bc

Number One (ONE SHOT STORY)

book_age12+
9
FOLLOW
1K
READ
dark
drama
tragedy
twisted
mystery
scary
lies
rejected
secrets
crime
like
intro-logo
Blurb

I was your number one fan...

I know all about you...

Nandoon ako noong bumagsak at sumikat ka muli.

Nandoon ako.

Pero hindi mo ako nakita.

chap-preview
Free preview
Number One
"Please welcome, Pearl Simon!" nagpalakpakan ang mga tao nang lumabas ang babaeng artista. As usual, marami na namang tao ang pumunta sa mall para lang makita siya. May mall tour si Pearl Simon, katatapos lang kasi ng pelikulang pinagbidahan niya. "Hi! Kamusta kayong lahat?" sari-saring sagot ang narinig ni Pearl. Nang tumahimik ang crowd, may sumigaw na "mahal na mahal ka namin, Pearl!" Mas lalong lumabas ang dimple ng artista nang marinig ito mula sa kanyang mga fan na sa dami ng tao yata ay hindi niya na mahanap. Nagpasalamat siya at sinabing mahal niya rin ang mga ito. Dahil hindi lang marunong umarte sa harap ng camera, nagbahagi din siya ng kanta sa mga tao. Bumaba siya ng stage at naglakad sa malaking parisukat na espasyo na nakalaan lang para sa kanya. Sa labas ng mga barrier ay ang mga taong nagkukumahog na makapagpicture at mahawakan siya. Tatlong taon pa lang sa industriya si Pearl. Kahit na masyado pang maikli ang panahon niya ng pananatili dito, marami na siyang nagawa. Dalawa agad ang pelikulang pinagbidahan niya at ang isa ay supporting actress siya. Nanalo na siya ng best actress sa katatapos lamang na pelikula na ginawa niya. Sa loob din ng tatlong taon ay may nagawa na siyang isang teleserye na talaga namang pumatok sa masa. At ang bago naman sa kanya ngayon ay ang pag-aasikaso sa kanyang album na irerelease na sa susunod na dalawang buwan. Marami na siyang natanggap na invitations para sa interview, local at international kaso iyon pa lamang mga interview sa ibang bansa ang pinauunlakan niya. Maganda si Pearl kaya naman hindi kagulat-gulat na magiging artista siya. Wala siyang dugo ng banyaga pero dyosa ang ganda niya na hindi lang ang mga kalalakihan ang nagkakandarapa sa kanya kundi kinaiinggitan din siya ng mga babae. Malalim ang kanyang mga mata, katamtaman ang tangos ng kanyang ilong, manipis ang mga labi, mala-porselana ang kanyang kutis, at konti na lamang ay beauty queen na rin ang kanyang tangkad at katawan. "Pearl, papicture!" "S-sure!" nagdadalawang-isip man, pero nginitian niya ang isang babae na nanginginig pa ang kamay sa paghawak sa cellphone. Dahil sa kaba ay hindi kaduda-dudang nabitawan ng babae ang kanyang cellphone at inirapan 'yon ni Pearl. Kinain na ng crowd ang babae at naglakad naman si Pearl sa kabilang parte. Puno ng flash sa iba't-ibang camera saan man siya tumingin. Sa paglipas ng panahon ay natuto na rin siyang sumayaw habang kumakanta kaya naman nabansagan na rin siya bilang isang total performer. "Pearl, fan mo na ko simula pa noon! Pearl! Pearl!" sigaw ng isa na namang babae na pinipilit mangibabaw ang boses sa kapal ng tao. "Pearl, we love you!" "Pakakasalan kita Pearl, akin ka na lang!" "Dyosa, pansinin mo naman kami!" "Ganda ng kanta mo!" "Pa-autograph, Pearl!" "Pearl, dito! Papicture! Please Pearl, para lang 'to sa kapatid kong---" "Pearl! Pearl, dito ka naman! Gusto ka naming mahawakan!" Natapos ang kanta ni Pearl at napasalamat siya sa mga taong pumunta para makita siya. "Pakiabot nga nung alcohol." mabilis na inabot ng PA niya sa kanya ang malaking alcohol. "Marami na naman akong germs na nakuha. Tsk. Hindi pa ba tayo aalis?" "In five more minutes pa po, Pearl. May kakausapin pa yung manager mo." "What if, ako na yung mauna sa kotse? Ayoko na dito, mainit. Hindi na komportable yung skin ko. Tsaka ang ingay kaya!" "Syempre po dahil hinahanap ka nila, Pearl." nilabas ng babae ang kanyang cellphone at nagselfie. "What a jeje! Umalis ka nga sa paningin ko! Ang luma ng cellphone mo, nakakadiri!" "Pero Pearl---" "Ms. Pearl." pagtatama ni Pearl sa babaeng assistant. "Ms. Pearl, hindi daw po kita pwedeng---" "Sabi ko umalis ka na dito! Naiinis na ko sa pagmumukha mo!" iniwas ng babae ang kanyang mukha sa artista. "Sasabihin ko kay manager na tanggalin ka na. Tss, bakit ba kasi nila sayo binigay yung position na PA eh?! Ang kupad-kupad mo, tapos ang panget mo pa! Tapos ano, ikaw ang una kong makikita sa araw! Nakakabwisit!" tinalikuran ni Pearl ang babae. Inayos naman ng kanyang assistant ang kanyang pagmumukha. May makapal itong salamin, may eyebags dahil sa pagpupuyat, may mga pimples at hindi kaputian. Magulo ang kanyang kulot na buhok at gusot-gusot ang kanyang magarang damit na binigay pa sa kanya ng manager ni Pearl. "S-sige Pearl... lumabas na tayo..." tumayo si Pearl nang hindi nililingon ang kanyang PA. Naglakad sila sa madilim na parking lot. Mas nauuna si Pearl na maglakad at nananatili lang sa kanyang likod ang babae na pinipilit na dalhin ang bag na naglalaman ng mga kailangan ni Pearl. "Why so hot? Next time, sabihin mo kay manager na huwag ng isama 'tong mall na 'to sa mga mall tours ko. Ayoko dito, nakakadiri!" pumasok si Pearl sa loob ng kotse habang ang babae ay nasa likod niya. Hiningi niya ang make up at nagretouch siya. "Tagal naman nila, tawagan mo na nga!" "O-opo..." "Paypayan mo nga ako! Ang init talaga!" nagmamadaling pinaypayan ng babae si Pearl kaso hindi pa man nagsisimula ay malakas na pinalo ni Pearl ang ulo ng babae ng bote ng alcohol. "Sabi ng lakasan mo eh, tanga ka na nga, bingi ka pa!" "P-pasensya na p-po..." "Sabi ng lakasan mo eh! Ahhhhhh!" kinuha ni Pearl ang pamaypay at pinalo ang katawan ng babae. Walang nagawa ang babae kundi umilag sa mga palo ng artista. Napagod si Pearl at sumandal sa upuan. "Pahinging tubig!" "I-ito po..." inabot ng babae ang bote ng tubig at agad na ininom ni Pearl. Kinalikot ni Pearl ang kanyang cellphone at pumunta sa kanyang social media account. Napangiti agad siya nang mabasa ang mga puri sa kanya ng mga tao. May ilan din namang mga bashers pero mismo ang kanyang mga fan na ang umaaway sa mga ito. "Sana mamatay na ang mga bashers na 'yan. Salot sila para sakin. Tss." nagscroll pa si Pearl nang maubo siya at nabahiran ng dugo ang kanyang cellphone. Nanlaki ang mga mata niya at mabilis na nanalamin. "Oh my gosh---*cough*" *cough* *cough* Sa kanyang paulit-ulit na pag-ubo ay parami nang parami ang dugong lumalabas sa kanyang bibig. "Ahhhhhh!" nagmadali siyang lumabas ng kotse habang hinahawakan ang ilong na ngayon ay may lumalabas na dugo na rin. "Pearl!" sigaw ng kanyang assistant. Hindi pa man siya nakakalayo sa kotse ay napaluhod na si Pearl. Nababahiran na rin ng kanyang dugo ang kanyang puti at malinis na dress. Dahil punong puno ng dugo ang kanyang kamay kaya pinunas niya ito sa sahig. "T-tulong...!" nanghihina siya dahil takot siyang makakita ng dugo. Ultimo ang kanyang cellphone ay nabitawan na niya dahil sa panginginig. "Pearl!" "T-tulungan niyo ko..." sinundan ng kanyang pahayag ang sunod sunod na pag-ubo. Nahihirapan na rin siyang makahinga at patuloy lang na lumalabas ang mga dugo sa kanyang ilong at bibig. Nagmamadaling lumabas ang babae na kanyang assistant at hinawakan niya agad ang balikat nito. "H-humingi ka ng t-tulong...! Bilis!" sigaw ni Pearl. Tumayo ang babae at mabilis na pinunasan ang dugo kay Pearl. "Sinabi ng huminga ka ng tulong eh! Bilisan mo!" umubo ulit si Pearl. Sa kanyang pag-ubo ay tila lalabas na ang kanyang mga lamang-loob dahil sa lakas at maraming dugo ang lumalabas. Tumayo ang babaeng kanyang assistant at tinalikuran si Pearl, ngunit humarap ulit ito sa artista at sa kanyang pagharap ay malakas niyang sinipa ang artista na lalong nagpahina dito. "A-anong...?" nahihirapan man sa kanyang sitwasyon ay pinilit ni Pearl na bumangon mula sa pagkakahiga sa parking lot. Mas lalong bumakas ang mga dugo sa kanyang malinis na damit. Dahan-dahang naglakad ang babae palapit kay Pearl. Tumutunog ang heels nitong suot na parang isang matinis na tunog sa tenga ni Pearl. Pinilit ni Pearl na buksan ang kanyang mga mata at panoorin ang nangyayari. Hinubad ng babae ang kanyang makapal na salamin at kagulat gulat na tinapakan ito. Dinampot niya rin ang cellphone ni Pearl at pinagmasdan ito. "Hayop ka! Sino ka para saktan ako? PA lang kita! Dadating si manager at makikita nila ang ganitong kalagayan ko! Ipapakulong kita! Mabubulok ka sa kulungan! Mamatay ka na!" Natawa ang babae dahil sa sinabi ni Pearl. "Hindi sila pupunta dito dahil hindi nila alam na nandito ka na." Sinamaan ng tingin ni Pearl ang babae at gumapang papalayo dito. "Lagi mo akong minumura dahil sa mumurahin kong cellphone eh ang totoo naman... nakabili ka lang ng mamahalin mong cellphone simula nung sumikat ka." matatalim na tingin lang ang ipinukol ni Pearl sa babae. "Nagbago ka." malakas ang pagkakabato ng babae sa branded na cellphone kay Pearl. "Ahhhhh!" iniwas ni Pearl ang kanyang magandang mukha pero tumama ang cellphone sa braso niya. Sumilay ang ngiti sa mukha ng babae lalo na ng makita niyang nakita ni Pearl ang sira-sira niyang cellphone sa gilid at ang mga bubog na naiwan sa kanyang braso. May panibagong sugat at dugo na namuo sa braso ni Pearl. "Ahhhhh! Anong ginawa mo sakin?! Baliw ka na!" itinuloy ni Pearl ang paggapang niya para makalayo sa babae. Lumapit ang babae sa kanya at gamit ang takong ng heels niya ay tinapakan niya ang kamay ni Pearl. "AHHHH!" "Hahahaha!" Umiiyak na sa sakit si Pearl dahil sa nangyari habang patuloy sa paghalakhak ang babae. "Lumayo ka sakin! M-mabubulok ka sa impyerno, babae ka! Ngayon pa lang sigurado ng sinusunog na ang kaluluwa mo! Masama kang tao!" Tumaas ang kilay ng babae. "Pareho lang tayo, Pearl. Tsaka hindi mo ba alam... ikaw ang gumawa sakin nito." "Hindi tayo magkapareho! Masama ka!" nanginginig na si Pearl sa nangyari pero pinipilit niyang maging tapang. Umupo ang babae para malebelan si Pearl. Natutuwa siya na ganito na ang itsura ng paborito niyang artista. "Akala ko dati, iba ka sa kanila. Akala ko dati, ikaw na yung perpektong artista dahil maganda ka na nga, mabait ka pa. Iyon pala, pakitang-tao ka lang. Lahat ng kabaitan at kagandahang-loob mo, nangyayari lang sa harap ng camera." "H-hindi totoo 'yan!" Isang malakas na sampal ang natanggap ni Pearl mula sa kanya. "Sinungaling ka! Sumikat ka lang naman dahil nagviral ang video mo noon! Pero nung nag-artista ka na, nagbago ka na! O baka nga, pineke mo lang yung video mo noon dahil gusto mong mapansin ka ng lahat!" "Umalis ka dito! Hindi kita kailangan!" "Bakit? Ayaw mong marinig ang katotohanan? Ha, Pearl?!" malakas ang sigaw ng babae na mas lalong nagpatayo sa balahibo ng artista. Tinalikuran ng babae si Pearl. "Matagal na akong fan ng iba't-ibang artista pero nung nakita ko ang viral video mo na kinakanta ang isang kanta, lumipat ako sayo. Nagfocus ako sayo at iniwan ko ang ibang idol ko para sayo! Finofollow kita sa lahat ng social media accounts mo! Inaalam ko lahat ng mga nangyayari sayo! I even stalked you! Dahil sobrang ganda ng mga viral videos mo, ng boses mo, kaya kinuha ka nila bilang bagong artista. Sobrang saya ko no'n kasi finally, hindi na lang ako ang makakapansin sayo! Finally, matutupad na rin ang pangarap mong maging artista! Kasi finally, mapapansin na din ang talent mong kumanta at umarte! At finally, makikita na rin nila kung gaano ka kabait! Pero takte, kung alam ko lang na lalaki ang ulo mo dahil artista ka na, hindi na sana kita pinagdadasal sa gabi! Hindi na sana kita kinilala! Hindi na sana kita pinagawan ng mga banners! Hindi na sana kita pinagmalaki sa iba! Nakipag-away pa ko para lang sayo! Hindi ko inintindi yung mga rumors tungkol sayo! Dahil ang mahalaga lang sakin ay ikaw! Hayop ka, ikaw!" sa pagharap ng babae ay hinagisan siya ni Pearl ng natitirang parte ng cellphone nito na hindi pa nababasag. "Ahhhhh!" napasigaw si Pearl sa sobrang pagkadismaya nang hindi niya natamaan ang katawan ng babae. Dinampot ng babae ang bubog na malapit sa kanya at mabilis na nilapitan si Pearl. "Kung alam ko lang na ganito ang gagawin mo, bwisit ka!" hinagis ng babae ang bubog kay Pearl at tumama ang mga ito sa noo at pisngi ng artista. "Ahhhh! Anong ginawa mo?! Sinira mo ang mukha ko! Ahhhh! Tulong!" nanginginig na kinapa ni Pearl ang kanyang noo na ngayon ay nilalabasan na ng dugo, nagsisimula na nitong punuin ng dugo ang kanyang maamong mukha. "Marami akong naririnig na usap-usapan na hindi naman talaga sayo ang boses na ginamit mo sa mga videos mo sa YouTube. Hindi ako naniwala, syempre. Mala-anghel ang mukha mo kaya anghel din ang boses mo. Nakipag-away ako sa mga bashers mo sa social media! Kahit na binlock nila ako ng ilang beses, at kumalat pa ang mga posts ko na tungkol sa pagtatanggol ko sayo, wala akong pakialam! Nilayuan pa ako ng mga kaibigan ko nang kumalat ang pangalan ko sa social media! Maraming nagtatanong kung bakit pinaninindigan kong sayo ang boses na 'yon kahit na kalat na kalat na na hindi sayo 'yon! So ang ginawa ko, pumasok ako bilang PA mo! Para patunayan sa kanila na mabait ka! Na iba ka sa lahat ng artista! Na tama ang pagpili ko sayo!" Umiiyak na si Pearl. Matindi ang pag-aalala niya sa kanyang katawan. Tanging ito lang ang iniisip niya ngayon. "Pero nagkamali ako..." nagsimulang mahulog ang mga luhang kanina pa pinipigilan ng babae. "Inubos ko ang lahat ng pera ko para sa mga posters mo, lahat ng merchandise sa teleserye mo, ilang beses akong bumili ng ticket ng mga pelikula mo at pinamigay ko sa iba kahit hindi nila tinatanggap. Lahat ng mall tours mo, pinupuntahan ko. Inaway ko pa mismo ang nanay ko dahil pati siya ay against sayo!" Patuloy lang sa paggapang ang kawawang artista habang pinipigilang marinig ang mga sinasabi ng babae. "Hindi ako makapaniwala... ginawa ko lahat ng 'yon para lang saktan mo ko? Ha...? HA?!" hinubad ng babae ang heels niya at hinagis ito sa artista. "Nagtrabaho ako para sayo! Para ipakita sa kanila na hindi ka masama! Pero nalaman kong totoo nga ang lahat ng sinasabi nila tungkol sayo! Dahil sumisikat ka na no'n kaya kinuha ka nila para maging artista! Hindi ko lubos maintindihan na sa dinami dami ng interview na pinuntahan mo, hindi ka nila pinapakanta kahit sumikat ka naman sa mga viral videos mong kumakanta ka?! At nalaman kong kasabwat mo ang manager mo para pagtakpan ka sa lahat! Na hindi sayo ang boses na ginagamit mo sa pagkanta at nagli-lip sing ka lang!" pumasok sa kotse ang babae at paglabas niya ay pinaghahagis niya ang lahat ng bagay na binili niya sa teleserye ni Pearl. Nahinto sa paggapang ang artista at tinignan ang mga ito. "Minahal kita at itinuring na isang kapatid kahit na ang trato mo sakin ay isang maduming ipis na laging tinatapakan!" Umangat ang mukha ni Pearl sa babae. "Anong karapatan m-mong---!" Pinutol ng babae ang pagsasalita niya. "Anong karapatan mong maging masama sakin?! HA?! Ako na nagtanggol sayo! Patuloy kang gumagawa ng masamang bagay! Pinipilit kitang tanggapin sa puso ko at kinakalimutan ko ng paulit-ulit ang mga kapintasan mo pero hindi ko na kaya! Masyadong maraming mali sayo at hindi ko alam kung anong nakita ko sayo noon!" "H-hindi mo ko idol... dahil kung tunay ngang minahal mo ko bilang paborito mong artista... h-hindi mo ko s-sasaktan ng ganito..." sabi ni Pearl habang nakatulala sa sahig. "BAKIT KA BA GANYAN?! Ikaw ang gumawa sakin nito! Ikaw ang tunay na halimaw! Hindi ka marunong magpahalaga sa kapwa mo! Oo, fan mo ko! Pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay dapat nakasalalay sa mga fans mo ang pagtatanggol sa personality mo! Dapat ding minsan, matutunan mo na hindi lang ang mga tao sa paligid mo ang poprotekta sayo! Minahal kita Pearl! Pero kailanman ay hindi mo ko tinuring na tao! Ginawa mo kong tuta mo na sunod-sunuran lang sayo---" "Dahil 'yon ka naman talaga eh! Hindi ba't pumasok ka sakin bilang PA ko? Tapos ngayon magrereklamo ka na ginagawa kitang tuta?!" Hindi makapaniwala ang babae sa kanyang naririnig. "Pinapalo mo lagi ako, binabatukan, sinisigawan, minumura! Kulang na lang patayin mo ko para matapos na ang buhay ko!" "Dahil tatanga-tanga ka! Stupidang walang pinag-aralan!" "Mas masahol ka pa sakin, Pearl Simon! Wala akong ginawa kundi pahalagahan ka! Pero ang ginawa mo sakin ay kabaliktaran!" "Mabubulok ka sa kulungan! Hindi ako maaawa sayo kung magutom ka o kapitan ng lamig! Dapat lang 'yan sayo dahil ganito ang ginawa mo sakin!" Lumapit ang babae nang may dala-dalang bote ng tubig. Hinila niya ang itim na buhok ni Pearl at nagreklamo agad sa sakit ang dalaga. "Ibuka mo ang bibig mo!" utos ng babae. Tanging iling lang ang isinagot ni Pearl. Hinila pa lalo ng babae ang buhok nito. "Inumin mo 'to!" Nagmamatigas pa rin ang artista kaya walang nagawa ang babae kaya sinabuyan niya ng muriatic acid si Pearl. "Ahhhhh!" pinilit na buksan ng babae ang bibig ni Pearl at pinainom sa kanya ang bote ng tubig. Nang makuntento na ang babae ay hinagis niya sa malayo ang bote at pinagmasdan kung paano ang panibagong dugo ay lumalabas sa ilong at bibig ni Pearl. "Naalala mo ba ang bote ng tubig na 'yon? Iyon yung first commercial mo sa TV. 'Yon ang una mong commercial tapos nag-inarte ka na dahil isa ka ng artista kaya dapat hindi lang tubig ang endorsement mo." Umubo nang umubo si Pearl kahit na punong puno na ng dugo ang kanyang kamay. Mas lalo pa siyang naghirap na makahinga. Tila may nagbara sa kanyang baga at nalulunod siya sa paghahanap ng hangin. "Nararapat lang 'yan sayo. Sinira mo ang buhay ko kaya doble ang pagsirang gagawin ko sayo." kinuha ng babae ang bubog na may matulis na dulo. Nilapitan niya si Pearl, hinila ang malusog nitong buhok, at sinugatan ang mukha ni Pearl. Puno ng poot, pasakit, at paghihirap ang bawat guhit na iniiwan ng babae sa mukha ng artista. Pinipilit ni Pearl na pigilan ang ginagawa ng babae sa kanya ngunit masyadong malakas ang babae at mahina naman ang artista para hindi niya mapahinto ang nangyayari. "AHHHHH!" nang makuntento ang babae ay hinagis niya ang ulo ni Pearl. Napuno ng sigaw at iyak ang buong lugar dahil sa kanya. "Mukha ang puhunan mo sa industriyang ito. Kung hindi ka maganda, paniguradong hindi ka rin sisikat. At kung mabubuhay ka pa pagkatapos nitong araw na 'to, ang buhay para sayo ay magiging kalbaryo. Ang mga sugat na maiiwan dyan sa maganda mong mukha ang magpapaalalang dulot 'yan ng kagagawan mo. Sigurado akong wala ng mga taong maiiwan sa tabi mo na mamahalin ka, masyadong maitim ang budhi mo na lahat ng tao ay tatalikod sayo. Hindi ang ginawa ko sayo ngayon ang magiging bangungot mo kundi ang mga ginawa mo sakin at sa ibang tao. Magiging multo ka ng sarili mong nakaraan. Gugustuhin mong ang paghahangad na maging artista ay isang maling desisyon na ginawa mo buong buhay mo. Kukupas din ang liwanag na tinataglay mo bilang artista at sigurado akong maraming tao ang hindi makapaghintay na makita 'yon. Hindi mo kami pinahalagahan, Pearl. Kaya sa dulo, walang tatayo sa gilid mo dahil lahat kami ay tinaboy mo palayo." Sa kahuli-hulihang pagkakataon ay sinulyapan ng babae ang kanyang dating paboritong artista. "Huwag kang mag-alala, mabubuhay ka pa rin naman. Naisip ko kasi na magiging madali para sayo na mamatay nang ganun ganun na lang. Mas maigi sana kung habang pinipilit mong mabuhay, kasama no'n ang pagpilit mo ring makalimutan kung sino ka at ano ang mga ginawa mo." Nanghihina ngunit pinipilit na pinunasan ni Pearl ang mga dugo niya sa mukha. Hindi na sapat ang mga luha niya para malinis ang pulang likido sa kanyang dating maamong mukha. Bago umalis ay nag-iwan ang babae ng mga salitang sisiguraduhin niyang hindi makakalimutan ni Pearl. "I used to be your number one fan. Pero nagbago 'yon nang makilala ko talaga kung sino ka, Pearl Simon."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Payment of Debt

read
90.0K
bc

The ex-girlfriend

read
141.1K
bc

My Husband Is A CEO Boss

read
475.5K
bc

My Secretary, Sex-etary [Lee Saunders]

read
279.5K
bc

A Billionaire In Disguise

read
660.4K
bc

OWNED BY THE BILLIONAIRE'S BODYGUARD: MATTHEW MONDRAGON

read
63.2K
bc

You're Paid (Book1&2)-SPG

read
2.2M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook