Prologue
Masyado akong nabihag sa ganda ng paligid para mapansin ang nagraragasang bagay patungo sa likuran ko. Isang malaki at nagngangalit na toro ang ngayon ay mabilis na tumatakbo patungo sa akin. Nanlalaki ang mata ko sa tila nagbabagang usok na lumalabas sa mga butas ng ilong at mga mata nito. Kasunod nito ang lalaking nakasakay sa itim na kabayo na tila hinahabol ang toro. Hindi ko siya maaaninag dahil medyo malayo pa siya. Isa lang ang natitiyak ko, hubad ang pang-itaas na bahagi nitong katawan.
Humigpit ang pagkakahawak ko sa handle ng maleta ko. Dadaliin ako ng torong iyon bago pa makalapit ang taong iyon, kung sino man siya. Hinanda ko ang katawan, pinatigas ito at ikinalma. Wearing my fitted high-waist skinny jeans, black fitted crew neck t-shirt tucked in my jeans and sneakers, I’ll try my best to get away from this beast. Or maybe to get even, at least. My hair is in a half ponytail, walang sagabal na mga hibla ng buhok sa harapan ng mukha ko.
Mabilis kong hinubad ang leather jacket kong suot, hinugot ang folding knife sa bulsa nito at inihagis sa malayo. Isinuksok ko ang knife sa likod ng bulsa ng pantalon ko bago buong puwersang binuhat ang isang maleta ko.
Nang tuluyang makalapit ang toro ay ubod-lakas ko itong inihampas sa mukha niya. Saglit itong mahilo ngunit muli ring nakabawi ng lakas. Gamit ang natitira ko pang lakas, inihampas kong muli ang maleta ko sa kaniya. Tumilapon ang maleta ko sa malayo. Napilitan akong kumuha ng bumuwelo, lumundag nang mataas at malakas na ipinadapo ang flying kick ala-Fiore sa gilid ng ulo niya. Hindi pa ako nakuntento, nilundagan ko ang ibabaw ng ulo niya at nag-thumbing papunta sa likuran nito. Kapag hindi pa siya napuruhan sa ginawa ko, katapusan ko na talaga!
Pagkalapat ng mga sapatos ko sa lupa ay hinihingal akong napatitig sa kaniya. I noticed that his legs seemed to be swivelling but still standing firmly on the ground. Nahilo lang siguro ito pero taglay pa rin ang lakas. I’m dead! Marahas kong hinugot ang kutsilyo sa likuran ko, ang kahuli-hulihang alas ng buhay ko, at inilabas ang talim. I was about to stab him when I heard a precedes running horse’s footsteps coming towards me.
“Hey! Hey! Don’t kill her, please! She’s pregnant.” The man’s baritone and deep voice stopped me.
I turned violently, not caring for anyone or anything but myself, my life, that if I hadn’t just been thoroughly trained then in my role as a wonder woman I would be dead by now! That idiot doesn’t know what he’s saying!
Sa kabila ng nanghihina at nanginginig kong katawan ay hindi ko lubos akalaing nagkaroon pa ng time ang mga mata kong manyakin saglit ang malapad at masel-maselan nitong dibdib. What a big disgrace of you, eyes! Or me?
Ang nag-uumapaw kong takot kanina ay napalitan ng init. Kung kailan ako nagtanggal ng jacket, saka pa ako nainitan nang ganito! He’s damn gorgeous with his faded jeans na hapit na hapit sa mga binti at mga hita nito!
This is not the first time I saw a man half-naked but this human is way savage than them!
And when my eyes crawled on his face it was as if I was about to stumble on the grass. Am I just looking at hot, sexy and heartthrob Chris Evans? He’s slightly familiar to me. Seems like I’ve seen him before...
Nagising na lang ako nang tila may kumalabog sa kung saan man. Paglingon ko ay nakabulagta na ang matapang na toro sa damuhan.
Crisp and loud waves of laughter echoes all over the lawn. I no longer wonder who that came from. Muli kong binalingan ng tingin ang lalaki sa likuran ko sa naniningkit na mga mata. Dapat mainis ako pero tila musika ang halakhak nito sa panrinig ko!
“I don’t know to whom I will ask this question, “Are you okay?” To you or the pregnant bull?” nagpipigil sa tawa niyang sinabi.
Bahagyan siyang tumingala sa kalangitan habang tawang-tawa pa rin. Isinasabay nito ang bawat tawa sa pagtapik-tapik sa batok ng stallion nitong kabayo.
“This is the first time I’ve seen a bull used as a punching bag,” he added with mixed amusement and exhilaration.
Kung ako lang iyong kabayo, sinipa ko na siya hanggang sa ika-pitong bundok! Kung puwede lang makipagpalit ng kaluluwa sa kabayo para magawa ‘yon, gagawin ko talaga gaano man siya kaguwapo! Letcheng ‘to!
Muntik na akong ma-murder ng bull pero nagawa pa akong pagtawanan!
I can sue him for what happened. The bull is not a pet to let her roam in the hacienda!
Tinakasan ako ng lakas sa ginawa kong pakikipaglaban sa torong iyon kaya hinayaan at pinagsawa ko na lang muna ang sariling pagmasdan siya habang bumabawi ng panibagong lakas.
I don’t feel relaxed. My panting chest coincides with the rapid beating of my heart as it communicates to the sight of the person in front of me.
“I don’t find it funny, Mister,” inis kong sinabi sa pinaghalong inis at pagkadismaya. “I almost died!” idinagdag ko sa tinging matiim at nagtatagis na mga bagang.
Dahan-dahan naman ang ginawang pagtigil nito sa katatawa. Bakat na bakat ang Adam’s apple nito sa ginawang paglunok. Napahugot ako nang malalim na hinga nang humakbang siya palapit sa kanatatayuan ko.
“Now you’re honestly familiar with a closer look,” he said as he looked at me with narrowing eyes.
Gusto kong sabihing ganoon din siya sa akin pero tinamad akong magsalita sa magiliw na himig sa taong ito.
“I am Selena Gomez,” I joke in a serious attitude.
Now I can examine his face more closely in accurate illustrations. He has these wicked ebony eyes, the great brown skin na tila hindi normal dahil namumula-mula ito, the defined body, the semi-bashful smile around his ginger-tinted growing beard. He just gives off a certain…vibe. He seems soulful and a tease in the part I can’t determine.
“Oh!” nasambit niya. “How could I not recognize you right away? The backed out wonder woman!”