unang Kabanata!!!
si minah ay 27 years old na anak ng mag asawang si
leonila at pancho na kilala sa larangan ng
pagnenegosyo . Isa sila sa may ari ng mga resort sa
ibat ibang sulok ng Pilipinas at dahil nadin sa
nagiisang anak lamang ito ay sakanya ipapamana ang
mga lupain ng kung kaya maaga syang tinuruan kung
paano ito ihahandle ng tama . Subra ang hanga ng
mga tao kay minah maging noong nagaaral pa lamang
ito dahil maganda ,mabait ,matalino at mayaman pa
ito kung meron isang salita na na ilalarawan si minah
yun ay salitang perpekto , dahil sa angkin nitong ugali
at kagandahan madami ang nagtangkang ligawan ito
ngunit isa lamang ang pumasa sa kanyang puso yun
ay si Josh , isa din tanyag ang magulang nito sa pag
nenegosyo si Josh ay may dalawa pang kapatid ngunit
ito na ang pinakabunso at ang kanyang 2 kapatid na
lalaki ay namamahala nadin ng kompanya sapagkat
may katandaan na ang kanilang Ama at maagang
namayapa ang kanyang ina si josh ang namamahala
ng negosyo nila dito sa pilipinas samantalang ang
kanyang kapatid na si Jay ay sa America namahala
samantalang si john naman ay sa singapore bihira
lang silang magsama sama kung kayat minamadali na
sya nitong mag asawa lalo na ang kanyang ama upang
magkaroon na daw ng kasama sa buhay at maging
makulay ang buhay nito pag nagkaroon ng mga anak
Josh POV.
nakakainis palagi nalang ako inaasar nila daddy
tungkol Dyan sa pag aasawa na yan . Mahal ko kailan
ka ba mag Yes sa proposal ko? tanong ko kay minah
habang kumakain kami at hawak ko ang kamay nito sa
isang restaurant na pag mamay ari namin. Kapag
hindi kana napipilitan at kapag hindi ka pressured lang
ngising sabi ni minah sakin .. napasandal lang ako sa
kinauupuan ko . 3 times na ako nag propoposed kay
minah ngunit hindi padin ang sagot nya, 7 years na
kaming magkasintahan at hindi ko alam kung ano pa
ang gusto nya ? hinila nito ang upuan ng dahan dahan
biglang tumabi sakin si minah Josh kilala mo naman
ako mahal kita at gusto kapag papakasalan kita ay
bukal sa loob ko at hindi napipilitan alam mo naman
yun diba ? seryosong sabi sakin ni minah , iba ang
reaksyon ni minah ng mga oras na yun , yun ang
unang beses na makita kong ganoon sya ka seryoso.
sinandal nya ang ulo nya sa balikat ko at yakap ang
braso ko.
Mahal may problema ba ? takang tanong ko habang
hawak ko ang kamay nya , kung dahil ito sa proposal
at nakukulitan kana sakin , hindi ko na uulitin wag
kana magalit , Hindi Mahal wag ka mag alala hindi ako
galit at hindi ako nakukulitan sayo . Humarap ako kay
minah at hinawakan ang muka nito , ayaw namin na
pinagtitinginan kami ng mga tao pero nung mga oras
na yun wala kami pakialam sa mga taong nakapalibot
samin . mahal kung may problema ka sabihin mo
sakin , Huwag ka mahiyang magsabi ha ? baka
makatulong ako at hinalikan ko ito sa labi upang
ipaalam sakanya na may karamay sya kung ano man
ang pinagdadaanan nya , napaluha ito at agad ko
namang pinunasan ng mga kamay ko at yumakap sya
sakin , niyakap ko din sya at hinimas ang kanyang
likuran at sinsabing ok lang mahal sabihin mo nalang
sakin pag ready kana ha ? anytime pwede mo sa akin
sabihin , malalagpasan mo yan kaya mo yan andito
lang ako mahal ko sabay halik ko sa ulo nito . alam
kung may pinagdaraan ito ngayon ngunit kilala ko sya
ayaw nyang pinipilit sya pasasaan pa at sasabihin nya
din sa akin ang kanyang problema
MINAH POV
mahal nakauwi na ako , chat ko kay josh alam kung
nag aalala sya sa akin , naupo ako sa sofa na
nakaharap sa labas, nasa condo ako nun at tanaw ko
ang ganda ng paligid. palibahasa ay nasa pinakataas
ako ng building na pag mamay ari namin .
ito ang request ko kila mommy at daddy kahit na
nalulungkot sila sa bahay dahil ako lang ang nagiisa
nilang anak ay malayo pa sa kanila gusto ko kasi
maging independent at halos lahat ng negosyo namin
ay nandito sa manila samantalang nasa Batangas
naman sila.
Habang nakaupo ako sa sofa hindi ko namalayang
tumulo ang luha ko , iniisip ko baka isang araw ay mag
sawa na ka propoposed si Josh sakin . Ngunit may
kailangan pa akong gawin , habang hinihimas ni Josh
ang likod ko nag sosorry ako sakanya sa isipan ko at
masaya ako dahil napaka swerte ko sa taong napili ko
sana lang at hindi sya magsawa na intindihin ako.