"PERO hindi ko pa nasasabi sa'yo," aniya nang palabas na sila ni Tracy ng kainan. Noon siya nilingon ng kaibigan niya, nagtatanong ang mga mata nito habang bakas parin sa napakaganda nitong mukha ang kalituhan. "Yes?" Noon siya humugot at nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga bago nagbuka ng bibig para magsalita. "Actually inalok ako ni Vincent ng kasal," ang walang gatol niyang sabi. Nahinto ang mga hakbang ni Tracy sa sinabi niyang iyon saka ito matamang tumitig sa kaniya. "Ibang klase, hindi ako makapaniwala sa lahat ng sinasabi mo," anitong umiling-iling bago nagpatuloy sa paglalakad. "Hindi pa naman final iyon, pinag-iisipan ko pa," paliwanag niya. "Don't tell me si Alvin na naman ang dahilan?" papasok na sila noon ng bangko na kanilang pinagtatrabauhan. Alanganin