SA tanong na iyon ay hindi kaagad na nakahuma ang dalaga. "Oh, bakit hindi ka makasagot?" tanong ng tiyahin niya saka ibinaba ang hawak na kutsilyo at tinitigan siya. "ano bang nangyayari sa iyo? Sabihin mo sa akin ang totoo, naibigay mo na ba sa lalaking iyan ang p********e mo kaya ganiyan nalang kadali ang naging desisyon mong tanggapin ang alok niyang kasal sa iyo?" Mabilis na naramdaman ni Portia ang panlalamig ng kanyang mga palad dahil sa tanong na iyon sa kaniya ng kaniyang Tita Cecil. Kailangan ba talaga niyang sagutin ang tanong nito? Kahit kung tutuusin hindi naman ang bagay na iyon ang dahilan kaya siya pumayag na magpakasal kay Vincent? Although kasama rin iyon pero hindi iyon ang buong dahilan. At ang tungkol naman kay Alvin ay nawala na rin ng tuluyan sa listahan. "H-Hin