Nakangiti sa akin ang mama ni Jaxx. Ako naman ay parang ewan dito na hindi malaman ang gagawin. Kay Jaxx tuloy ako napapatingin. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanilang dalawa kaya kung ano na lang ang pumasok sa isip ko ay iyon ang sinabi ko. Nakakahiya lang dahil ang walag kuwentang palusot na iyon pa ang nasabi ko. Napakamot na lang tuloy ako sa ulo dahil sa sinabi ko na iyon. Hindi ko na rin ininda ang sakit ng katawan ko dahil halos wala na rin naman ito. "Hay naku, Irene, kung sinabi mo agad na mahilig ka sa beach, pinagawan ko na sana kayo ng magandang bahay sa may mas maganda pang lokasyon. Nag alala pa tuloy ako sa iyo. Napakarami kong alam na mas magandang beach resort kaysa sa isang ito. Lalo na doon sa isang nabili ko lately. Naku kung makikita niyo lang kung gaano kaganda