Shunrei Kyoya POV...
Naiinis ako sa kanya. Nakipagkita nanaman siya kay Christian. Mabilis kong pinaandar ang sasakyan at nakita ko siya sa labas nagmamakaawa na wag siyang ipatanggal. Kasama ko si Cassandra ngayon sa kotse.
"Babe, lets go pabayaan mo na yang babaeng yan." Sabi niya at pinatakbo ko ng mabili at nakita ko siya sa side mirror na nakaupo sa sahig at umiiyak.
Parang nangyari na ito ha. Pangalawang beses....
Nakarating kami sa Palasyo at tinawag ako ni Mama.
"Bakit di niyo kasama si Sakura? Nasaan siya?" Sabi ni Mama.
"Sinisante ko siya." Sabi ko. Nanlaki ang mata ni mama.
"What!? Why?" Sabi ni Mama.
"Tsk." Sabi ko nalang at pumunta sa kwarto ko iniwan ko si Cassandra kasama si Mama.
Gusto kong mapag isa. Galit na galit ako sa kanya. Alam ko na di naman yun susuko at di siya aalis. Kailangan niya ang pera para sa mga kapatid niya.
*toktoktok* baka siya na ito.
"Pasok." Sabi ko. Pero nabigla ako iba ang pumasok.
"Mahal na Prinsipe pinatatawag kayo ng mahal na hari at reyna." Sabi ng maid namin. Napatayo ako at pumunta kina mama.
Nakita ko silang serysong tumingin saakin.
"Sinisante mo nanaman siya." Sabi ni Papa. Nakatingin sila sa isang sulat.
"Babasahin ko ang sulat ni Ms. Sakura." Sabi ng isang alalay namin.
"Dear sa inyong lahat dito sa palasyo,
Isinulat ko po ito kasi nais kong magpaalam alam ko po na galit ang prinsipe saakin dahil sa isang misunderstanding lang kaya ako na sisante. Sana makakita ang mahal na prinsipe ng magaling na P.A na mag aalaga sa kanya. Kailangan ko na pong umuwi saamin dahil tama na po ang ipon ko para makagawa kami ng negosyo para sa mga kapatid ko. Salamat sa mga araw na nandito ako sa mga masasayang araw na nandito ako kasama ang prinsipe. Yan lang po ang masasabi ko sana maging okey ang lahat sa pag alis ko.
Nagmamahal Sakura Yuki Takeshima." Yan yung nakalagay sa sulat.
Nanigas ako sa kinatatayuan ko.
"So.. pang 50 mo na yan na P.A. at yung nakakaintindi pa sayo ang sinibak mo. Di ka na magbabago anak?" Sabi ni Ama.
Napatakbo ako at pumunta sa kwarto niya. Nandito pa siya diba. Pagbukas ko wala na ang gamit niya. Tumakbo ulit ako inilibot ko ang boung palasyo pero wala siya pati sa Farm wala din siya. Napaluhod ako.
"Kasalanan ko ito! This is all my fault!" Sigaw ko. Alam ko na kung ano ang mean niya nung pumunta kami ng mall at naglaro sa Game Zone
Para maging masaya ako at mawala ang problema ko.
Ginawa niya yun... binawasan niya ang inipon niya para sa kasayahan ko.
Napaiyak ako... iniwan ulit ako ng mahal ko dahil sa kagagawan ko.
Biglang tumunog ang cellphone ko at nakita ko si Christian ang tumawag.
(Pinsan. So kumusta na kayo.)
"Kasalanan mo ito!"
(Oh, di ko na siya aagawin sayo. Bago naaksidente si Yuri noon nagusap kami at ang sinabi ko magpapaubaya nako pero anong nangyari kinain ka ng galit mo. At ngayon sinabi ko sa kanya na kayo ang magkakatuluyan sa huli pero ikaw ulit kinain ka na naman ng galit mo. Oh asan na siya?)
Nagulat ako sa sinabi niya.
Misunderstanding?
"She leave me." Sabi ko.
(Oh, pinsan walang mahina sa lahi natin kaya sundan mo siya kung saan man siya ngayon.)
Sundan... tama susundan ko siya pero tatapusin ko muna ang kay Cassandra.
*******
Sakura Yuki POV....
isang taon na ang nakalipas simula ng umalis ako doon at ngayon nagtayo kami ng Restaurant sa aming magkakapatid nakatapos na ang dalawang kapatid ko ng medisina at abogado.
At ako second year na ako sa college.
"Ate! Ang kulit ni Kuya Kei!" Nakatago sa likod ko si Hikaro. Napatawa nalang ako at tiningnan si Kuya Kei ng masama.
Nagpout naman siya at nagback out.
"Dalian niyo na malelate na kayo!" Sabi ni Kuya Yono.
"Hai!! Hai!! Captain!" Sabay naming sabi ni Hikari, Hikaro, Kuya Kei at ako.
"Hoy, kei! Umayos ka jan. Matanda ka na. Dalian mo din jan may aayusin ka pang kaso ngayong araw." Sabi ni Kuya Yono kay Kuya Kei.
"Ito naman... bata pa ako ha." Sabi niya. Napatawa nalang ako.
Lumabas na kami at sumakay sa sasakyan ni Kuya Yono.
At hinatid sa School.
"Kyaaa!! Ang gagwapo ng kapatid ni Sakura." Tili nila. Edi wow.
"Bye, sakura." Sabi nila Kuya at pinat ako sa ulo at ngumiti ako.
At umalis na sila.
Naglalakad ako ng makita ko ang mga heartrobs na lumalapit saakin. Ano nanaman ang drama neto?
"Hello, sakura hatid na kita sa room mo." Sabi ni Jonas. May crush daw ito saakin pero narinig kong bet ito kaya pinabayaan ko nalang.
"No thanks." Sabi ko at umalis na.
"Woah!" Sabi ng mga kaibigan niya.
Bigla naman siyang lumapit saakin at nasa daanan ko siya.
"Hindi ka ba aalis?" Sabi ko. Umiling siya at ngumiti ng nakakaloko.
Ngumiti ako at lumapit sa kanya sabay hawak sa katawan niya at sinuntok ko siya sa tiyan niya ayun napaupo sa sahig.
Tsk.
"Ayaw mo kasing umalis eh." Sabi ko. At umalis na.
Hay ganito nalang araw araw.
Pumasok nako sa Room ko.
"Great! Best!" Sabi ng bestfriend ko na si Casey.
"Bakit Great." Sabi ko.
"Sinuntok mo siya hahahaha sana sa mukha nalang niya para goodbye face na yun." Sabi niya. Napangiti nalang ako.
"Ikaw talaga." Sabi ko.
Lumabas na kami ng Room dahil uwian na ng may nakita akong familyar saakin....
"Christian." Sabi ko.
"Girl, prince ba yan? Ang gwapo!" Sabi niya.
"Pinsan ng prinsipe." Sabi ko.
"Ha?" Sabi niya.
"Ay kailangan ko ng umalis best bye!" Sabi ni best at umalis na.
Pumunta siya saakin.
"Long time no see, Princess." Sabi niya. Nanlaki ang mata ko alam na ba niya.
"H-ha!" Ako.
"Sus, ikaw kaya partner ng Pinsan ko kaya Princess." Sabi niya.
"May Fiancé na yun." Sabi ko.
"Hay, mahal mo siya diba?" Sabi niya. Napayuko ako.
"Silent means yes... so kung mahal mo siya ipaglalaban mo siya." Sabi niya.
"Hindi ko kaya... prinsipe siya normal girl lang ako." Sabi ko sa kanya.
"Nasa iyo ang desisyon. By the way dito na muna ako mag aaral. Babantayan ko ang alaga ko." Sabi niya. Alaga?
"Ikaw, ikaw ang alaga ko. Guardian Angel mo ko." Sabi niya.
"Wow, gwapong guardian angel naman yan." Sabi ko.
"Sige, hatid na kita." Sabi niya at tumango nalang ako.
*********
LMCD