Anne Mabilis na lumipas ang panahon at katulad din ng mga normal na magkasintahan, may mga araw din na hindi kami nagkakaintindihan. Idagdag pa na sa Maynila ako nagtatrabaho habang nasa Batangas si Jerry. Ang hirap ng malayo sa isa't isa. But as an adult, we have bills to pay and at the end of the day, hindi naman nakakabusog ang I love you. After working so hard, I earned four weeks vacation at dahil May apat na linggo akong bakasyon at dahil malapit na ang second year anniversary namin ni Jerry ay nagfile ako ng isang linggo. Balak ko sana syang ayain na mag-out of town. Kahit sa malapit lang para hindi kami pareho mapaguran. Inireserba ko ang natitirang linggo para sa ibang lakad namin. Nag-half day ako ngayong B'yernes dahil uuwi ako sa Batangas at balak kong i-surpresa si Jerr