyang kaibigan. Tinanggal niya ang isang earphone sa tainga niya. Dire-diretso dapat ng layas sa banyong iyon si Meiko kung hindi niya nahila ito sa kamay.
Nag-'what-look' sa kanya ang kaibigan. She pursed her lips, expressing her skepticism about what she was about to request as a favor.
"Huwag na natin palitan si Jane. Magaling naman siya, eh," gayunman ay naglakas-loob siya. Kailangan masabi na niya ang kanyang nais hililingin na pabor dahil huling chance na niya ito.
"Duh!" Subalit maarte na reaksyon ni Mieko sabay tingin nang masama sa kanya. Inis na binawi nito ang kamay sa kanya.
Hazen bowed her head. She felt a bit shy. Alam naman niya kasing napag-usapan na nila ito na magbabarkada.
Si Jane Ablay na tinutukoy niya ay kaibigan din nila. Not actually a close friend or tropa dahil napilitan lang silang kaibiganin si Jane noon dahil sa ayaw at sa gusto nila ay kasama na ito sa dance troupe nila.
Yes, they are a group of dancers with six members. Siya, si Meiko Kirishima, saka sina Harvey Gonzaga, Je Em Borlador, Prince Sayson at si Rosemarie Planta. They are known as the MATRIX DANCERS, the most famous hip-hop dancers at Sanchi Senior High.
But because Rosemarie chose to pursue her studies at the State, nakulangan sila ng isang myembro. Kaya naman napilitan silang maghanap ng kapalit niya. Mas sanay kasi silang sumayaw kapag anim sila. Feeling nila ay mas maganda sa paningin 'pag anim sila. Mas naiisipan nila ng mga kakaibang choreography kapag anim sila. Kung kaya'y nagpa-contest sila noon at ang mananalo ang siyang magiging kasama nilang bagong miyembro.
What they didn't expect was that Jane Ablay would be the one to win. Si Jane na loner, may madaming pimples sa mukha at baduy pumorma. In short panget!
Walang nag-akala talaga na ang panget na dalaga raw ay may talent din pala sa pagsasayaw. May kaastigan din pala siyang tinatago. At wala na silang nagawa noon kundi ang tanggapin na nga lang ang dalaga sa grupo nila. Wala naman kasi sa criteria na ginawa nila noon ang bawal ang panget kaya wala na silang pagpipilian.
"Kasi ayos naman siya makisama, 'di ba? She's kind and exceptionally skilled at dancing." Sinubukan pa rin ni Hazen na ipagtanggol si Jane. Noong nakaraan kasi ay napag-meeting-an nila na palitan ulit si Jane. Kasi raw panira raw sa porma nila ang kapangitan ng dalaga. Palalabasin daw nila na magbabalik si Rosemarie kahit hindi naman. At siya lang ang hindi nag-agree. Gayunman wala siyang ginawa at hahayaan na lang niya sana. Pero kasi ay nakokonsensya na siya ngayon kung kaya't lakas-loob pa rin niyang sinusubukang kausapin ang mga kasama na huwag nang ituloy ang plano nila.
"Hazen, pwede ba tantanan mo na ako sa mga ganyan mo. Final na 'yung decision na 'yon, okay? And mamaya na ang right time para sabihin sa kanya na tsupi na siya sa grupo. Si Je Em daw ang magsasabi sa kanya."
Napakagat-labi na lamang siya sa tinuran na iyon ni Mieko. Mukhang wala na nga siyang magagawa pa para kay Jane.
"C'mon hinihintay na tayo ro'n. Baka nagsimula na tayong mag-practice,” anyaya na sa kanya ni Meiko.
Tahimik na sumunod na lang siya sa kaibigan. Ngayon pa lang ay naaawa na siya sa kapwa dalaga. For sure masasaktan nang sobra si Jane dahil sabi noon sa kanya ni Jane ay pangarap nito talagang mapasama sa kahit na anong dance troupe. Lihim na pangarap na noon pa man ay inaasam na raw ni Jane. At hindi nga raw din inakala ni Jane na sa Matrix Dancer pa ito mapapasama.
Malungkot na napatingin si Hazen sa langit nang dumadaan sila sa veranda ng kanilang school papunta sa classroom kung saan sila mag-pra-practice.
Gabi na. Dumilim na ang langit. Bukas na kasi ang event ng school kung saan isa sila na magsasayaw kung kaya't last na practice na nila ito ngayon. Kubaga’y pus-pusan na nilang practice ang gabing ito. At kung mayroon mang excited, iyon ay si Jane sana. Kasi raw manonood daw ang mga Kuya at Nanay niya.
Hazen let a defeated sigh. Sorry na lang kay Jane. Sinubukan naman niya ang best niya para baguhin ang isip ng mga kasama pero wala talaga, eh. Buo na ang desisyon nila.
"Guys, tara! Let's start!" sigaw sa kanila ng pinaka-leader nilang si Harvey Gonzaga. Nakasilip ito sa pinto at kinawayan sila.
Tumakbo na sila ni Mieko. Naratnan nilang nagsasayaw na sina Harvey at Prince kahit na walang tugtog. At si Je Em inaayos ang maliit na radyong ginagamit nila sa pagpa-practice. Nilalagay nito ang flash drive.
"Wala pa si Jane?" at pansin ni Hazen nang hindi niya makita ang isa nilang kasama.
"No need to wait for her. Hindi naman na siya kasali sa group,” sagot ni Je Em sa kanya.
Magsasalita pa sana siya. Susubukan ulit niya sanang pakiusapan ang mga kagrupo regarding doon, pero biglang bumungad na si Jane.
"Sorry po, late ako. Hindi na mauulit," hingi agad ng pasensya ng dalagang nahihiya sa kanila.
Habang inilalagay ni Jane ang backpack nito sa gilid ay lihim na nagkakatingin silang magkakagrupo. Si Je Em ay tatawa-tawa pa.
"Start na po tayo?" Magiliw na lapit ni Jane sa kanila. Ang ngiti nito'y abo't hanggang tainga.
"Yeah, but Jane, doon ka muna sa tabi at manood na lang muna." Umpisa na ni Je Em sa pagpapahiwatig sa plano.
Napahimas na lang si Hazen sa batok niya at napatungo. Iniwasan niya ang tingin sa kanya ni Jane. Nadudurog talaga ang puso niya. At kahit hindi niya nakita, alam niya na bumukas sa mukha ni Jane ang pagtataka.
Siniko siya bahagya ni Prince. Tumingin siya sa kaibigang binata. Kinunutan siya nito ng noo. Kahit hindi nagsalita si Prince ay alam niya na sinasabi ng kaibigan na makisama na lang sila sa napagdesisyunan.
"Okay, start na tayo!" Palakpak ni Harvey.
Ang takang-taka na si Jane ay napaurong na lang sa isang tabi. Nakakaawa ang hitsura nito.
Nag-umpisa na ang tugtog na sasayawin nila pagka-play n'on ni Je Em. Saka tumakbo sa posisyon nito.
Si Hazen at Mieko sa harap. Ang tatlong boys sa likod. Nagsimula na sila sa maangas nilang sayaw.
Sa kasamaang palad ay bigla namang nagdilim ang paligid.
Brown out.
"What happened?" Harvey asked in an annoyed tone.
"Walang kuryente," Mieko said.
"Ang malas naman!" inis na turan din ni Je Em. Nagliwanag sa banda nito dahil binuksan nito ang cell phone.
Gumaya silang lahat. Gamit ang mga cell phone nila ay iyon muna ang naging ilaw nila sa madilim na napaligid.
Wala silang nagawa kundi ang maghintay na muling magkailaw.
"Okay lang kayo? Hindi pa kayo uuwi?" Silip sa kanila ng guard na nagro-roving. Pinuntahan agad sila para i-check.
"Kuya, we're okay. Hihintayin na lang po namin na umilaw," sagot ni Harvey.
"Sige pero kapag magtagal ay umuwi na kayo, hah?”
"Sige po, kuya. Thanks," tugon ulit ni Harvey sa mabait na security guard ng kanilang school.
"Paano 'yan mukhang magtatagal ang brown out?" Meiko asked with a pout.
"Hindi 'yan," kontra agad ni Je Em. "Mga thirty minutes lang siguro 'to."
"Jane, are you okay?" Si Hazen ang lumapit sa nakaupo sa sulok na dalaga. Tumabi siya kay Jane ng upo.
"Oo, Hazen," magiliw naman na sagot sa kanya ni Jane na naiilang pa rin.
"Uhm... Jane, may sasabihin pala kami sa 'yo," sabi na ni Je Em when he remembered their plan.
"Je Em, puwede mamaya na lang 'yan?" pakiusap agad ni Hazen sa binata.
"Okay!" may konsiderasyong naman kahit paano na pagpayag ni Je Em.
"Ano ba 'yon?" nakaramdam yatang tanong ni Jane.
"Wala 'yon, Jane. Mamaya na lang," kinakabahang sagot ni Hazen. "Guys, what if maglaro muna tayo habang nag-aantay ng ilaw?" at suhestyon niya para maiwala lang niya muna ang bagay na iyon kahit sa maikling oras pa.
"What game?" napangiwing tanong ni Harvey.
"Ghost hunting?" pananakot ni Je Em.
"Ayoko nga!" patiling hindi pagsang-ayon agad ni Mieko.
Si Prince ay ngingiti-ngiti lang.
"Spirit of the glass?" nakatawang suhestyon naman ni Harvey.
"May gamit ka?" Irap ni Mieko sa binata.
Lumiwanag ang mukha ni Hazen. May naisip na siya. "Alam ko na. Laruin na lang natin 'yong Kiss, Marry and Kill.”
"Anong laro 'yon?" / "Ano 'yon, Hazen?" chorus na tanong nina Je Em at Harvey.
May kinuha muna si Hazen sa bag niya. At isang mineral bottle iyon na kalahati na lamang ang laman saka siya humarap sa mga kaibigan. "Ganito 'yon, guys, kapag pinaikot ko ang bote na 'to at kung kanino tumapat ay siyang magsasabi kung sino ang i-kiss niya sa grupo, kung sino ang pakakasalan niya, tapos ay kung sino ang gusto niyang patayin. Kaya tinawag ang game na ito ng KISS, MARRY AND KILL. Pero syempre katuwaan lang.”
Na-amazed ang lahat sa paliwanag niyang iyon. Their face lightened up.
"Game?" kaya na-excite na hamon niya sa mga ito.
"Game!" Hindi kill joy na chorus na tugon nina Mieko, Harvey at Je Em sa kanya. Maliban kay Prince. Napailing lang ang binata. Saka si Jane na parang nabahala naman ang mukha.
Napatingin si Hazen sa katabing dalaga. "Jane, sali ka, okay?" ta's pag-anyaya niya.
"Huh?!"
Nagtawanan ang lahat. Lahat, kasi kahit ang tahimik na si Prince ay nakisama na rin sa tawa.
Inirapan ni Hazen ang mga ito. Naunawaan niya ang tinatakbo ng isip nila. Na syempre KILL ang lahat ng gusto nilang gawin kay Jane. Ang ba-bad!
Muli ay nahihiyang nagyuko naman ng ulo si Jane.