"NO! Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit kailangan mo pang hanapin ang anak mo sa babaeng kamuntik nang sumira sa pamilya natin!" iyon ang galit na galit na sigaw ni Margie sa asawa nitong si Henry na nang mga sandaling iyon ay inaabala ang sarili sa maraming trabahong iniuwi nito galing ng opisina. Agad na nagbuntong hininga si Zaida saka ipinagpatuloy ang pagbuklat sa hawak niyang magazine. Ipinatawag sila ng kaniyang ama matapos ang hapunan para kausapin. Nasa library sila noon kung saan nakalatag narin ang maraming paper works na nakatakdang tapusin ng kaniyang ama. "Bakit naman hindi? Anak ko siya at kung hindi lang dahil sa pagiging sarado ng utak mo di sana ay kasama siyang lumaki ni Zaida?" ang malamig na isinagot ng Papa niya sa kaniyang Mama. "Kulang pa ba si Zaida sa iyo?