HIYANG-HIYA niyang sinenyasan si Henry. Tinawag niya ito at iyon ang dahilan kaya nagmamadali ang mga hakbang itong tumakbo papalapit sa kaniya habang humihingi ng pasensya sa naabala nitong mga motorista. "Hindi ka talaga marunong mahiya! Hindi mo na ako binigyan ng kahihiyan! Impakto ka!" aniyang galit na galit na hinampas ng libro ang lalaki sa braso nito. "Bakit kasi ayaw mo akong pansinin?" ang tumatawa nitong tanong-sagot sa kaniya at halatang hindi ininda ang ginawa niya. Hindi rin nito alintana ang mga pares ng mga mata na nanonood sa kanila habang siya nang mga sandaling iyon ay kung pwede lang na magtago ginawa na sana niya. "Saan mo ba gustong kumain? May alam akong restaurant, malapit lang dito," ang binata na malalaki ang mga hakbang habang sinasasbayan ang mabilis niyan