SNOW WHITE: Chapter One

1126 Words
Excited na tumatakbo ang limang taong gulang na si Snow White sa bungad ng kastilo upang salubungin ang kanyang amang hari. Makikita na nya ang ipinangako sa kanyang ng kanyang amang hari. Kinausap siya ng hari bago ito naglakbay upang maghanap ng makakatuwang at magiging bago nyang ina. Nakikita kasi ng mahal na hari ang kagustuhan ni Snow White na magkaroon ng ina at iyon ang ipinangako nya sa anak. Nasa kanyang pag-uwi ay kasama na nya ang kanyang magiging bagong reyna at magiging ina ni Snow White. Nasa bungad na ang lahat ng kawaksi at kabalyero upang salubungin ang hari at nang bagong magiging reyna. Nakangiti ang munting si Snow White nang matanaw ang karwaheng sasakyan ng kanyang amang hari. At hindi napigilan ng munting Snow White na sugurin ng yakap at halik ang kanyang amang hari ng ito ay bumaba sa karwaheng kahihinto lang di kalayuan sa kanyang kinaroroonan, lumuhod at nakangiting nakalahad ang mga kamay na nanghihitay sa pagsugod ng anak. Malakad na tawa ang maririnig mula sa mahal na hari habang mahigpit itong yakap ng kanyang munting prinsesa at pinupupog ng halik ang kanyang mukha. Maririnig din ang mahinang pagtawa ng mga kawaksi at kabalyero sa kanilang nasisilayang kasiyahan ng munti nilang prinsesa. "Snow, anak gusto kong ipakilala sa iyo ang magiging bagong ina at magiging reyna ng ating kaharian." Maingat na ibinaba ng hari si Snow White at lumapit sa karwahe at inilahad ang kamay upang anutin ang kamay ng kung sino mang nakasakay doon. "Grimhilde mahal maaari ka ng bumaba upang maipakilala kita kay Snow White." Masiglang sambit ng hari. Pigil hininga ang lahat habang hinihintay ang pagbaba ng bago nilang reyna. Humawak ang mahinhing kamay sa malaking kamay ng hari mula sa karwahe at parang bumagal ang oras ng unti unting humakbang palabas ng karwahe si Grimhilda. May mga napasinghap, ang iba ay nanlaki ang mga mata at napatitig sa walang katulad na ganda na sumalubong sa kanila. "Napakaganda!" "Para siyang dyosa!" "Anghel na bumaba sa langit!" Ilan lang yan sa mga maririnig mong bulong ng mga sumalubong na mga kawaksi at kabalyero na nakakita sa gandang taglay ni Grimhilda. Kahit ang munting si Snow White ay hinangaan ang taglay na ganda ni Grimhilda. "Sya na ba ang iyong anak mahal ko?" Mabining tanong ni Grimhilda. "Oo mahal ko!" "Napakagandang bata!" Nakangiting sambit ni Grimhilda bago ito tumalungko sa harap ni Snow White upang magpantay silang dalawa. "S-Salamat po! Ito po pala para sa inyo..." Medyo nahihiyang sagot ni Snow White na ikinapula pisngi nito dahil sa mala-porselanang kutis nito bago ito iniabot ang isang pulang rosas na kasing pula naman ng kanyang mga labi. Ikinatawa ni Grimhilda ang pagiging mahiyain ni Snow at marahang hinaplos ang mahaba, makinta at itim na itim na buhok ng munting si Snow. Gandang-ganda si Grimhilda sa munting si Snow at sa tingin nya ay lalaki itong maganda. "Mahal ko napakabait ng iyong anak! Mukhang magkakasundo kami ..." nakangiting sambit ni Grimhilda bago nya inilapit ang pulang rosas sa kanyang ilong upang amuyin ang bulaklak. "Sabi ko naman sa iyon mahal mabait ang aking anak at alam kong magkakasundo kayong dalawa dahil mabait at maganda ka ..." nakangiting sambit din ng hari. "Maaari na ba tayong pumasok at makapagpahinga sa loob, mahal ko?" Mabining tanong ni Grimhilda. "Oo naman mahal ko, tara na sa loob upang makapagpahinga kana." Aya ng hari. "Snow ... mahal kong prinsesa pupunta na kami sa aming kwarto upang makapagpahinga ... kumain ka at magpahinga na rin sa iyong kwarto at huwag maging malikot ha." hinalikan ng Hari si Snow sa pingi nito at inalalayan na si Grimhilda sa paglalakad. "Opo ama!" Masiglang sagot ni Snow bago siya lumapit sa kanyang taga-pag-alaga at hinayaan na ang ama at Grimhilda na pumasok sa loob ng kastillo. ********** After Thirteen Years ... Matamang nakatingin si Grimhilda mula sa bintana ng kanyang silid tanaw ang naglalakad na si Snow White mula sa hardin. Napupuno siya ng galit at inggit sa kanyang dibdib dahil sa ipinapakitang taglay nitong kagandahan. Ibang iba na ito sa batang kanyang inabutan noon. Balingkinitan na ito, mas gumanda ang itim at tuwid nitong buhok na nagpapatingkad sa kutis nitong kasing puti ng nyebe at bumagay ang namimilog nitong mata na parang sa manika na binagayan ng maliit ngunit matangos na ilong at may makipot na mapupulang labi. Bumalatay sa mukha ng Reyna ang galit pakiramdam nya ay nasasapawan na siya ni Snow White. Kaya naman dali daling lumapit si Grimhilda sa malaking salamin na minana pa nya sa kanyang ina. Bumulaga sa kanyang paningin ang mala dyosa paring ganda nya ngunit nakikita nya ang galit at inggit sa mata ng babaeng nasa salamin. "Salamin ... salamin ... sabihin sa akin sino ang pinakamaganda sa lahat?" Tanong ni Grimhilda sa mahiwagang salamin. Ipinakita ng salamit ang kabighabighaning taglay na kagandahan ni Snow White na ikinagalit si Grimhilda. Malakas na ibinato ni Grimhilda ang unang bagay na kanyang nahawakan na lumikha ng ingay at napasigaw sa inis. "Hindi ito maaari ako lang dapat!" Galit na singhal ni Grimhilda at napatingin sa repleksyon nya sa salamin. Mabagal siyang lumapit sa salamin na nanlalaki ang mga mata. "H-Hindi! Hindi maaari ... ang aking ganda ay lumilipas na ... hindi ako makakapayag!" Wala sa sariling nahaplos nya ang kanyang mukha dahil mababanaag na roon ang konting kulubot sa gilid ng kanyang mga mata. Agad na napatayo si Grimhilda at agad na lumabas sa kanyang sikretong silid at dumeretso sa kwarto ng hari. Kailangan nya ng enerhiya at ang hari lang ang nakikita nyang mapagkukunan noon. Pumunta siya sa silid ng hari ngunit wala doon ang pakay nya kaya naman nagplano na siya ng kanyang gagawin. Napangiti ang reyna ng mapatingin sa isang malaking salamin na naroon at napangiti. Hindi pa rin naman nagbabago ang kanyang katawan at sigurado siyang marami pa ring mahuhumaling sa kanyang ganda. Kinalas ni Grimhilda ang butones upang mahubad ang kanyang damit. Matapos ay hinayaan nyang bumagsak sa sahig ang kanyang damit. Napangiti siya ng makita ang repleksyon nya sa salamin hinahod nya ng tingin ang kanyang katawan mula sa kanyang impsenteng mukha, sa namimintog nyang dibdib na halos gusto ng kumawala sa kanyang suot na cursette at sa triangulo sa kanyang gitna na kinababaliwan bg lahat ng lalaki sa buhay nya. "Snow patutunayan kong ako pa rin ang pinamaganda sa lahat ..." may kislap ng katusuhang makikita sa mata ng reyna. Mabini siyang lumakad palapit sa makaling kama at humiga doon. Hinayaan nya sa sahig ang kanyang saplot at iniayos naman nya ang kanyang kahali halinang matawan sa ibabaw ng kama. Nang masiguro at makontento sa kanyang ayos ay ipinikot na nya ang kanyang mga mata. At sisiguraduhin nyang babaliwin nyang muli ang hari sa taglay nyang ganda.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD