Hanna's P. O. V
Nagmamadali akong nagbihis dahil na-late ako ng gising. Abala ako sa paglalagay ng concealer sa eyebags ko nang tumunog ang cellphone ko.
Jerry Calling...
"Sh*t, teka! Mahina kalaban!" I yelled and get my phone.
Sinagot ko naman ang tawag ni Jerry.
"Hello?" tanong ko habang nagsusuot ng heels.
"Hannah, sorry ngayon lang nakatawag, naging busy kasi ako pagkatapos ng party noong friday," sabi niya dahilan para mapairap ako.
He just made me remember what happened in that f*****g night. Lahat na lang sila pinapaalala sa akin ang nangyareng kabaliwan sa buhay ko. I wiggled my arms para magising ako sa katinuan.
"Hanna, still there?" tanong niya.
"Ahh--o-oo," nauutal kong sabi.
"So, are you free tonight? Dinner tayo," aya niya.
Napatingin ako sa relos ko. Late na talaga ako at wala nang panahon para makipagchikahan. Mabilis kong kinuha ang envelope and folder na nasa kama ko.
"Sorry, Jerry! Late na talaga ako sa office ni Dad, nasa akin 'yong documents at samples ng reference--aww," napadaing ako nang matalisod ako sa pagtakbo papalabas ng kwarto ko.
"Pero, 'di ba may usapan tayo? At saka, bakit ikaw gumagawa niyan? Mapapagod ka lang," sabi niya.
I grabbed my car keys and run into our garage.
"Oo, pero alam mo naman na ako ang tagapagmana kapag retired na sila. Kainis kase hindi ako nagkaroon ng kapatid. Sa akin tuloy lahat!" irita kong sabi at pumasok sa kotse.
"Ahh.. Sabagay, mag-iingat ka," ani Jerry.
"Sige na, Jerry! I gotta go!" I said and hang up the call.
Jerry is not my boyfriend, he's just one of my friends like Sam.
Mabilis kong minaneho ang kotse papunta sa company ng parents ko. Hindi pa maayos ang pagkaka-park ko ng kotse pero pinabayaan ko na, nagtatatakbo ako papuntang elevator.
"Good morning, Ma'am!" masiglang bati sa akin ni Manong Edgar, janitor ng company.
Ngumiti ako. "Good Morning!" sigaw ko habang tumatakbo.
Nang makarating na ako sa elevator panay ang pindot ko ng open pero pababa pa lang 'yong elevator.
"F*ck you, elevator!" I cursed then it finally opened.
Pumasok ako sa Elevator at gigil na pinindot ang 10th floor.
"P*tangina," I whispered and checked myself.
Kumuha ako ng lipstick sa sling bag ko at nag-apply bago lumabas ng Elevator. Nagulat naman ako sa pagsalubong sa akin ni Dad habang magkasalubong din ang mga kilay niya.
"You're late! Where's the reference? Naghihintay yung investors sa meeting room--"
"Sh*t!" I whispered when I suddenly realized that I'm not carrying anything.
"I forgot... Nasa kotse ko pa, sorry, Dad!" sigaw ko at bumalik sa Elevator.
Habang pababa ito ay biglang nag-open. Tinignan ko ang rebulto ng lalakeng sasakay, I was stunned when I saw Xander. What the f**k is he going here on our building? Pumasok siya sa Elevator at pinindot ang close. Wala siyang ibang floor na pinindot at mukhang iisa lang ang pupuntahan namin.
Dahan-dahan akong umusog papunta sa sulok at napayuko. Pakiramdam ko ay napaka-init ng atmosphere sa loob ng Elevator na 'to. I badly want to go out now!
"So... Ikaw pala 'yong nag-iisang anak ni Mr. Robert Sandoval," bigla niyang binasag ang katahimikan.
Dahan-dahan kong inangat ang tingin ko sa kaniya. Halos malusaw naman ako sa paninitig niya sa akin. Pakiramdam ko ay pawis na pawis na ako sa ginagawa niya. Ramdam ko ang mabilis na pagkalabog ng puso ko at para na itong sasabog sa kaba.
"Y-yes," nauutal kong sagot at muling umiwas ng tingin sa kaniya.
"About that night, I---"
Biglang tumunog at bumukas ang Elevator dahilan para mapatigil siya sa pagsasalita.
"Nice meeting you!" mabilis kong sabi at agad na nagtatatakbo palabas ng Elevator saka pumunta sa lugar kung saan naka-park ang kotse ko.
"Sh*t! Sh*t! Sh*t! Bakit? Bakit?" inis kong singhal at binuksan ang kotse ko.
Hindi ko maintindihan kung bakit hindi natupad 'yong pinagdadasal kong hindi na makita si Xander kahit kailan! Natataranta ako habang kinukuha ko ang envelope at folder.
I take a deep breath before I lock my car. Naglakad na ulit ako pabalik sa Elevator. Bigla naman akong napahinto sa nakita ko. It's Xander and one of our staff because the girl is wearing our uniform, they are kissing like there's no tomorrow.
"What the f*ck," bulong at napangiwi.
Kinikilabutan akong maisip na nakipag-s*x ako sa kaniya tapos wala man lang siyang pinipili. Kahit sino na lang kung kailan malibugan.
"Wala naman sigurong HIV 'yan, 'no?" bulong ko sa sarili ko.
Muli ko silang tinignan, lumilibot na ang kamay ni Xander sa katawan ng babae. Nanlaki ang mga mata ko at napaiwas ako ng tingin nang makitang pumasok ang kamay ni Xander sa loob ng skirt ng babae.
They're gonna f**k in my property? In my f*****g building? Seriously!? Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang hawak kong folder at envelope saka mabilis na naglakad pabalik sa 10th floor. Nang makapunta ako kay Dad ay binigay ko na ang mga reference. Nagsimula silang mag-meeting.
"Hello, Ma'am!" masiglang bati ng isa naming staff.
I smiled at her.
We owned a gasoline station in worldwide. Also, my parents have lots of business partners in their corporation. Mabuti na lang at hindi pa pinapaintindi ni Dad at Mom sa akin ang mga 'yon. I just graduated recently so I'm really new to those things.
"Anak, Let's eat?" tawag sa akin ni Mom.
Ngumiti ako at tumango. Hinawakan niya ang braso ko at hinila na. Mayroon kaming sariling restaurant so doon kami palagi kumakain, iba-iba ang putahe bawat araw. We have korean foods, Japanese foods, Italian foods, American foods and of course Filipino foods.
"Kamusta naman ang newbie ng aming company?" my Mom asked while we're waiting for the food.
"Hhhmm... Still adjusting but, I'm good," nakangiti kong sabi.
"I want you to focus on our company, do you have a new boyfriend?" tanong niya.
I scoffed. "Mommy naman! Wala pa. Kilala mo naman ako, I love fairy tales. I'm waiting for my prince charming to come and save me, then we will live happily ever after," I said while laughing.
"Silly, you're still my baby. Acting like a baby. Then I hope dumating na ang Romeo mo, pwede rin namang kami ang pumili sa Romeo mo," she said and laugh.
"Syempre, Mom. I need your approval kapag may guy na akong ipapakilala sa inyo," I said and smile.
Dumating na ang pagkain namin at masaya kaming kumaing dalawa habang pinagkukwentuhan ang mga paborito naming bagay. This is our kind of bonding. We are close dahil na rin nag-iisa nila akong anak. I am happy na hindi ko problema ang atensyon sa parents ko, well mula sermon I got them all.
******