JULIA “Ms. Batangas.” narinig naming sabi nung isang gwapong judge kaya natahimik yung lahat. Ito kasi yung inaabangan talaga sa mga ganitong contest. Yung Q and A. Eto yung parang c****x nitong pageant na ‘to. Dito din kasi nakasalalay kung alam natin kung kakayaning makipagsabayan nung isasabak natin na Ms. Universe dun sa mga taga ibang bansa diba? At isa pa, eto yung pinakalaging nagtetrend sa social media. Kung sino yung pinakamagaling sumagot, kung sino yung so-so lang, at kung sino yung uhm, alam n’yo na. Alam n’yo naman ang mga Pinoy, ang peperfect nyan. Konting mali mo lang sa grammar, tatawanan ka na. Sasabihan ka na agad na bobo, at mga ilang minuto mo pa lang nasasabi yung maling sagot or grammar mo (well, para sa kanila), may memes ka na agad. Kaya nga toxic na talaga ngayo