bc

Ang tipo kong lalaki ay hindi Pandak

book_age18+
12
FOLLOW
1K
READ
HE
forced
blue collar
sweet
office/work place
like
intro-logo
Blurb

Sabay silang pinanganak

Sabay na lumaki

Nabuo dahil sa kasunduan ng mga magulang

Nakalaan para sa isa't isa

Pero paano mo naman iibigin ang lalaking gwapo nga, mas matangkad ka naman

Magkakagusto ka ba sa lalaking hanggang balikat mo lang o susuwayin mo ang nakatakda dahil ang tipo mong lalaki ay hindi - Pandak.

chap-preview
Free preview
Pandak 1
"You may now kiss the bride." Pagkatapos sabihin iyon ay sabay na hinalikan ng dalawang groom ang kani-kanilang mga bride. "Congratulations!" "Congrats!" "Mabuhay!" "Mabuhay ang bagong kasal!" "Congratulations Mr. and Mrs. Balingit!" "Congratulations Mr. and Mrs. Umali!" Bati ng mga taong dumalo sa kakaibang kasalang ginanap sa simbahan sa Caloocan. Kakaiba ang nasabing kasal dahil minsan lang maganap ang isang double wedding. Kahit naman kasi sinong babae ang pangarap talaga ay maikasal na solo nila ang okasyon o doon naman sa mga walang budget ay ikinakasal kapag may mass wedding. Pero ang double wedding na nasaksihan ngayon ng mga bisita ay kakaiba. Magkaiba ang motiff ng dalawang pares na kinasal. Lahat ng nasa kanang hanay ng simbahan - bisita ng bagong kasal na Umali family na ang motiff ay peach at sa kaliwang hanay ay ang bisita ng Balingit family na ang motiff ay powder blue. Mga malalapit na kakilala, kaibigan at kamag-anak ng bawat pamilya ang dumalo. At sa mga taong nakasaksi sa pag-iibigan ng dalawang pamilya ay masasabi talagang sila ang itinadhana dahil sa mga pagsubok na dumaan sa kanilang mga buhay ay parehong sa altar pa rin ang kanilang bagsak. Magkaibigang matalik ang dalawang bride na kinasal. Parehong lumaki sa ampunan ang dalawa. Sabay na lumaki at nangarap. Kahit na may nag-adopt na sa kanila ay hindi naputol ang kanilang ugnayan dahil parang magkapatid na ang kanilang turingan. Nagdadamayan sa oras ng kagipitan. At hanggang sa sila'y umibig at ikinasal ay sabay pa rin. Plinano din nilang maging magkapitbahay kahit na labag sa kalooban ng kanilang mga mister dahil nga hindi naman close ang mga ito. Pero dahil mahal nila ang kanilang mga misis ay wala din silang nagawa. Pati pagbubuntis ay plinano din ng dalawa lingid sa kaalaman ng kanilang mga mister. Kapag nabuntis ang isa sa kanila ay kailangang mabuntis din ang isa maliban na lamang kung may isa kanila o sa asawa nila ang baog. Ang gustong mangyari ng dalawang magkaibigan ay kapag naging lalaki at babae ang kanilang anak ay ipagkakasundo nila ito. Maliit pa lamang ay pagsasabihan na nila para habang lumalaki ang kanilang magiging anak ay alam na nilang mayroon ng nakalaan na tao para sa kanila. Siyempre plano lang naman iyon ng magkaibigan. Kapag naman hindi magkagustuhan ang kanilang mga anak ay malaya naman silang pumili ng kanilang iibigin - pero kailangan lumampas na sila ng edad na trenta. Ganyan kalala mag-isip ang dalawang magkaibigan. Sa panganay lang naman nila planong magkasundo. Sa mga susunod nilang magiging anak ay pababayaan na nila ang kanilang magiging anak na pumili ng kanilang iibigin. Talagang pareho lang silang pilya at kakaiba mag-isip kaya minsan ay iisipin din ng ibang tao na parehong may tama ang dalawang magkaibigan. Mabuti na lamang at pareho silang maganda at maabilidad kaya naman patay na patay sa kanila ang kanilang mga mister. Nasasakyan ang kanilang mga trip. Kung hindi baka matagal nang iniwan ang dalawa. At nang magbuntis nga ang isa kanila ay hindi kataka takang sumunod din ang isa. Alam nilang pareho na pagdating sa panganganak ay baka magkaiba sila ng due date kaya naman sa araw ng pagsilang nila sa kanilang sanggol ay nagpa-CS ang isa sa kanila para lamang parehong araw ang kapanganakan ng kanilang panganay. At gaya ng kanilang pinapanalangin ay isang babae at isang lalaki ang kanilang naging panganay kaya naman tuloy ang kanilang pinagkasunduan. ------------- Happy Birthday Dianne and Dustin 7 Years old "Happy birthday kids!" "Happy birthday Dustin! "Happy birthday Dianne! Bati ng mga taong dumalo sa birthday party. Ginanap ang birthday ng dalawang bata sa clubhouse ng kanilang subdivision. Piling bisita lamang ang kanilang inimbitahan dahil para lamang iyon sa mga malalapit na kaibigan at kakilala. "Waaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhh... M-ma-maaaaa.. s-si... si.." biglang napatingin ang mga bisita sa batang umiiyak. "Dustin baby ko. Ano na naman ba ang ginawa mo kay baby Dianne. Huwag mo siyang aawayin baby ko dahil siya ang magiging asawa mo paglaki niyo. Dapat nga ikaw ang magpo-protect sa kanya kasi she's the princess and your the prince." malumanay na paliwanag ng Mommy ni Dustin. "Mami.. k-kasi.. sabi ni Dianne... hhmmm.. hindi niya daw ako love.. kaya nilagyan ko ng cake face niya.." nakalabing sabi ng batang lalaki. "Eh kasi baby ko wala pa sa isip 'yan ni baby Dianne. Kapag malaki na kayo magiging love ka din niya--" "No! I don't like him. Mamaaaa... wwaaaaahhhhhh.. gusto ko nang umuwi," umiyak na naman ang batang babae. "Dianne don't say like that to Mommy Glenda and Dustin. Say sorry na. Huwag ka na umiyak kasi kaya ka lang naman nilagyan ni Dustin ng cake sa mukha kasi gusto ka niya baby," ang sabi naman ng Mama ni Dianne. "Ah basta. I don't like him, Mama." saka inirapan ng batang babae ang batang lalaki. Nagtawanan na lamang ang dalawang nanay sa inasal ng kanilang mga anak. --------------------------------- Happy Birthday Dianne and Dustin 14 Years old "Happy birthday, Dianne!" "Happy birthday, Dustin!" "Happy birthday sa inyong dalawa!" "Happy birthday!!" Bati ng mga dumalong kaibigan, kaklase at mga malalapit na kamag-anak ng dalawang pamilya. Katulad pa rin ng dati, sa clubhouse ng subdivision pa rin ginanap ang kanilang mga birthday. At dahil katorse na ang dalawang nagbibinata at nagdadalaga ay inuumpisahan na ng kanilang Mama at Mommy na tuksuhin sila at biruin na sila ay ipinagkasundo na sa bawat isa. Umirap lang si Dianne sa tukso ng kanyang Mama. Pero ang totoo niyan ay gustong gusto niya din na tinutukso siya kay Dustin. Crush niya kasi si Dustin. Ang gwapo kasi ni Dustin. Tahimik pa at matalino, hindi kagaya ng iba nilang mga kaklaseng lalaki na panay ang palipad hangin sa kanya. Mayabang lang pero wala namang mga alam. Sorry na lang sila dahil maliit pa lang ang dalawa ay ipinagkasundo na sila. Kaso mukhang hindi siya type ni Dustin. Kasi naman kabaliktaran ng ugali ni Dustin ang ugali ni Dianne. Si Dianne kasi ay taklesa, maingay at pasaway pa. Pero kahit na ganoon ang ugali ni Dianne ay marami pa din ang humahanga sa kanya. Kahit kasi sa murang edad ay napakaganda nitong bata. Maganda kasi ang combination ng kanyang Mama at Papa. Sa murang edad din nito ay halatang matangkad na kasi halos magkasingtangkad lang sila si Dustin na ngayon ay nasa 5'5 na ang taas. Siya din ang pinakamatangkad na babae sa kanilang klase kaya naman lagi din siyang nakukuhang muse. Iyon lang, kailangan si Dustin ang consort dahil kung hindi ay hindi pa rin papayag ang kanyang Mama. ----------------------------------- Happy Birthday Dianne and Dustin 18 Years old "Happy birthday, Dianne!" "Happy birthday, Dustin!" "Happy birthday sa inyong dalawa!" "Happy birthday!!" Ika-labinwalong kaarawan ng dalawa at katulad pa rin sa mga nauna nilang selebrasyon ay sabay pa rin ito. Ang kaibahan lamang ngayon ay gumastos sila sa isang resort dahil nga debut ni Dianne at ang kanyang partner ay walang iba kundi si Dustin. Pero kung dati ay natutuwa pa si Dianne tuwing tinutukso sila, ngayon ay kabaliktaran na. Ayaw na niyang tinutukso siya kay Dustin lalo na ng Mama niya. Paano naman kasi hindi sila bagay. Ngayong dise-otso na sila ay mas matangkad pa siya kay Dustin. Lalo na ngayon na nakasuot siya ng high-heeled stilleto, hanggang balikat na lamang niya si Dustin. Kung hindi lang talaga dahil birthday nilang pareho ay nagwalk-out na siya. Sa katunayan ay nag-away pa sila ng Mama niya bago maganap ang kanilang birthday ni Dustin dahil ayaw niya itong maging last dance sa kanyang 18 roses. Mayroon na siyang inimbitahan na kaklase nilang lalaki na gusto niyang maging partner sa kanyang birthday pero nagalit ang Mama niya. Kahit na umayaw siya ay wala din siyang nagawa bandang huli dahil hindi niya rin matitiis ang Mama niya. Hanggang sa matapos ang party ay hindi nasiyahan si Dianne kaya naman naisip niyang gagawin niya ang lahat hanggang sa umabot sa edad na trenta na hindi sila ikakasal ni Dustin para makapili siya ng lalaking magugustuhan niya. Ano na lang kahihitnan ng lahi niya kapag si Dustin nga ang makatuluyan niya. Baka naman maging unano na ang magiging anak nila. Pinapangako niya, hinding hindi siya iibig kay Dustin dahil ayaw niya sa lalaking pandak. Hindi ito ang tipo ng lalaki ng gusto niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
85.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
133.4K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
77.5K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
175.4K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
26.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook