Kabanata 22 - Milyones

1491 Words

"O? Sinarado na ni Jaxx ang pintuan, baka gusto mong bitawan ang aking braso?" masungit na sabi ni Mommy. Seryoso akong nakatingin sa kanya pagkaalis ng aking kamay. Akala mo naman madumi ako para ipagtabuyan ang kamay ko. "Magsabi nga po kayo ng totoo, anak ninyo po ba talaga ako?!" diretsong tanong ko sa kanya. Para siyang nagulat sa aking tanong. "Kinuha ninyo lang ata ako para ipakasal sa mayamang tao. Ginamit ninyo lang po ako! Kung hindi ninyo ako kinuha, masaya pa rin po sana ako sa piling ng mga taong nagpapahalaga sa akin at sa mga pangarap ko---" Bigla akong nakaramdam ng malakas na sampal sa aking pisngi. Galit na galit akong tumingin sa kanya. Siya ang sumisira ng kasiyahan ko. "Hindi mo ba alam na para sa iyo rin naman ang ginagawa namin ng dad mo?!" sagot niya sa akin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD