Hanna's P. O. V Nagising na naman ako para lang isuka ang mga nakain ko, minsan laway lang pero minsan may kasama. Pakiramdam ko ay mamamatay na ako sa sama ng pakiramdam ko. Gusto kong balewalain ito pero mukhang doktor na ang kailangan ko. Hindi naman normal ang madalas na pagsusuka tuwing umaga? Nakaramdam ako ng gutom, nagsuklay lang ako ng buhok pagkatapos ko maghilamos saka bumaba sa kusina. Nakita kong kumakain si Mom habang nagce-cellphone samantalang si Dad ay may kaharap na laptop habang kumakain. Napatingin ako sa pagkain na nasa lamesa. Egg, bacon, toast bread with butter, and tocino. "Wow..." bulong ko dahilan para makuha ang atensyon ni Mom. "Anak, kamusta na ang pakiramdam mo? Uminom ka na ba ng gamot?" tanong ni Mom. Dahan-dahan akong tumango, actually hindi ko in