Chapter 7

1060 Words
Sakura Yuki POV... hahalikan sana niya sa labi ng napaiwas si Shunrei. "Anong ginagawa mo dito." Sabi ni Shunrei. "Bibisitahin ko lang ang Fiancé ko. Bawal na ba?" Sabi niya. "Bawal." Shunrei. "Son." Sabi ng Hari. "Tsk... nawalan nako ng gana." Tumayo siya at kinuha ang bag at lumabas na ng pintuan. Iniwan nanaman ako? Napabow ako sa Hari at Reyna at sinundan ko siya. Nasa sasakyan na kami ang tahimik naman niya. "May fiancé na pala ang Makulit na Prinsipe." Sabi ko. Napatingin siya saakin. "Ayoko sa kanya." Sabi niya at parang batang sumandal sa upuan. "Bakit naman nasa kanya na ang lahat. Maganda, matalino, every mens dream." Sabi ko. "Pero di ko siya type noh. I don't like her. Because I'm waiting someone to remember me." Sabi niya. Napatingin ako sa kanya. Wow sino naman kaya yun? Bigla nalang siyang sumandal sa balikat ko. Hay nako parate nalang niyang sinasandal ang balikat ko. Pero ang gaan ng pakiramdam ko. Nakarating kami sa school at lumabas na kami ng Kotse. As usual nagsisigawan pa din ang mga babae. "Good morning Prince Shunrei!" Malanding sabi nila. Napabuntong hininga nalang ako at naglakad na kami papuntang room. Ang tahimik niya... matahimik naman siya dati pero ngayon di na masyado siyang nag iingay pag kasama ako. Baka pinoproblema na naman niya ang fiancé niya. ***** Lumabas na kami ng may naisip ako. "Prince Shunrei, gusto mo bang sumama saakin?" Sabi ko. Mukhang nagtataka naman siya. "Mall?" Ako. "Ano naman ang gagawin mo sa mall? Magsho shopping? " sabi niya. "Basta." Sabi ko at hinawakan ang kamay niya at pumunta muna kami sa likod ng building ng school. "Here, soutin mo ito." Sabi ko sabay bigay ng Sunglasses at Cap. "Aanhin ko toh?" Siya. "Wear it." Sabi ko at sinout naman niya. "So.... lets go." Nakangiti kong sabi at hinawakan ulit ang kamay niya. Lumabas kami ng gate at nagtatakbo. Nakarating kami sa Mall. "Phew! Mabuti walang nakakita saatin." Sabi ko. "Ano naman ang gagawin natin dito" sabi niya. "Malalaman mo mamaya kung bakit kita dinala dito." Sabi ko at pumasok na kami sa mall. Kumain muna kami sa fast food. "Bakit sa Fast Food?" Sabi niya. "Ah eh... eto lang muna, mahal sa Restaurant eh. Sayang pera." Sabi ko at kumain na kami. "Ako na lang ang gagas..." di ko na siya pinatapos. Kahit marami akong magastong pera dito okey lang basta sa kasayahan niya..... wag kayong wrong ha. Bilang amo ko dapat papasayahin ko siya pag may problema siya. "No need. This day ay gasto ko lahat. Sayang pagkain kung iiwan labg natin." Sabi ko. Tumango nalang siya at kumain na kami. Napatingin ako sa kanya kasi nakatingin siya saakin. "B-bakit? May dumi ba ako sa mukha?" Sabi ko. Bigla niyang nilapit ang kamay niya sa mukha ko at pinunsan gamit ang thumb niya malapit sa baba ko. "May kanin kaya kinuha ko." Sabi niya. Namula naman ako at nagpasalamat. Tapos na kaming kumain at ang susunod na pupuntahan namin ay... Game Zone! "Papasok tayo jan?" Sabi niya. Tumango ako. "Pambata jan eh." Sabi niya. "Di naman! Tingnan mo oh! May mga matatanda na nga jan oh." Sabi ko. At hinigit ko na ang kamay niya papasok sa loob. Bumili ako ng card at naglaro na kami. Sa simula bored siya pero katagalan ayun anh saya niya. See ang saya na ng amo ko. Nakatingin ako sa kanya na naglalaro ng basketball parang nagslow mo ang lahat ng nasa paligid ko... Lublublub Di kaya na fafall na ako sa kanya? Di ako pwedeng ma fall alam ko naman na di niya ako masasalo masakit yun. Matapos ang laro namin marami kaming nakuhang ticket at pinachange namin yung ng dalawang teddy bear ang kulay ay Yellow and Yellow may ribbon sa leeg nila na ang kulay ay Blue at Pula. Ang cute! Nakaupo kami sa Bench. Hay nakakapagod. Nakita ko siya ang saya niya at nakatingin siya saakin. "You know this day is the best." Sabi niya. Napangiti ako dun mabuti at napasaya ko siya. "Ah! Anong ipapangalan mo sa teddy bear mo?" Tanong ko. Napatingin naman siya sa teddy bear niya na may kulay Red na ribbon. "I call her Yuki." Sabi niya. Napatingin ako sa kanya. "Babae siya? At bakit yuki?" Sabi ko. "Because, ikaw toh. Sayo anong name ng sayo?" Sabi ni Shunrei. Tulala pa din ako biglang may pumasok sa isipan ko na.... REI.. "Rei." Sabi ko. Napatingin siya saakin. "Rei? Bakit naman Rei?" Sabi niya at nakatingin pa din siya saakin. "Dahil, Shunrei kaya Rei." Sabi ko napatango nalang siya. Niyakap ko si Rei na Teddy Bear. "Mabuti pa ang teddy bear niyakap mo ng ganyan. Ang nagmamay ari ng pangalan di mo man niyakap." Mahinang sabi niya pero rinig ko ha. Nako po ang bilis ng t***k ng puso ko. Okey.... Niyakap ko siya sa bewang niya na kinabigla niya. "Okey na. Nayakap na kita." Sabi ko. Bibitaw sana ako ng niyakap niya ako ng mahigpit. Ang mukha ko nasa leeg na niya. Ang bango niya grabe nakaka addict. Ilang segundo kaming nagyakapan hanggang sa binitawan niya ako. "Thank you." Sabi niya. Napangiti nalang ako at tumingin ako sa Relo ko. 7:43 pm. Gabi na kailangan na naming umuwi. "Uwi na tayo." Sabi ko. "Ayoko." Sabi niya. "Eh? Bakit naman?" Sabi ko sa kanya. "Nandoon ang babaeng yun." Sabi niya. "Prince Shunrei, sige na uwi na tayo. Malalagot ako sa Mahal na Hari kung di pa tayo uuwi." Sabi ko. "Hay, okey." Sab niya at sumakay na kami ng Taxi. Pauwi sa Palasyo pagbukas ng pinto nakita namin sa may pinto ang Fiancé niya na si Princess Cassandra. "Bakit ngayon lang kayo?" Sabi niya ng nakapamewang pa. Nakatingin pa siya sa teddy bear namin. "Oh, nagdedate kayo.... at ikaw babae ka! He's mine." Sigaw niya at lalapitan sana niya ako nang humarang si Shunrei. "Don't you dare to touch her." Banta ni Shunrei. "Why, gusto mo siya! Huli na ang lahat ang Fiancé na kita kaya akin ka lang." Sabi niya. At tinuro niya ako. "At ikaw babae ka. Bukas na bukas sasabihin ko sa mahal na hari ito at ipasesante kita!" Sigaw niya. Nanlaki ang mata ko. "Wag po! Promise ko po di ko na uulitin ito. Wag lang po akong masesante." Pagmamakaawa ko. "Sakura." Sabi ni Shunrei at itinayo ako. "Tsk. Prince Shunrei kung ayaw ko siyang isumbong may isang condition.... Magiging Akin ka." Sabi ni Cassandra. Nagisip naman si Shunrei at tumingin siya sa akin at kay Cassandra. "Fine." Sabi niya. Umalis na sila Cassandra hawak niya ang braso ni Shunrei. Pinunasan ko ang luha ko at pumunta sa kwarto ko. Ayokong mawala ang trabahong ito para ito sa mga kapatid ko. May naipon na naman ako pero di pa ito sapat. Ito na ang sinasabi ko ang masaktan ako. ********** LMCD
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD