KABANATA 50 "HONEYMOON 3"

1370 Words

DAHIL ramdam na ramdam niya ang pagod, hindi tumanggi si Portia nang pangkuin siya ng kaniyang asawa.  "S-Saan mo ako dadalhin?" ang hinihingal pa niyang tanong saka inihilig ang kaniyang ulo sa balikat nito. "Magpahinga ka muna, alam kong pagod ka," ang sa halip ay isinagot nito. Tumango lang siya saka hindi na nagsalita pa. Pero ang kaisipan na inaakyat ni Vincent ang malaki at magandang hagdan ng beach house nang wala kahit isang saplot sa katawan, isama pa ang katotohanan na maging siya ay parang bagong silang na sanggol din, hindi napigilan ni Portia ang matawa ng mahina. "Hey," ang narinig niyang naging reaksyon ni Vincent bago nito itinulak pabukas ang pintuan ng isang silid.  Umiling siya saka hinagod ng humahangang tingin ang mukha ng kaniyang gwapong kabiyak. "Gusto ko pa eh

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD