Luther POV
Kakaalis lang ng tatlong doctor na pinapunta ko dito sa bahay ko at kasabay ng pag-alis nila ay ang pag iwan nila sa akin ng masakit at masamang balita. Hindi ko inaasahan na ganun na pala ang nangyayari sa akin. I didn't expect na ganun kasama ang balita na matatanggap ko.
Hindi ko kailanman inakala na for almost 28 years na nag eexist ako dito sa mundo na ito sakit lang pala ang magpapabagsak sa akin, hindi sumagi sa akin na magkakasakit ako because although I'm too busy sa negosyo I always make sure na healthy ako pero iba ang lumabas sa isinagawang tests ng mga doctor ko. Sa larangan ng negosyo namamayagpag at matagumpay ako pero aanhin ko ba ang mga yamang yun kung kahit gaano pa karami ang salapi na meron ako ay hindi pa nagkakaroon ng lunas sa sakit na meron ako, damn. The cure wasn't available I was diagnosed with brain tumor. Wala pa akong nabalitaan sa pamilya ko na nagkaroon ng sakit na ganito kahit na hindi kami close.
There is no cure yet sa sitwasyon kong ito lalo akong nanlumo at nasaktan. I did ask these three doctors para malaman kung pare-parehas ba ang diagnosis nila. Sad to say they have the same diagnosis. I am really devastated right now.
At paano ko gugulin ang isang taong taning na meron ang buhay ko. Hindi pa nga ako nakakabuo ng sarili kong pamilya at makakilala ng babaeng papakasalan ko tapos mukhang kukunin na agad ako ng Panginoon. I have so many plans na gusto kong maabot pero kakayanin ba yun kung isang taon nalang ang nalalabi kong ilalagi dito sa mundo. Gusto ko ring maranasan magmahal at magkapamilya kasi sa tanang buhay ko puro trabaho lang ang inatupag ko. I know it was all worth it kasi matagumpay at namamayagpag na ang pangalan at negosyo ko sa business world. Marami pa akong pangarap sa buhay na hindi ko na yata matutupad dahil sa pesteng sakit na ito, ang sakit talaga walang pinipili ke mahirap o mayaman ka walang ligtas.
Sa isang buwan kong pagkalugmok wala akong ibang ginawa kung hindi ang lunurin ang sarili ko sa alak, na baka sakaling pag ginawa ko yun ay mabago at makalimutan ko ang lahat. Alam kong mali itong ginagawa ko pero ito nalang ang solusyon na naiisip ko para makalimutan ko ang lahat ng sakit na nararamdaman ko.
Ni minsan hindi sumagi sa isip ko na na mangyayari ito sa akin. Naging mabuting boss naman ako at tao pero bakit ganito ngayon ang nararanasan ko. Alam kong maling kwistyunin ang Panginoon dito at nahihiya ako dahil ginagawa ko ngayon.
Kumpleto at legal ang business ko. Maayos din ako bilang employer kumpleto at siguradong nasa tama ang sahod at mga benefits ng mga empleyado ko, hindi ko sila inaabuso dahil wala iyon sa moral, prinisipyo at diksyunaryo ko bilang isang tao at boss nila. Nagbabayad naman ako ng tamang buwis at nakakatulong din sa pag-unlad ng Pilipinas dahil marami akong exmpleyado sa negosyo ko.
Hindi rin naman ako babaero at mas lalong hindi mapaglaro sa isang relasyon. I'm very serious and faithful kung sakali mang magkakaroon ako ng karelasyon. Pati nga tadhana ayaw akong bigyan ng kasintahan tumanda nalang ako ng 28 na wala pang nagiging nobya, hindi naman ako pangit o masama ang ugali sadyang wala lang talaga akong matipuhang babae. Maginoo naman ako at hindi bastos. May ibubuga naman ang itsura ko. Ang nanay ko kasi ay isang Filipino at Russian naman ang ama ko, kaya ng makabuo sila at ako yun, maganda naman ang kinilabasan. Mukhang hindi ko rin mararansan ang maging isang ama. Damn sayang ang genes ko I wouldn't risk na magkaroon ng anak lalo pa at baka mamana ito ng magiging anak ko. Life is really too cruel for me.
Pero sabi kasi ng nanay ko na manggagamot na sa madaling salita isang albularyo sa isang nayon sa Bicol, matagal ng kasama ang Poong maykapal ang ina ko, maidagdag ko lang masakit pero maaga siyang kinuha sa amin pero ngayon kahit masakit ay tinanggap ko nalang. May isa daw babaeng baliw na baliw sa tatay ko noon na sinumpa ako at ang ina ko na mamalasin at maagang mawawalan ng buhay, kahit na sa panahon na ako ng teknolohiya may parte sa akin na naniniwala sa mga sinabi niya. Kasi base sa mga nangyayari mukhang at tiyak na maaga din akong lilisan sa mundong ito.
Noong una'y hindi pa ako naniniwala pero habang tumatagal parang totoo nga ang sabi ni Nanay. Ilang taon na rin ang lumipas na mabalitaan ko sa aking ama na kinitil nga ng babaeng baliw na baliw sakanya ang sarili nitong buhay dahil sa sobrang pagkabaliw at pagmamahal niya sa tatay ko. It was like she sold her soul to devil para magtagumpay ang sumpa na binigay niya sa akin at sa nanay ko.Iba ang nagawa ng pag-ibig niya sa tatay ko masyado siyang binaliw na pati kami ay ginawan niya ng masama. I don't know kung ano ang itsura niya pero marami na ang nakapagsabi na magandang babae daw ito.
She spared my dad from the curse, she was crazily and obsessed with my dad na kahit gaano pa siya nasaktan nito hindi niya ito idinamay pero ang binigay niyang sumpa para sa mga mahal nito ay singtindi ng galit na nararamdaman niya, puro poot at pagkamuhi ang laman ng puso niya. .
Muli akong napabalik sa realidad ng mapansin ko ang itsura ko sa harap ng salamin. Magulo ang buhok, namumutla ang labi at pugto ang mga mata sino ba naman kasi ang hindi maaiyak sa lahat ng paghsubok na kinakaharap ko. Kaming mga lalaki umiiyak din kami taliwas sa pananaw ng iba sa amin. Ang itsura ko ngayon ibang-iba sa kinahuhumalingan ng mga kababaihan ang dating pulido at maayos kong buhok ay napalitan na pagkagulo. My reddish lips was gone and it was altered by this paled lips. At sino ba naman ang hindi mamumugto ang mga mata kung malaman mo ang masamang balita.
But one thing is for sure kailangan kong sulitin ang mga nalalabi kong araw sa mundo. I need to experience the real meaning of happy life para kahit manlang mawala ako sa mundong ito ay naranasan kong maging tunay na masaya. Yung mga hindi ko nagawa noon dahil sa pagkatutok ko sa negosyo susulitin ko ngayon lalo na at konti nalamang ang oras na itatagal ko.
Hindi dapat ako nagmumok dito at sinasayang ang kaonting oras na ilalagi ko sa mundo. I should be living my life to the fullest.
Ipinangako ko sa sarili ko na huling inom ko ngayong araw ng alak na ito dahil bukas na bukas aayusin ko na ang buhay ko.
"Leryo free my schedule for 9 months, don't call me o ano pa man. My company can run and thrive without me I am appointing you to be my substitute, you know how much I trust you para na kitang kapatid. If ever my business partners and my employees ask where I am sabihin mo I am having a vacation. I need vacation lalo pa't umikot nalang ang buhay ko sa pagtatrabaho and I know that you know that. " I instructed him through this phone call.
"Copy that Sir. I'll make sure that everything will be fine here habang wala po kayo. " He answered me immediately. Leryo is five years older than me at isa sya pinagkakatiwalaan ko. He doesn't know about my illness at ayaw ko rin malaman niya masyado na rin kasi syang problemado sa pamilya niya.
Before ending the call I sighed, what a twisted life I can have. Aminin ko man o hindi naniniwala din talaga ako na gumana yung sumpa ng ex ng tatay ko.
Habang unti-unting sumasakit na naman ang ulo ko bigla akong napaisip na bakit hindi ako humanap ng babaeng papakasalan ko para may magmana ng lahat ng kayamanan na meron ako. As long as she isn't a minor I'll marry her. She will be my heir and I will be faithful with her. Sa loob ng mga susunod na buwan at sa loob ng siyam na buwan na yun magakakatagpo rin kami.
Dear Lord please allow me to meet my soon to be wife and I will be the happiest man gusto ko rin pong maranasang magmahal at mahalin.
I am praying and hoping na ang babaeng pakakasalan ko ay kabaliktaran ng isang katulad ko, sana makita at makatagpo ko na rin siya I will love her with all I can and with all my damn heart.
Agad kong ipinikit ang mga mata ko ng sumakit muli ang ulo ko, damn this is too painful for me to handle. Isa lang ang pumasok sa isipan ko at yun ay itulog muna ang lahat nagbabakasakaling mabawasan ang sakit nito. Baka sakaling pag gising ko'y mawala na din ang pananakit nito. I refused drinking my medicine susulitin ko na ang nalalabing mga araw ko sa mundo I will make sure of that.
•••••••••••••••••
Nang gabing iyon hindi alam ni Luther na tutuparin ng Panginoon ang taimtim niyang dasal pag-aadyain ng tadhana na magkita sila ni Amara ang pulubi na bibihag ng pihikang puso niya.