KABANATA 52 "HONEYMOON 5"

1544 Words

MULA sa bintana ng silid ay noon nakita ni Portia na gabi na pala dahil madilim na sa labas. Agad siyang napabalikwas ng bangon pero agad rin siyang natigilan nang mapagtantong wala nga pala siyang kahit anong saplot sa katawan. Nasa ganoong ayos siya nang biglang bumukas ang ilaw ng silid kaya kaagad siyang napatili. "Ano ba! Bastos ka!" aniyang mabilis na hinila ang kumot saka tinakpan ang kaniyang kahubaran. Agad na nag-echo sa kabuuan ng silid ang malakas na tawa ng kaniyang asawa na si Vincent. "Bakit ka ba nahihiya eh kung tutuusin nakita ko na lahat iyan," anitong nagsimulang humakbang palapit sa kaniya. "at hindi lang iyon," anitong bakas ang amusement sa mukha na hinaklit ang kaniyang baywang. "nahalikan ko pa," pagpapatuloy ng kaniyang asawa sa pabulong at nanunuksong tono. "A

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD