HINDI man nagpang-abot ang ama at asawa niya dahil gabi na nang matapos ang meeting ni Vincent at gabi narin nang masundo siya nito ay walang anuman iyon sa kaniya. Ngayon okay na ang lahat alam niyang marami pang pagkakataon para makilala ni Henry ang kaniyang asawa. "May kapatid ako, babae din siya," ang masaya niyang kwento sa asawa niya. Kalalabas lang niya noon ng banyo habang si Vincent ay nakahiga na at halatang hinihintay nalang siya. May hawak itong baso na may lamang alak. Alam niya kung para saan iyon, pampatulog. Maganda ang bukas ng mukha nito pinakinggan lang siya habang nakatitig sa kaniyang mukha."Ano na nga ulit ang pangalan ng Tatay mo?" tanong sa kaniya ni Vincent kapagkuwan. "Ledesma, Henry Ledesma," aniyang dinaluhan narin ang asawa niya sa pagkakahiga nito. *