Chapter 17 Hindi pumasok sa clinic si Phoebe nang sumapit na ang kinabukasan. Wala siyang tulog. Lutang na lutang ang isip niya. Ang lalim ng eyebags niya at maga pa ang mga mata niya. Nakarinig siya ng katok mula sa pinto ng kwarto niya kaya kaagad naman niyang pinagbuksan ang kung sino man na naroon. "Manang? Bakit po? Hindi pa po ako gutom. Mamaya na lang po ako kakain," sabi naman kaagad ni Phoebe nang makita niya ang matanda sa harap ng kwarto niya. "Hija, baka kailangan mo munang bumalik sa Bulacan? Magpalamig ka muna ulit kahit isang taon lang. Hindi biro ang ginawa nila sa kotse mo, baka sa susunod hindi lang gano'n ang gawin nila, Hija," suhestiyon sa kanya ng matanda. "Pag-iisipin ko po muna, Manang. Wala naman po akong ginagawang hakbang para bawiin ang kumpanya simula nan