KABANATA 18 "NOON AND NIGHT 1"

1070 Words

"BAKIT ang aga mo naman yatang nagising ngayon eh Sabado naman at wala kang pasok sa trabaho?" ang takang tanong sa kaniya ni Tita Cecil nang magisingan siya nito kinabukasan na nagsasangag ng kanin. Nginitian muna niya ang kaniyang tiyahin bago niya sinagot ang tanong nito. "Magpapaalam po sana ako sa inyo, aalis ulit ako mamaya susunduin ako ni Vincent," pagsasabi niya ng totoo saka sinimulang ipagtimpla ng kape si Tita Cecil. Titig na titig ito sa kaniya nang ilapag niya sa harapan nito ang mainit na kape na tinimpla niya. "Nanliligaw ba sa iyo ang binata iyon?" tanong nito. Inasahan na ni Portia ang tanong na iyon mula sa tiyahin niya kaya naman mabilis na ang naging pagsagot niya, dahil nga hindi na siya nasorpresa.  "Naku hindi po, magkaibigan lang po kami. Mabait naman kasi siya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD