IKALABING-LIMANG PATAK

1755 Words
UMAYOS sa pagkakaupo si Sendro sa gintong upuan at inayos ang sarili para muling basahin ang talaan at hanapin na ang paraan upang mapuksa o mapigilan ang pagkalat ng itim na usok na sinisipsip ng batis. Masusing binasa ni Sendro ang mga nakasulat sa talaan. Nakalagay roon na kinakailangan niyang mangolekta ng mga bagay-bagay na naroon at iaalay sa batis upang mapuksa ng batis ang itim na usok na ngayon ay pinipilit nang talunin ang kabutihan mula sa kasamaan. Nang matapos basahin ay lumabas na rin ng silid talaan si Sendro at nag-utos ng mga diwatano upang maghanap ng nakasaad sa talaan. Ang isa ay inutusan niya na kolektahin ang mga buto ng unang Maharlikang-bughaw na ibinigay niya ang eksaktong lugar ng libingan ng kanyang ninuno. Ang ikalawa naman ay nakabase sa kanya. Ang ikatlo naman ay kinakailangang hukayin ang katawan ng namayapa niyang anak na si Chrysiana upang kumuha ng mga hibla ng buhok nito. Ang mga nakolekta ay ilalagay sa isang malaking sisidlin, kinakailangang awitan hanggang malusaw. Ang mga buto, ang dugo ni Sendro at ang hibla ng buhok ni Chrysiana. Ipinagsama-sama ni Sendro ang lahat ng mga iyon saka inawitan na parang orasyon hanggang hindi niya akalaing matutunaw nga iyon na parang likido. Kinakailangang mabuhos niya iyon sa batis bago ang pagtulog ng araw. Hindi naglaon ay dala na ni Sendro ang sisidlan at nakalutang na siya sa ere habang nakasuot ng mga baluti na nilalakbay ang lugar kung nasaan ang batis. Dahan-dahang bumaba ng kaunti si Sendro upang maibuhos na ang likido sa batis. Hindi ito nangangahulugan na tuluyan nang magiging malinis ang batis dahil hanggang naroon pa rin ang usok na kagagawan ni Menendra ay hihigupin lang iyong muli ng batis. Ilang saglit pa ay binuksan na ni Sendro ang sisidlan saka dahan-dahang ibinuhos ang likido na nakasentro sa gitna ng batis. Kitang-kita ni Sendro kung paanong unti-unting lumilinaw ang tubig sa batis kahit kalahati pa lang ang kanyang naibubuhos. Hanggang tuluyan na nga itong naging asul, kasing kulay ng bughaw na kalangitan habang nagkikislapan ang liwanag ng batis. Ngunit naroon na naman ang itim na usok at unti-unti na namang lumalapit sa batis at nanghahalinang sipsipin na naman ng batis ang usok na iyon. Hindi maaari iyon! Nangangahulugan lamang na hindi pa rin ang natatanging likido ang makapupuksa upang mahinto ang pag-itim ng tubig sa batis. Higit na nangangailangan ng atensyon ang itim na usok na iyon mas kailangang maalis sa mundo ng Mirabilandia. Agad din ay bumalik sa palasyo ng Mirabilandia si Sendro upang mag-isip nang mas makabubuting lunas o kung ano pang paraan upang mapigilan ang itim na usok. Walang ideya si Sendro kung hanggang kailan ang itatagal ng batis sa paglinaw at kung kailan ito ay muling iitim. Kinakailangan ng matinding kalkulasyon. Nagpalakad-lakad sa loob ng pakasyo ng Mirabilandia si Sendro, magulo ang isipan at hindi alam ang gagawing solusyon upang matigil ang pag-itim ng batis. Walang kasiguraduhan kung hanggang kailan ang epekto ng ibinuhos niyang likido. Ilang beses na rin kasi siyang gumawa ng paraan upang mawala ang itim na usok ngunit nababawasan lamang iyon at hindi nawawala. Naalala niya ang baluting pinagtulungan nilang mailagay sa paligid ng palasyo. Kailangan nilang pagtulungan na makagawa nang mas malaki pa na aabot hanggang sa pwesto ng batis. Ito na lang ang natatanging paraang naiisip ni Sendro. Kung magagawa nilang muli iyon nang buong puwersa at sa lalong madaing panahon ay ito ang magiging solusyon pansamantala. Ngunit hindi rin niya sigurado kung gaano katagal ang magagawa ng baluti laban sa itim na usok. Itinipon ni Sendro ang mga diwatano at diwatana na may mga kapangyarihan. Ang baluti na nagawa para sa palasyo ay buhat sa kanyang kapangyarihan at kung gagawa siya na halos sakop ang kalahati ng mundo ng Mirabilandia, ay hindi kakayanin ng kanyang kapangyarihan. Kinakailangan pa niyang kumuha ng lakas at siglo ang lilipas upang magawa niya iyon. Pagdating sa bulwagan ay halos kumpleto na nakaupo ang mga hirang na diwatano at diwatana may taglay na kanya-kanyang lakas at kapangyarihan. Naupos si Sendro sa malaking gintong upuan na nakasentro sa gitna. Walong diwatana ang nasa kabila at walo rin ang nasa tapat. “Nakarating na marahil sa inyong kaalaman ang dahilan nang pagtungo ninyo sa bulwagan?” sabi ni Sendro sa mga ito. “Nais naming mabatid kung bakit ganoon na ang kulay ng batis?” tanong ng isang diwatana—ito ang kumakatawan sa mga halaman at mga bulaklak. “Hindi ba at kayo ang may pinakamalakas na pwersa ng kapanyarihan? Ano at hindi ninyo nasolusyunan?” tanong naman ng isa diwatano na kumakatawan sa punongkahoy. “Ang suliraning ito ay lubhang mapanganib para sa atin mga naninirahan. Alam kong ako ang namumuno sa kaharian. Ngunit, nais kong ipaaam ang dahilan kung kayo ay narito sa aking harapan. Nais kong humiram ng inyong kapangyarihan upang gumawa ng baluti laban sa kasamaan. Hindi lingid sa inyong kaalaman ang matinding kasamaan na nagagawa ng itim na usok. Maari lamang sana ay pumayag kayo sa aking kahilingan. Mungkahi na pagsama-samahin natin ang ating mga puwersa upang makabuo ng baluti para sa ikaliligtas ng karamihan. Ito ay hindi alok ngunit kusang loob. Kalooban na kayo mismo ang manimbang,” mahabang paliwanag ni Haru Sendro. Ibinaba ni Sendro ang tingin sa mga tuyong dahon na hindi napupunit at nagsisilbi nilang papel. Ang tinta naman ay buhat sa dagta ng isang mabangis na bulaklak. Inutusan niya ang isang kawani o gwardya na ipamahagi ang mga papel na walang laman at bigyan ng tag-iisang balahibo o pakpak ng mailap na hayop pang papawirin (ibon).   NAGKASUNDO nga ang mga naroroon na ibahagi ang kanilang kanya-kanyang kapangyarihan, pagsama-samahin hanggang makabuo ng baluti para sa itim na usok. Sapat na lakas at kapangyarihan ang kinakailangan upang mabuo iyon. Kinakailangan din nilang magsuot ng pananggalang sa usok—iyon ay ang baluti para sa ilong. Nang matiyak na lahat sila ay nakasuot na ng baluti. Nag-angatan silang lahat, labing pitong mga diwatano at diwatana kasama siya. Sa ere ay bumuo sila ng pangkat at luminya ng pabilog, ang mga kamay ay nakaangat at nakatapat sa iisang direksyon. Lahat ay humugot ng malalim na paghinga saka inilabas ang pwersa at naglabas ng kapangyarihan ang bawat isa na lahat ay puti maliban kay Sendro na pusyaw na dilaw ang inilalabas na pwersa ng kapangyarihan. Dahan-dahang nagliwanag ang paligid kasunod ang pag-angat ng kanilang kapangyarihan na nakadireksyon sa kalangitan hanggang unti-unting sumaboy sa paligid at kumalat. Lumampas pa ng kaunti sa pwesto ng batis ang kapangyarihang gumapang na parang tubig. Lumawak at tila naging isang salamin—isang invisible na salamin ngunit mahihiwalay na ang itim na usok. Gamit ang hininga ay umihip si Sendro upang tuluyang matunaw ang itim na usok na inabutan sa loob ng baluti. Nagawa naman niya at nagtagumpay. Ang kanilang mithiin ay napagtagumpayan din nang luminaw ang paligid at nawala na ng tuluyan sa loob ng baluti ang itim na usok. “Maraming salamat sa tulong ninyo. Lubha kong ipinagpapasalamat na ito ay kaligtaasan ng ating mundo,” nakangiti pang sabi ni Sendro. Nagpalakpakan ang lahat, nakangiti at masayang-masaya. Unti-unti ring naglabasan ang mga ibang diwatano at diwatana para tingnan ang naganap. “Tunay na ikaw ay isang haru! Napagtagumpayan mo nga ang ganitong suliranin,” sabi pa ng diwatana na tagapangalaga sa mga hayop. “Maraming salamat sa papuri! Ang papuri ay sa Bathala!” Nagkaroon ng maliit na selebrasyon ang palasyo dahil sa tagumpay na nagawa nila. Bagaman hindi sigurado si Sendro kung magtatagal nga ang baluting kanilang nagawa ngunit umaasa siyang masisira lamang iyon kapag nakabalik na ang hinirang na tagapagmana ng trono. Naging abala ang lahat sa selebrasyon. Habang tumutunod ang harpa, humuhuni ang mga ibon at nagsasayawan ang mga halaman, punongkahoy at mga bulaklak. “Pagpupugay sa mahal na haru!” sigaw ng lahat habang si Sendro ay dumaraan sa lipon ng mga diwatano at diwatana. Nahahati ang daan sa pagtawid ni Sendro sa gitna patungo sa gitna kung nasaan ang kanyang trono. “Magsaya kayo! Magdiwang at ipagpatuloy ang ligaya. Sunod na pagtulog ng araw, tayo naman ay mag-uumpisang magpunla nang madagdagan ang ating pagkain.” Kailangan nilang magdoble ng kayod upang kung sakali mang magapi ang baluti sa itim na usok ay nakaimbak na sila ng mga pagkain. Ang lahat ay nagsayawan at ang iba ay bahagyang umangat pa sa sahig habang sumasayaw. Ang mga kamay ay may tangang kopita na may alak. Isang maliit na selebrasyon na pakiramdam ni Sendro ay isang malaking selebrasyon na rin. Kung buhay sana ang kanyang anak ay baka nagkakaroon na rin sila ng pagtitipon at selebrasyon dahil sa pagbabalik nito. Baka nga maianunsyo pa ang kasal sa Mirabilandia. Iyon siguro ang magiging unang beses na may ikakasal na mortal at isang diwatano sa mundo ng Mirabilandia. Kapag nakabalik na siguro ang hinirang ay hahayaan na ni Sendro na pumili ito ng diwatanang makadadaupang palad at makakahati sa puso. Ang iniisip na lamang ni Sendro ay ang apo niyang nasa mundo ng mga tao. Bahayang tumatambol ang kanyang dibdib kapag naiisip na baka matagupuan ni Menendra ang kanyang apo. Gagawin niya ang lahat para mailayo lamang ang kanyang apo ngunit may bago na naman siyang suliranin. Tila hindi na yata natatapos ang mga suliraning iyon. Palagi na lamang nadadagdagan sa bawat pagtulog ng araw. Minsan nga ay ninais na ni Sendro ang sumuko. Ngunit kung susuko pa siya ay paano na ang Mirabilandia? Paano na ang kanyang apo na naiwan sa mundo ng mga mortal? Kinakailangan din ni Sendro na matagpuan si Menendra upang maikulong ito at hindi na muling makapaghasik ng lagim. Walang kasiguraduhan kung magbabago pa ito. Lalo na at inilabas na nito ang tunay na kulay at ang galit, panibugho, ganid at selos ay pumuna sa puso at kaisipan nito na mukhang malabo ng malinawan pa ito upang magbago. Hindi ninanais ni Sendro ang kumitil ng buhay dahil matagal na ipinagbawal sa palasyo at ng Mirabilandia ang magparusa ng kamatayan, napakabigat man ng kasalanan o makahulugan man ang kamatayan para sa gumawa ng kasamaan. Kung tutuusin ay puwede ng ihulog ni Sendro sa kumukulong asupre si Menendra ngunit wala iyon sa kanilang talaan ng mga salitang ipinagbabawal sa pinapayagan. Siglo na rin ang nakalipas ng isang Maharlikang-Itim din ang naparusahan at iyon ang unang beses na inihulog ito sa kumukulong asupre. Ito ang kabaliktaran ng batis ng kaliwanagan. Ang kumukulong asupre ay lubhang mapanganib, nagagamit lamang nila iyon sa mga malalaking piging. At kung malamig din ang panahon ay kumukuha sila roon parang magamit sa malamig na klima.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD