"MAGANDA siguro kung magkakaroon tayo ng business kainan nalang, eatery kasi masarap lang magluto," si Portia nang kumakain na sila ng binata. Maganda ang ngiting pumunit sa mga labi ni Vincent dahil sa sinabi niyang iyon. "Iyon ba ang gusto mo?" tanong nito sa kanya. Tumango siya. "Iyon kasi ang pangarap na business ng nanay ko noon. O kaya bigasan, gusto ko rin iyon kasi malaki ang kita sa pagtitinda ng bigas," sagot niya saka hindi napigilan ang sarili nang kusang nahaluan ng excitemeng ang kaniyang tono. "Gusto ko ang trabaho ko, pero kung magkakaroon ako ng chance na mag-business okay lang sa akin na iyon ang i-manage ko sa halip kasi iba parin talaga kapag nag-start ka ng negosyo kahit maliit lang," pagpapatuloy niya saka tiningnan si Vincent na noon ay nakatitig lang sa kaniya ha