Nagluksa ang lahat ng mabalitaan ang nangyari sa hari. Si Snow White ay nasa kanyang silid at hindi makapaniwalang wala na ang kanyang amang hari. Wala siyang pinapansin o pinapapasok sa kanyang silid. Lumabas lang si Snow ng ihahatid na sa huling hantungan nito ang hari. Hindi mapatda ang kanyang mga luha. Walang pagsidlan ang lungkot na kanyang nararamdaman. Naging tahimik ang buong kaharian, ramdam ang lungkot na bumalot sa buong kapaligran. Ngunit sa kalungkutang kinasasadlakan ay may isang nagdidiwang. Hawak ang kupita ng alak nakatanaw si Grimhilda sa labas ng bintanang kanyang kinalalagyan may munting ngiti sa kanyang mga labi at nag-iisip kung paano nyang ididispatsa si Snow White. Marahan siyang umiinom ng alam ng may kumatok sa kanyang pintuan. Matapos ag tatlong katok