bc

OBSESSED

book_age18+
106
FOLLOW
1K
READ
teacherxstudent
student
twisted
bxg
campus
school
affair
lusty
seductive
wild
like
intro-logo
Blurb

Warning: This story contains content that some may find disturbing. This is not suitable for minors.

College student si Scarlett Morales. Third year na ito sa kursong nursing. Maganda, sexy at matalino. Ilan sa mga katangian niya na hinahangaan ng kan'yang mga kaklase.

Paano kung maliban sa mga katangian niyang ito ay mayroon pa pala siyang itinatago?

Paano kung ang isang malaDiyosang babae ay kaya palang sumira ng isang pamilya?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
[SCARLETT's POV] Palabas na kami ni Mom sa Airport. Hila ko ang dalawang luggage bag ko. Ganun din si Mom. Nag-book ako ng grab car. Umupo ako sa unahan at si Mom sa likod. Papunta kami sa Forbes Park Makati. Doon na kami titira. Binilhan kami ni Daddy ng new house roon. Noong una ay ayaw kong pumayag. Masaya na ako roon sa Cebu. Marami akong kaibigan na ma-mi-miss doon. Sumandal ako sa upuan at ipinikit ko ang mga mata ko. Pagdilat ko ay napatingin ako sa salamin. Eksaktong nakita ko na nakatitig din sa akin ang driver ng car. Tiningnan ko siya ng masama. "Is there any problem?!" I rolled my eyes. Umayos ako ng upo at hinila ko ang skirt ko at tumingin ako sa labas ng bintana ng kotse. Naiilang na ako. Kung alam ko lang na manyak 'to ay sa likod na lang sana ako umupo with Mom. Huminto ang car. Dali-dali akong bumaba. Iginala ko ang paningin ko. Marahil ito na ang bago naming mansyon. Sabi ko sa isip ko. Two Storey House iyon. Bumaba ng car si Mom at tumulong na rin ang driver sa pagbaba ng mga gamit namin. "Thank you, Mr.," ani Mom sa driver. Tumango ang driver at tumalikod na ito. Bumukas ang gate at lumabas ang isang may katandaan ng lalaki. Nasa edad sixty siguro siya. "Good morning ho, Ma'am. Ako na ho niyan, Ma'am Sylvia. Ahm, Ma'am - - hehe ano po ang pangalan niyo, Ma'am?" Napakamot ito ng kanyang ulo nang hindi niya malaman ang pangalan ko. "Scarlett ho," matabang kong sagot. "Ahm, Ma'am Scarlett, paiwan na lang po riyan at ako na ang magpapasok niyan sa loob." "Siya si Hector, Hija. Ang hardinero natin. Siya din ang magiging driver natin. Tiningnan ko si Mang Hector at bahagya akong ngumiti sabay talikod. "Okey, Mom. Let's go inside." Nauna na akong naglakad papasok sa bahay dahil mainit na sa labas. "Good morning, Ma'am!" Halos sabay na bati ng dalawang babae na nasa edad na Fifty. Sabay rin yumuko ang dalawa tanda ng pagbibigay galang. Iginala ko ang paningin sa paligid ng bahay. May malaking picture si Mom na nakadikit sa itaas ng hagdanan papunta sa second floor. Mga naglalakihang chandeliers na mas lalong nagpaganda sa buong kabahayan. "Just wow! Hindi ko akalain na tototohanin ng Dad mo ang sinabi niya sa akin. Pinagawan niya pa talaga ako ng charcoal painting!" kinikilig na sabi ni Mom. Halos magtatalon na ito sa tuwa at nilapitan pa niya ang painting kung saan ito nakadikit. "Naghanda na po kami ng makakain niyo. Tara na po sa kusina baka nagugutom na po kayo," anang ng maid. Nauna na ang dalawang kasambahay namin patungo sa kusina. Inilapag ko ang shoulder bag ko sa sofa. Sumunod ako kay Mom na patungo na rin ngayon sa kusina. Maging sa kusina ay napaka-elegante ng mga gamit. Meron din malaking chandelier sa gitna ng dining table. Umupo ako. Magkaharap kaming dalawa ni Mom. Maraming inihandang pagkain ang aming mga kasambahay. Nakita kong nakatitig ang mga ito sa akin. "Yes? May dumi ba ako sa mukha?" deretsahang tanong ko sa mga ito bago ako sumubo ng pagkain. "W-wala ho, ma'am. A-ang ganda niyo po kasi." "Hmm.. What's your name again?" tanong ko. "Aurelia ho, Ma'am. Siya naman po si Loleng." Sabay turo sa katabing babae. "Okay, okay." Tumango ako rito at sumubo ng pagkain. Ninamnam ko at nalasahan kong masarap iyon. Natigilan ako sandali. "Bakit ho, Ma'am? Hindi po ba masarap?" tanong ni Manang Loleng na nakalukot pa ang kilay at mukhang malungkot. "Taste good! No worries, Yaya," sabi ko at tumango-tango pa ako. Pagkatapos namin kumain ay bumalik ako sa sala. Nilingon ko ang maid. "Where's my room, Yaya?" Dinampot ko ang shoulder bag ko. Gusto ko rin muna magpahinga. "Halika po, Ma'am. Ihahatid ko po kayo sa kuwarto niyo." Nauna na itong umakyat sa hagdanan at sumunod naman ako rito. Binuksan ni Yaya ang kuwarto ko. Nakatayo siya sa pinto. Pagpasok ko ay nagpaalam na rin ito. Isinara ko ang pinto at inilapag ko ang shoulder bag ko sa kama. Kinuha ko ang luggage at inilabas doon ang mga gamit ko. Inayos ko muna iyon, tsaka ako nagbihis. Bumaba akong muli. Nakita kong may kausap si Mom. Lumingon siya at nakita niya akong palapit sa kanya. "It's your dad. C'mon, Hija." tawag ni Mom sa 'kin. "Mom!? I don't want to talk to dad anymore. What for?!" inis na sabi ko kay Mom. Padabog akong umupo sa sofa. Nakanguso at salubong ang mga kilay. "Anak, ang gusto ko lang naman ay kausapin mo ng maayos ang Daddy mo. Hindi naman niya tayo pinapabayaan kahit na may ibang pamilya na siya," mahinahong sabi ni Mom. Kunwari ay wala akong naririnig. Binuksan ko ang TV. Hawak ko ang remote at nakailang beses na ako sa kakalipat ng channel. Sinasadya ko iyon upang hindi ko marinig ang sinasabi ni Mom. Napansin naman ito ni Mom kaya tumalikod na lang ito at tinungo ang kuwarto nito. "Yaya! Ipagtimpla mo nga ako ng juice." malakas na sigaw ko. Luminga-linga pa ako sa paligid nang wala pa ring lumalapit sa akin. Tatayo na sana ako ng makita kong papalapit na ang tumatakbong maid. Nakasimangot pa rin ako. "Y-yes ma'am? Ano ho 'yon?" mahinang tanong ng maid. Halatang kinakabahan ito. Nakakuyom ang dalawang palad nito na nakapatong sa tiyan. "I want juice, Manang Loleng. That's all." sabi ko at bumalik na ako sa panonood ng TV. "Okay, Ma'am." Dahan-dahang tumalikod ang maid at dumeretso agad patungo sa kusina. Kumuha si Manang Loleng ng baso. Pabalik-balik ito at hindi malaman kung ano ang unang dadamputin. Kasalukuyan itong nagtitimpla ng juice ng pumasok sa kusina ang labandera na si Manang Aurelia. "Bakit nagmamadali ka yata? Kulang na lang ay mag supersayan ka riyan." Nagtatakang tanong ni Manang Aurelia. "Eh kasi naman, mukhang maldita 'yung Ma'am Scarlett na 'yun," Pabulong na sabi ni Manang Loleng na siya namang pagpasok ni Mom sa kusina. Biglang nahinto ang usapan ng dalawa nang biglang makita si Mommy. Nagkatinginan ang dalawang kasambahay. "G-gusto niyo rin po ba na ipagtimpla ko kayo ng juice, ma'am Sylvia?" ani Manang Loleng na hawak pa ang isang basong juice na nakapatong sa platito. "Hindi na. Busog pa naman ako Manang," sabi ni Mom. "Sige ho, ma'am," tugon ni Manang Loleng. Humakbang na ito papunta sa kinaroroonan ko. Sumunod naman si Mommy kay Manang Loleng. Umupo si Mom sa sofa na nasa harapan ko. "Pupunta ako sa Hypermarket mag-grocery ako. Sasama ka ba, hija?" Tumingin siya sa akin. "Okay, I'm gonna go with you. Bilibili rin naman ako ng lotion at powder." Ipinatong ko muli sa platito ang hawak na baso. At saka bumalik sa panonood ng TV.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook