Chapter 19

1497 Words

Chapter 19 Lumipas pang muli ang dalawang mala-impyernong araw. Mukhang dahil walang napala si Raphael kay Phoebe ay pinarusahan sila nito. Lalo silang ginutom at kahit tubig ay hindi sila pinainom sa loob ng nakalipas na araw. Hinang-hina siya at alam niyang gano'n din si Miller. Halos hindi na siya makapagsalita. Maging ang pagdilat ng mga mata para sa kanya ay mahirap. Inisip niya na mas mabuti pa yatang mamatay na lang sa isang iglap, kaysa ganitong inuunti-unti sila. Ubos na ang lakas niya at pakiramdam niya ay mababaliw na siya. Noong nakaraang araw ay binugbog pa ng mga lalaki si Miller dahil sa pagsagot nito nang maangas. Ang dami nang sugat at pasa ni Miller sa mukha at katawan. She wanted everything to end. Napapagod na siya. Nagugutom siya. She have never be this hungry before.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD