Panay ang buntong hininga ni Avery habang nasa harapan na siya ng bahay nila pero hindi niya magawang pumasok sa loob. May ginawa kasi siyang kasalanan sa school at kailangan niyang mag dala ng parents sa school bukas kaso hindi niya alam kung paano niya sasabihin sa parents niya na may classmate siyang sinaksak ng ballpen sa kamay. Kinukulit kasi siya nito at laging kinakalabit, minsan naman hihipan ang tenga niya.
Alam naman niya na mali ang ginawa niya pero kasi na inis na siya kaya during class hindi na siya nakapag timpi gamit ang ballpen na ginagamit kinuha niya ang kamay na pinang susundot nito at walang sabi-sabi na sinaksak ito sa kamay na kahit siya nagulat din sa bilis ng reflex niya at buong akala niya makakailag Richie pero hindi na nito nabawi ang kamay.
Hindi niya alam kung paano sasasabihin sa parents niya, lalo pa at wala ang mama niya dahil kasama ito ng Ate Alodia niya sa ibang bansa dahil nag the-theraphy ang mga ito. Ang papa naman niya ay busy sa company, ayaw naman niyang sabihin sa lolo at lola niya baka atakihin sa puso pag nalaman ang ginawa niya. Lalo pa at napaaway ang mga lola niya ang lola Lux at Lola Dana niya sa isa matanda din na siya ngayon laman ng news.
Inisip naman niya kung ang Ate Abby na lang kaya niya ang papuntahin niya since doctor naman ito, kaso na isiisip naman niya baka kurutin lang siya nito tas isumbong pa siya. Napalingon pa si Avery ng marinig na bumukas ang malaking gate nila at pumasok ang isang itim na ferrari at gray na lamborghini, napaatras naman si Avery ng huminto iyon sa harapan niya sakay bumukas ang pinto niyon at lumabas sa unang sasakyan ang Kuya Dean niya na ikinalawak ng ngiti niya at Kuya Dale niya kasunod galing sa kabilang sasakyan. Solve na ang problema niya may mapapaki-usapan na siyang pumunta sa school.
"Kuya, you are back... I miss you." sigaw pa ni Avery na mabilis na yumakap sa bewang ng kapatid. Nagkatinginan naman si Dale at Dean.
"Why do I have this feeling na may kailangan ka?" tanong ni Dean.
"Na miss ko lang kayo, Kuya Dale." takbo pa ni Avery sa kakambal ng Kuya niya na yumakap din dito.
"Hanggang kelan kayo dito? Aalis din ba agad kayo? Kelan?" tanong pa ni Avery na napalingon pa ng muling bumukas ang isang pinto ng lambo at bumaba ang isa pang lalaki na ikinagulat pa ni Avery.
Ivan..
"Sadako." napangiwi naman bigla si Avery ng marinig nanaman ang endearment nito, na ayaw na nitong baguhin dahil natatakot daw ito sa kanya.
"Bakit ganyan ang mukha mo parang hindi mo ako na miss, may pasalubong pa naman ako sa'yo." bigla lumawak ang ngiti ni Avery na bumitaw sa pag kakayakap sa kuya Dale niya at nilapitan si Ivan na may bibit na malaking paper bag na inabot sa kanya.
"Wow dami, Kuya Ivan." bulalas ni Avery ng makita ang maraming chocolate.
"Wow huh! Kuya na... hindi na Ogre!" biro ni Ivan, malawak naman ang ngiti ni Avery na umiling.
"Mas guwapo ka pa kila Kuya, sila ang mukhang Ogre." wika ni Avery na kumuha ng isang sneakers.
"Walang iyakan kapag sumakit ang ngipin mo huh!" ani Dale.
"Hello, wala na akong sirang teeth oh!" ngumanga pa si Avery para ipakita sa mga kuya niya na malinis na ang bibig niya.
"Basta walang iyakan." wika naman ni Dean na dumertso na ng pasok sa loob ng bahay nila na agad na sinundan ng Kuya Dale niya.
"Tara na sa loob, wag mong maya't-mayain ng kain, sasakit talaga ang ngipin mo pag sobra." wika ni Ivan.
"Dentist ka diba Kuya Ivan," tanong ni Avery ng papasokl na din sila sa loob.
"Puwede bang ikaw na lang ang dentist ko?"
"Puwede naman pero sa ngayon hindi pa nag-aaral pa lang kasi ako at ilang years pa bago ako maging lisensyado." napatango naman si Avery.
"Edi pag dentist ka na lang pala,"
"Anong year mo na nga pala?"
"1st year high school. Hala!" biglang natuptop ni Avery ang bibig sabay na pangiwi na medyo na papadyak pa. Nilait niya ang mga kuya niya dahil walang pasalubong ang mga ito sa kanya. May kailangan nga pala siya sa mga ito dahil sa school niya.
"Bakit? May problema ba?" tanong naman ni Ivan na bigla siyang hinawakan sa pisngi at bahagyang itinaas ang mukha niya. Pakiramdam ni Avery biglang huminto nanaman ang mundo niya at nag kulay pink nanaman ang paligid habang nakatingin kay Ivan na hawak siya sa pisngi na inalis ang kamay niya sa bibig niya tapos may yumuko pa ito at ewan ba niya bigla siyang unti-unting pumikit.
"Open your eyes Avery," malakas na wika ni Ivan na bigla nga niyang idinilat na parang nagulat pa.
"Never ever close your eyes again pagkaharap mo ako, unless I said so okay.' Bilin pa nito na wala sa loob na ikinatango niya kahit hindi niya naintindihan masyado ang sinabi nito.
"Now open your mouth?" hinawakan pa ni Ivan ang baba niya para maibuka niya ng ayos ang bibig.
"Now tell me? What wrong bakit bigla kang ____."
"It's not my teeth actually.' wika ni Avery na biglang lumayo kay Ivan ng maalala ang problema niya.
"Then what is it?" napakagat labi naman si Avery.
"Spill it out." ani Ivan na humalukipkip naman na napalingon pa saglit ng sumigaw ang Kuya Dale niya na nasa 2nd floor na at nakalawit na ang ulo sa taas habang nakatingin sa kanila.
"Saglit lang susunod na ako."
"Wag mo ng intindihin ang bansot na yan, uutuin ka lang niyan." sigaw pa ng kapatid na ikinasimangot ni Avery.
"Kapag hindi mo pa sinabi, hindi na kita ulit papasalubungan pag-uwi namin."
"Busy ka ba bukas?"
"Bakit? Yayain mo ako ng date?" biro naman ni Ivan.
"Hindi naman s'yempre." nahihiya pang tanggi ni Avery.
"Pinaliligoy mo pa kasi bakit nga?"
"Pinatatawag kasi ni Teacher ang parents ko."
"hala ka! Anong ginawa mo?" kunwari nanakot pang wika ni Ivan na kasama pa ang index finger na mabilis na gumagalaw.
"Hindi ko naman kasi kasalanan, kinukulit kasi niya ako. Ayaw niya akong tigilan kaya ayun nabigla ako."
"Sinampal mo." dugtong ni Ivan na ikina iling naman ni Avery.
"Sinabunutan mo?" umiling naman ulit si Avery.
"Babae ba o lalaki?"
"Lalaki."
"Ahhh! So sinuntok mo." wika pa ni Ivan na umiling ulit si Avery na ikinakunot naman ng noo ni Ivan.
"Anong possibleng ginawa mo para ipatawag ka ng teacher."
"Sinaksak ko kasi siya ng ballpen."napayukong sagot ni Avery.
"Saan?" gulat naman na bulalas ni Ivan na sinaway naman ni Avery na wag maingay.
"Sa kamay lang naman kuya, hindi naman siya mamatay e." awang ang bibig ni Ivan sa sinabi pa ni Avery.
"Kahit ano pang dahilan mo mali ang ginawa mo Avery at may chance na ma expel ka sa ginawa mo alam mo ba yun."
"Expel, binabastos na niya ako kaya nagalit na ako, bakit ako pa ang ma e-expel?"
"Sana sinumbong mo na lang sa teacher mo." ani Ivan, napayuko naman si Avery.
"Hindi ako ang puwedeng pumunta dun, family matters ito. Kailangan mong sabihin sa mga kuya mo or sa lolo mo."
"Magagalit sila sa akin."
"Natural anong gusto mo, matuwa sila sa ginawa mo. Nanakit ka ng classmate mo at hindi simpleng pananakit. Sinaksak mo! Ma iintindihan ko pa kung sununtok mo e. Kaso sinaksak mo hindi normal na gawin iyon kahit ano pang galit mo."
"Tulungan mo na ako sige na!"
"Hindi! Hindi kita kaano-ano kaya bakit kita tutulungan." ani Ivan na tumalikod na napalabi naman si Avery na tumalikod na lang din.
"Saan ka pupunta?" inis na tanong ni Ivan.
"Sa mga Tita Dany ko, sa kanya na lang ako hihingi ng tulong." ani Avery na basta na lang binitawan ang paper bag ng mga chocolate.
"Sh*t!" mahinang bulong ni Ivan saka mabilis na sumunod kay Avery at inabot muli ang paper bag sa dalagita.
"Sige na pupunta na ako bukas, umakyat ka na sa taas mag bihis ka na." napipilitan na wika ni Ivan tuwang-tuwa naman na yumakap si Avery kay Ivan.
"The best ka talaga kuya. Love you." masayang wika ni Avery na mabilis na pakanta-kanta pang tumakbo na palayo. Napangiti nman si Ivan na napasunod ng tingin sa dalagita.
"Bagong linis ba ang teeth mo, kumukuti-kutitap parang mata mo." wika ni Doel na biglang sumulpot sa harapan niya.
"Ang liwanag naman yata ng kapatid ko para masilaw ang mata mo at kumutitap." wika pa ni Doel.
"Ano bang pinag sasabi mo d'yan, ang laki ng painting ni Lola Dana at Lolo Dylan, nakaka amaze tingnan ang ganda talaga ni Lola ng kabataan nya." wika pa ni Ivan sabay alis at umakyat na ng hagdan.
"Hindi pa ni reregla si Avery, umayos kang aswang ka!"
"Gago ka! Bunganga mo." mariin na wika ni Ivan pero itinapat lang ni doel ang dalawang daliri sa mata bago itinuro kay Ivan na natatawa.