[MBI-THIRTEEN] HAILEY'S POV PINAHIRAN ko agad ang mga luha ko sa pisngi. Buwesit! Mautak ka talaga Kyran! Pinaghahampas ko 'yong manibela. Bakit 'di ko man lang nalaman agad, eh 'di sana'y napigilan ko 'yong kasal. Dapat ako 'yon eh! "Ugh!" Iyak ako nang iyak sa loob ng sasakyan ko. Mahal na mahal ko siya pero bakit ba ayaw ng tadhana na maging kami. Ilang taon akong naghintay sa kanya noon pero inagaw lang siya ng pesti kong pinsang si Emily! Gumawa pa ako ng paraan para mapaghiwalay sila. Siniraan ko si Kyran sa pinsan ko kaya dinibdib 'yon ni Emily. Hindi ko din naman sinasadyang mamatay siya sa panganganak kay Ashley. Aksidente 'yon pero aminado ako na nawalan ako ng malaking tinik sa buhay ko. Ilang buwan din akong naghintay ulit pero mababalewala lang iyon ulit dahil sa babaeng